Halos sumabog sa init ang aking mukha dahil sa narinig. Heto na naman siya, ginagago na naman ako!
"T-tumigil ka nga, 'tol. Nanggagago ka na naman!" hirap ako habang nagsasalita, 'tila may bumabara sa aking lalamunan. Hindi na rin ako makatingin ng deretso sa kaniyang mga mata.
"Sinong nagsabing ginagago kita?" Hinila niya ako palapit sa kaniya. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.
"Hahayaan kitang ganyan ang damit mo sa party pero hindi ka pwedeng umalis sa tabi ko. Tandaan mo 'yan, Maria." His playful baritone voice sent shivers down my spine.
Hindi ko na talaga maintindihan ang aking sarili. Kung anu-ano na lang ang nararamdaman ko. Hindi na ito maganda!
"Kung ayaw mong halikan kita." Dagdag pa nito, ang mga mata ay nakatingin sa aking labi dahilan kung bakit napatingin din ako sa labi nito.
Sh*t! Gago ka, Nowelle!
Tulala pa rin ako habang naglalakad patungo sa loob ng venue. Nakakawit ang braso niya sa aking baywang.
Please lang, Nowelle! Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, isa lang ito sa mga kagaguhan niya.
"Good Evening, Mr. Martinez! Where's your Mom and Dad?" Bati sa kaniya ng isang matandang lalaki nang makarating kami sa hallway na kung saan may kailangan kang tapakan na platform, matutukoy nito kung may dala kang patalim o kahit na anong delikadong bagay.
"Good Evening! Papunta na po sila rito." He stepped up onto the platform and looked out into the man.
Tinanguan lamang siya nito at pinapasok na kami, isa yata siya sa host ng party.
"Kiel, you're here!" Biglang sulpot ng isang babae habang naghahanap kami ng upuang inilaan para sa amin.
"Yah," simpleng sagot ni Zech.
Dederetso na sana ako upang ipagpatuloy ang paghahanap sa aming upuan. Sigurado naman kasing magtatagal pa sila sa pag-uusap. Masakit na ang paa ko dahil sa sobrang taas ng suot kong stilleto, gusto ko nang umupo!
Ngunit ang kamay ni Zech sa baywang ko ay bumaba sa aking kamay. Napatingin tuloy ako roon.
"Stay beside me." He licked his lower lip. I stunned a bit, and gazed unconsciously into his rep lips.
"O sinasadya mong umalis sa tabi ko, so you can kiss me?" I saw his lips rose. Bakit parang ang sarap niyang halikan? Mukhang malambot, gusto kong kagatin.
"Hey, Maria!" Bumalik ako sa katinuan nang may yumugyog sa aking balikat.
"Y-yes?" I sighed heavily. What was that?
"You want to kiss me?" malambing niyang wika ngunit ramdam ko pa rin ang pangungutya sa boses nito.
"Shut up, Zech." Mabilis ko siyang tinalikuran. Hahanapin kong mag-isa ang upuan namin!
Narinig kong tinawag siyang muli ng babae. I did not look back. Mabuti 'yon para mapakalma ko muna ang sarili ko.
My heart's beating so fast. This can't be heart attack, right?
Agad akong umupo sa upuan ko nang mahanap ito.
"Umayos ka, Maria Nowelle. Hindi ka na nakakatuwa." Parang baliw na bulong ko sa sarili habang kinakapa ang puso kong patuloy pa rin sa pagtibok nang malakas.
"Hi, Miss. Are you okay?" Nakangiting lalaki ang nasa harap ko ngayon, inilahad pa nito ang isang baso ng alak.
"I've seen a lot of girls here but you're the prettiest," saad niya.
Ang bilis pumorma nito, ha? Akala siguro niya na mabilis akong makuha sa mga gan'yang paandar.
Hindi ko pa rin kinukuha ang iniaalok nitong baso at nahalata niya yata ito.
"Oh, you don't drink? Hmm... my type." Ininom niya ang alak na hawak 'saka ngumiti. Creepy. Tingin ko ay kaedad lamang namin siya ngunit mukha itong manyak. Kung tingnan niya kasi ako ay para niya akong hinuhubaran. Bangasan ko kaya siya?
"Gusto mo bang i-tour kita sa buong venue? There's a lot of new invented robots and technologies here." Hindi ko napigilang mapangiwi nang dilaan niya ang kaniyang labi matapos akong tingnan nang malagkit mula sa ulo hanggang paa .
"I can tour my girlfriend. No need to accompany her, Mr. Cruz." Biglang sulpot ni Zech, pumagitna pa ito sa amin. Halata ang galit na dumaloy sa mukha ng lalaki ngunit ngumisi naman agad nang makitang nakatingin ako sa kaniya. Nakakapanindig balahibo, ang sarap sungalngalin!
"Girlfriend? You can't fool me, Mr. Martinez. Hindi ka papatulan ng magandang binibining ito. Haha!" Umiling-iling ito 'saka tumawa nang malakas.
"'Tol, sabihin mo lang kung bugbugin na natin 'yan," bulong ko kay Zech na kanina pa nagpipigil.
"Just stay."
Aba! Ginawa pa akong aso. Hinila ko siya at dinala sa aking likod. Natahimik ang lalaki nang mapagtantong ako na ang nasa harap niya.
"What are you doing, Nowelle!?" galit na bulong ni Zech ngunit hindi ko na siya pinansin.
Nilapitan ko ang lalaki at ikinawit ang mga braso sa kaniyang leeg. I smiled at him sweetly.
"Mapusok. That's what I like." Ngumisi siya kay Zech na nasa tabi ko na pala.
Alam kong hahayaan niya lang ako sa kung ano man ang aking plano. Ngunit kailangan ko ng bilisan bago pa siya sumabog at maunahan pa niya ako.
"You like that? Siguradong magugustuhan mo rin ito," saad ko bago siya sinuntok sa batok at 'saka sinikmuraan.
Namilipit ito sa sakit ngunit agad ding nakabawi. Mabuti na lamang mabilis akong hinila ni Zech nang akmang sasampalin ako ng lalaki.
"Don't you dare," maikling wika ni Zech 'saka pumitik upang tawagin ang mga robot guards.
Nanatili lamang ako sa likod nito habang kinakausap niya ang head guard. Hawak naman ng iba ang lalaki na kanina pa nagwawala.
Nang matapos ay hinila na nila ang lalaki palayo. Tinaasan ko naman ng kilay ang mga nakatingin sa amin. Mga chismosa!
Ngunit agad akong umayos nang humarap si Zech sa akin. He looked dangerous. Nagtama ang mga mata namin. His jaw clenched.
"You really want a kiss, ha?" His lips twitched.
Whoo! Kiss lang pala. Akala ko papagalitan na niya ako dahil sa ginawa ko kanina.
Wait, kiss?
"Tumahimik ka nga 'tol! Kanina ka pa sa kiss kiss na 'yan. Hindi tayo mag-jowa. At isa pa, hindi ka na nakakatuwa," sunod-sunod kong singhal sa kaniya.
Nakakainis, kailangan kong mag-ingat. Baka bigla na lang akong mahulog...
Hindi pwede, walang sasalo sa akin.
"You're my girlfriend, Maria. And I'm your boyfriend. So, can I kiss you now?" Ngising-ngisi pa siya. Tuwang-tuwa na siguro sa mukha kong halatang naasar na.
Ts. Kiss pala gusto mo, ha?
I pulled his wrists closer and planted a kiss on his lips. Nang pinakawalan ko siya'y nakaawang ang labi nito at 'tila nanigas sa kinatatayuan.
"M-maria." I smiled at him like I won a victory.
But...
I lost my first kiss!
---
"What have you done, Maria!" Binalingan ko si Zech na kanina pa nagmamaktol. Patapos na ang party ngunit hindi pa siya nakakamove-on sa kiss namin.
Wow, Nowelle! Talaga lang, ha? Tarantado talaga! Ugh!
"'Tol, kalimutan mo na 'yon. Dampi lang naman, 'saka tayo lang naman ang nakakaalam. Isipin mo na lang na hindi 'yon nangyari." Is that even possible? Kung ganoon, bakit hindi ko maituro sa sarili 'yon? Idiot, Maria Nowelle!
"Stupid." Hinapit niya ako at 'saka inilapit ang mukha sa akin.
"Gago, 'tol! Nakatingin sina Mommy." I may be calm outside but I'm really trembling inside. Umiling ito bago muling itinuon ang sarili sa nagsasalita sa harap.
Ipinapaliwanag sa amin ang lahat ng features ng mga bagong teknolohiya na likha nila.
Nasa round table kaming lahat.
Martinez and Valdecañas Family
Iyan ang naka-print sa monitor na hawak ng isang kamay na robot. Nasa gitna ito. Sa magkabilang gilid nito'y robot na siyang nagseserve ng pagkain sa amin.
Medyo may kalakihan ang mga robot na ito. Nasa katawan nila ang menu, kailangan lamang naming pindutin ang bawat button na nakalaan sa pagkaing gusto namin. Kapag kumpleto na ang order mo, pindutin mo lamang ang okay button. Kusang lulubog ang robot sa ilalim ng mesa't pagkatapos ng ilang minuto'y lilitaw muli kasama na ang mga pagkain.
Si Natasha ay nasa kabilang table, naroon kasi ang pamilya ng date niya. Sana hindi sila marindi sa ka-konyohan ng kapatid ko. Baka mamaya, iwanan na lang siya bigla ng ka-date niya o hindi kaya ay palayasin siya sa kanilang table. Lol!
"Dapat ganyan ang hair style mo palagi. Hindi tuloy maiwasan ni Kuya na hindi mapatingin sa iyo. Halos halikan ka pa niya kanina. Hay! Ang ganda mo!" saad ni Kiz, kinurot pa nito ang tagiliran ko. Mukha siyang baliw na kinikilig.
Laging nakatingin si Zech sa akin dahil ninakaw ko ang first kiss niya! Tinitingnan niya ako ng masama, na para bang ano mang oras ay papatayin niya ako. Saan ang nakakakilig doon?
'Yan sana ang isasagot ko kaya lang 'wag na. Mas lalo lang akong aasarin niyan. Sarap din hambalusin ni Kiz minsan e.
"Umayos ka, Kiz. Suntukin ko 'yang nguso mo." Sa rami ng nasa aking isip, iyan lang ang tanging naisagot ko.
Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa aking tagiliran. Kanina pa kasi niya akong kinukurot. Kung hindi lang nakakahiyang gumawa na naman ng eksena, kanina ko pa pinilipit ang kamay ng babaeng 'to. Hay!
"Hehe. Bagay talaga kayo ni Kuya," mahinhin niyang wika bago humilig sa balikat ko. Anong inaarte nito?
"Inaantok ka na, Kiz? You can go home now." Ayan! Pagsabihan niyo 'yang anak niyo, Tito. Lol!
Agad namang umayos ng upo si Kiz. Mabuti naman.
"No, Dada. I'm just teasing, Nowelle." Tumawa siya nang mahina, nakatakip din ang palad sa bibig. Babaeng-babae, napakaarte. Pare-pareho lang sila nina Natasha.
"Ha? Bakit naman, Anak?" Si Tita Kezia naman ngayon ang nagtanong. Ngunit lahat sila ay nakatingin na sa akin.
"Walang hiya ka, Kiz. Kapag hindi ko nagustuhan 'yang sagot mo, lagot ka sa akin," banta ko sa kaniya habang tinatampal ang binti nito. Ngunit tawa lamang siya nang tawa. Baliw. Kambal nga sila ni Zech.
"Kasi naman po. Ang ganda-ganda niya. Right, Kuya? Kanina pa kita nahuhuling pasulyap-sulyap e." Pataas nang pataas ang boses ni Kiz. Kinikilig na naman.
Tinaasan muna ako ng kilay ni Zech bago sumagot nang nakangiti.
"Matagal na," simpleng sagot niya ngunit lahat ng kasama namin ay mahinang napatili. Maging ang mga lalaki.
Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang sariling mangiti. Hindi ako kinikilig, natatawa lang ako sa mga itsura nina Daddy.
Makamandag kasi ang dila ni Zech, kailangan kong mag-ingat mula rito. Baka isang araw hindi ko mamalayan na natuklaw na pala ako at hindi ko na magamot ang iniwan nitong sugat.
Ano ba 'tong sinasabi ko? Wala naman akong gusto sa kaniya e. Sanay naman na ako sa mga ka-tarantaduhan niya. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ngayon ay bigla akong naaapektuhan.
"Why?" Natatawang tanong niya sa kanila. Inakbayan pa niya ako kaya mas lalong nangiti ang mga kasama namin.
Ano ba 'tong mga 'to? Ang tatanda na e!
"Lumayo ka nga, 'tol!" Inis kong tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin.
Umayos naman siya ng upo pagkatapos.
"You look good together. Sana hanggang simbahan na 'yang relasyon niyo," ngiting-ngiting saad ni Tita Kezia sa amin.
"Maureen, bata pa 'yang mga 'yan." Apila naman ni Daddy.
Oo nga! Hindi rin naman kami nagmamahalan para ikasal kami! Yuck.
"Hindi naman sinabing ngayon! Zech, masayang masaya talaga ako dahil kayo pala nitong si Nowelle. Buong akala namin, tomboy 'yan e. Tanggap naman namin siya kung ganoon pero sayang kasi ang ganda niya kung sakali! Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Huwag munang gawin ang mga hindi pa dapat. Lalo na 'yung ano," makahulugang paalala ni Mommy.
"Mommy!" Pulang-pula na yata ako dahil sa sinabi ni Mommy. Nakakahiya. Tsaka anong tomboy? Babae ako 'no, hindi ko lang hilig ang mga kaartehan nila!
"Don't worry, Tita. Papanagutan ko si Nowelle." Lumuwa ang mga mata ko sa sinabi ni Zech. Rinig ko ring napatikhim sina Tito, Zake at Daddy. Ang mga babae nama'y marahas na napasinghap.
"I-ibig sabihin, m-may nangyari na sa inyo?" putol-putol na tanong ni Mommy. Habang si Tita Kezia ay mahigpit na nakahawak sa braso ni Tito Zach.
"Papanagutan ko po siya. Mauna na po kami." Hinila niya ako patayo. Hindi na ako nagpapigil dahil sa kahihiyang nararamdaman.
Bwisit! Anong pinagsasabi kasi niya sa mga magulang namin?