Kabanata 3

1940 คำ
"Layuan mo ako kung ayaw mong masapak, Zech!" bulong ko sa kaniya. Mahina muna itong tumawa bago kumalas sa yakap. "Oh my gosh! I didn't imagine na mangyayari ang araw na ito. Like 'di ba? Ate and Kuya Zech together? Ate is so boyish kaya and Kuya is so tipid magsalita." Halos umikot ang mga mata ko sa kakairap kay Natasha. Grabeng conyo! Leche!  "Hayaan niyo na sila, hindi talaga maiiwasan ang ganiyang bagay. Ang importante mahal niyo ang isa't-isa," nakangiting wika ni Daddy. Nagmamahalan? Yuck! Ang gagong katabi ko nama'y ngiting-ngiti habang tumatango. "I agree. Let's eat." Hinila niya pa ang kamay ko patungo sa mesa. Nagsimula na ring umupo ang lahat. Tahimik kami ni Zech habang kumakain. Ang iba nama'y may kani-kaniyang usapan. Hindi ko alam ngunit ang awkward ng pakiramdam ko dahil sa katahimikan sa pagitan namin. Ano ba ito! Hay! Mabilis tuloy akong nagpaalam sa kanila pagkatapos kumain. Kailangan ko na rin sigurong maligo para mahimasmasan. Nakatapis lang akong lumabas sa CR, hindi kasi ako komportableng magbihis sa loob. "Anong ginagawa mo rito!" sigaw ko kay Zech na tamad lamang nakatingin sa akin. Komportable itong nakahiga sa aking kama. "Magbihis ka na sa loob, Maria." Itinapon niya sa akin ang mga damit na inihanda ko kanina. Nasalo ko ang t-shirt at short ngunit nahulog sa sahig ang aking undergarment. "Hindi ko alam na mahilig ka pala sa pusa." I met his playful eyes. Paniguradong gagaguhin na naman ako nito. "Shut up!" Dinampot ko ang aking bra at panty na pusa ang print. I saw him smirked. Inismiran ko na lang. Padabog akong pumasok muli sa CR. Bakit ba kasi ganitong disenyo ang binibili ni Mommy? Ginawa akong bata! Tsk. "Bakit ka ba nandito?" bungad ko sa kaniya paglabas. Nakahiga pa rin ito, nakaunan sa kaniyang dalawang braso. "Inaantok ako." "Edi umuwi ka na." Tinaasan ko siya ng kilay. Lumapit ako sa kaniya't nahiga rin sa kama ngunit taliwas sa kaniyang pwesto. Nakaunan ako sa kaniyang tiyan. Sa sobrang tagal na naming magkaibigan, ganito na kami ka-komportable sa isa't-isa. Kaya lang minsan, nagkakasaltik siya't kung anu-anong sinasabi. "Busy pa sila." Napatingin ako sa kaniya nang sinuklay niya ang aking buhok. "Paano natin lulusutan 'yong kagaguhan mo? Mamaya, umasa ang mga 'yon na tayo talaga. Hindi tayo talo, 'tol." Nahinto siya sa paghagod sa aking buhok at tiningnan ako ng masama. "Hayaan mo sila." "Gago ka ba? Pamilya natin 'yon!" "Maria Nowelle, they knew our real score. Nakikisakay lang ang mga 'yon." Tumagilid ako ng higa upang maharap siya. Pinagpatuloy niya ang pagsuklay sa aking buhok. "I don't think so. Parang naniniwala silang tayo e." Ayaw kong umasa silang meron ngang namamagitan sa amin ni Zech. Baka makaisip pa sila ng kung anu-anong kababalaghan, ayaw ko pang maikasal! "Ts. Sleep now. Wala ka pang pahinga." "Pagod lang ako, 'tol. Pero hindi pa ako inaantok." "I'm sleepy." Naghikab pa ito. Dumeretso rin yata sila sa meeting pagkadating dito e. "Matulog ka na. Pahiram na lang ako ng cellphone mo." Walang alinlangan niya itong ibinigay sa akin. Ipinikit na rin niya ang mga mata pagkatapos. Umayos ako ng higa't tumabi na lamang sa kaniya para hindi siya mahirapan. Mukhang tulog na agad ang chonggo, malalim na ang paghinga. Binuksan ko ang kaniyang cellphone. Bumungad sa akin ang wallpaper niya, picture naming dalawa. Focus lamang ito sa mukha naming dalawa na dikit na dikit. Parehong malapad ang mga ngiti. Nakasumbrero kaming dalawa, sa sumbrero ko'y may nakasulat na BEST. Sa kaniya nama'y FRIEND. Best friend, hindi pwedeng maging kami dahil magkaibigan kami. Napangiti ako ngunit hindi ko batid kung bakit may kirot sa aking puso. I can feel something strange on my stomach. Hayyy. Ano ba 'yan, Nowelle? Kung anu-anong naiisip ko. Nababaliw na yata ako! --- "Kiel, Nowelle! Breakfast is ready. Bumaba na kayo. May pupuntahan pa tayong party mamaya." Rinig kong saad ni Mommy habang tinatampal ang pisngi ko. Tuluyan na akong dumilat dahil palakas na nang palakas ang pagtampal niya sa akin. "Mom, masakit!" I groaned. Ngumiti lamang ito't sumenyas na gisingin na rin ang katabi ko bago siya umalis. Nakaunan pala ako sa braso ni Zech. Tulog na tulog pa rin ito, nakaawang pa ng kaonti ang kaniyang bibig. Tumayo na ako, baka kung saan na naman mapadpad ang isip ko. Nakatulugan ko kagabi ang pag-iisip. Mukhang hindi na rin kami ginising. Sanay naman silang dito natutulog ang chonggo na ito. "'Tol, wake up." Hindi ko tinigilan ang pagyugyog sa kaniya hanggang sa magising siya. "Good morning," bati nito bago bumangon. "Mauna na akong maligo, 'tol. Kakain na raw tayo sa baba mamaya." Tumango lang naman ito habang nagkukusot ng mata. Sabay kaming bumaba matapos maligo. Hindi naging problema ang damit nito dahil halos sa kaniya naman lahat ng damit na sinusuot ko. "Good morning po." Bumeso siya kay Mommy at nagmano naman kay Daddy na nasa magkabilang dulo ng mesa. "Good morning." Hinalikan ko sa pisngi sina Mommy at Daddy bago umupo sa harap ni Natasha. Si Zech naman sa tabi ko. "Ate, your dress is already upstairs. Fit it mamaya to make sure na kasya mo," maarteng bungad ng kapatid ko. Tipid nitong nginguya ang kinakain, napakaarte. Hindi naman kagandahan. Lol. "Sinong pumili 'nun?" walang ganang tanong ko. Siguradong hindi ko na naman magugustuhan 'yon. Pwedeng mag shirt at pants na lang ako? Tsk. "Me. Don't worry, Ate. Ako rin ang mag-aayos sa'yo later." Do I have a choice? "Kiel, ikaw ang partner ni Nowelle? How about your twin sister?" biglang tanong ni Daddy. "Si Zake po ang partner ni Kiz. Zia will not come, she needs to take care of their daughter," sagot niya habang pinupuno niya ng kanin ang aking plato. "Baka gusto mong mabugbog?" bulong ko rito. Kailangan kong mag-diet dahil paniguradong hapit na hapit na naman 'yong damit na ipapasuot sa akin. Kung pwede nga lang hindi na kumain e. Ayaw kong magmukhang suman, pagtawanan pa ako nitong gagong 'to! "Eat that." His eyes bore into me like daggers. Ngunit hindi ako nagpatalo, sinalubong ko ang masamang tingin niya. I even raised my eyebrow. "Nowelle, kainin mo na 'yan. Dapat masaya ka pa nga dahil maasikaso ang boyfriend mo sa iyo," nakangising singit ni Mommy. And what the hell did she say? Mahina namang tumatawa sina Daddy at Natasha. Umagang-umaga, pinapainit nila ang ulo ko! "Sino nga po pala ang date ni Natasha?" Pambabalewala ko na lang sa hirit nila. Nakakaumay makipagtalo. Inismiran ko na lang din si Zech na pinipigilan ang pagtawa nang malakas. "Si Baron." Nakangiti pa rin nang wagas si Mommy nang sumagot. Tsk. "Ha? Who's that?" takhang tanong ko kahit punong-puno ng pagkain ang aking bibig. It's a party for IT professionals and business men. Hindi kami kasali nina Natasha at Kiz kaya lang, kailangan daw naming dumalo para malaman ang kalakaran ng industriyang aming pinasok. In order for us to attend the party, kahit wala pa kaming napapatunayan sa industriya, kailangang may ka-partner kaming invited sa party. Zech got invited kasi may pangalan naman na siya sa IT field. "One of our business partners." "Oh! So, matanda?" buti pumayag itong maarteng babae na 'to? "Ate, he's not matanda! He's 4 years older than me pero he looks young." "Nakita mo na?" "Yes, sa picture." "Hmm. Hahahahaha! Picture? Malay mo, sa picture lang siya mukhang bata." Pang-aalaska ko. Inismiran tuloy niya ako 'saka ipinagpatuloy ang pagkain. Pikon. "Tita, Tito, thanks for the breakfast. I'll go now." Paalam ni Zech matapos naming kumain. "Mag-ingat ka. See you later," wika ni Mommy. Hinatid ko siya hanggang sa rooftop, naroon kasi ang sasakyan niya. "I'll pick you up later, Maria." Saad nito nang mabuksan ang pinto ng sasakyan. Nagkatinginan kami saglit bago ako tumango. Awkward. "Don't wear sexy dress. Baka magmukha kang suman." Pahabol nito nang mapagtantong wala akong balak na magsalita. "Gago!" Babatuhin ko sana siya ng tsinelas kaso agad itong nakapasok sa sasakyan. Bwisit na chonggo! ---- "Oh my G! I'm so amazing talaga! You're so pretty, Ate! Geez! Wait, let's take a picture." Nanggigil na saad ni Natasha. Kakatapos niya lang akong inayusan sa buhok at mukha. Inilugay niya ang aking buhok at ginawang kulot ang baba nito. Light make-up lang din ang ginawa niya sa mukha ko. Wala namang gaanong nagbago sa itsura ko, she's just exaggerated. "Ano ba naman 'to, Natasha! Ang sikip tapos bakit may punit pa rito?" Kulay lang yata nito ang nagustuhan ko, black. Pero ang kabuuan nito'y, nevermind. Turtle neck nga siya pero backless naman. Bukod pa sa hapit na hapit sa akin, may slit pa ito sa kaliwang paa ko. "Duh? Ate, you look like Godess kaya! Those curves and long legs of yours, OMG! Kuya Kiel will love you more!" Napairap na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Nakabihis na rin ito. Parehong backless at may slit ang suot namin. Kaso ang kaniya'y tube, at kulay abo. Ganoon din kay Mommy, kulay pula nga lang at medyo maikli. "Tigilan mo nga 'yang kaka-picture sa akin, Natasha. Gusto mo yatang ihagis ko ang cellphone mo?" Banta ko sa kaniya ngunit ngumuso lamang ito't patuloy sa pagkuha ng litrato. "Nowelle, nasa baba na si Kiel. Bilisan mo riyan." Sigaw ni Mommy pagkapasok sa kwarto kasama ang isang robot. Nakabihis na rin ito ngunit hindi pa naaayos ang kaniyang buhok. Kinuha ko na ang aking pouch bago nagpaalam kay Mommy na idinedetalye na ngayon sa robot ang gusto niyang disenyo ng kaniyang buhok. Rinig ko naman ang usapan nina Daddy at Zech pagkarating ko sa living room. Agad naman silang napabaling sa aking gawi. Matamis akong nginitian ni Daddy kaya ngumiti na rin ako. Si Zech nama'y seryoso lamang na nakamasid. "Maiwan ko na kayo rito. Puntahan ko lang ang Mommy mo sa itaas." Paalam ni Daddy. Tinaasan ko si Zech ng kilay dahil nakatitig lamang siya sa akin. Parang adik! "Hoy, tara na!" Hinampas ko siya sa braso gamit ang aking pouch. "Ts." Marahas itong pumikit bago muling bumaling sa akin. "Sinabi kong 'wag kang magsuot ng ganyan." Kunwari nitong kinakalikot ang kaniyang cellphone. Paano ko nalaman? Baliktad lang naman ang hawak niya rito. Hay! Poor, Zech. Nginitian ko siya ng matamis bago lumapit sa kaniya. "Bakit, tol? Tinitigasan ka?" malambing na saad ko nang ilang dangkal na lamang ang layo namin sa isa't-isa. Rinig ko ang mabilis niyang paghinga kaya hinawakan ko ang kaniyang dibdib ngunit bigla itong napaatras. "Let's go." Malamig niyang saad 'saka mabilis na sumakay sa elevator patungo sa aming rooftop. Problema nito? Ilang minuto na simula nang makaalis kami ngunit ni isang sulyap ay hindi niya maigawad sa akin. Hindi rin niya ako kinikibo. Naasar ba siya sa sinabi ko? Joke lang naman 'yon e! "Tol," alinlangan kong tawag sa kaniya ngunit marahas lamang siyang bumuntong hininga. "Kung ayaw mo talaga itong damit ko, pumunta na lang muna tayo sa designer ni Mommy. Palitan ko na lang ito ng mas maayos." Ganoon ba kasama ang itsura ko ngayon para ganito ang trato niya sa akin? Siguro, ayaw niyang nakikita siyang may kasama na mukhang suman? Lalo na't marami siyang kakilala sa party na dadaluhan namin. At bakit ang sama ng pakiramdam ko? Gusto kong magalit at umiyak. What the? "Ts." Iyon lang ang sinabi niya't deretso pa rin patungo sa venue ng party. "Sige, palit na lang tayo ng partner mamaya? Kayo na lang ang magpartner ni Kiz tapos kami ni Zake." Naninimbang kong suhestiyon. Mukha man akong kalmado sa labas ngunit ang totoo'y gusto ko na siyang bugbugin! "Why, you like Zake?" masamang tingin ang ibinaling niya sa akin. "Of course not! I'm doing this for you! Hindi ba't ayaw mong may nakakakita sa'yong may kasama kang mukhang suman? Then, let's change partners. Okay lang naman siguro si Zake sa akin," inis kong sagot. Nakakairita! Bigla niyang itinigil ang sasakyan, nasa parking lot na pala kami ng venue. Lalabas na sana ako ngunit agad niyang hinablot ang aking braso. "What the hell are you saying? Ayaw ko 'yang suot mo dahil alam kong makakaagaw ka ng atensyon! Maraming taong dadalo rito at impossibleng ni isa sa kanila'y hindi ka magustuhan! Damn it! Gusto ko, ako lang ang nakakakita sa imahe mong 'yan! But... Ugh... F*ck!" Hinampas-hampas nito ang manibela at marahas na ginulo ang buhok. "H-ha?" teka... ano raw?
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม