Kabanata 5

1540 คำ
"Sobrang gago mo naman, 'tol! Nakaka-bwisit." Pinaghahampas ko siya, ang walang hiya naman ay halos mamatay na sa kakatawa. Hindi ko na nga alam kung paano lusutan ang nangyari kanina, buti siya, nagagawa pang tumawa! "Stop it, Maria. That's what you get." Tumigil ito sa kakatawa at seryoso na lamang na sinasalag ang bawat hampas ko sa kaniya. "Tarantado ka talaga 'no?" Tumigil ako sa paghampas sa kaniya't naupo na lamang sa gilid. Nakakapagod din palang tumalak nang tumalak tapos wala namang paki-alam ang tinatalakan mo. Nasa parking lot na kami kanina nang hinarangan ko siya para singilin sa kagaghan niya. "Nakakahiya ka! Alam mo ba kung anong iniisip nila ngayon? Na pariwara akong babae! Ang malala pa roon ay baka magplano silang ipakasal tayo! Bobo mo, Zech!" Hindi man lang siya nag-iisip. Alam naman niyang may pagka-over acting ang mga magulang namin e. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa lalaking 'to! Tsk. "Get up. Uuwi na tayo." Seryoso niyang saad. Parang wala man lang epekto ang mga sinabi ko! Tiningnan ko siya nang masama at tinampal ang kamay niyang nakalahad sa akin. "Bahala ka sa buhay mo. Umuwi kang mag-isa." Minsan, ang sarap niyang bugbugin. Lalo na kapag sumosobra na siya sa kaniyang panggagago. Bumuntong hininga siya at nagpasyang umupo na rin sa tabi ko. "I'm sorry." "Bawiin mo 'yung sinabi mo." Nakatingin lang ako sa harap ngunit kita ko sa aking peripheral vision na nasa akin ang tingin niya. "Sige, bumalik na tayo sa loob." Mabilis akong bumaling sa kaniya gamit ang nanggagalaiting mga mata. "Sa tingin mo may mukha pa akong maihaharap sa kanila? Ang baboy mo naman kasi! Napaka-bastos!" sigaw ko. "Maria," lumapit siya sa akin. Mariin akong hinila at niyakap ako sa aking gilid. "Sorry na..." ramdam ko ang hininga niya sa aking tainga. "Umalis ka riyan." Pilit kong pinapakalma ang sarili. Ano na naman ba ito? "Please?" ang labi nito ay tumatama sa aking pisngi. Pigil na naman tuloy ang aking paghinga. "Ayaw kitang nagagalit sa akin. Hindi ako makakatulog." Tuluyan nang tumigil ang paghinga ko nang hinalikan niya ako sa gilid ng aking labi. "A-anong ginagawa mo? Magkaibigan tayo, Zech." Pagpapaalala ko sa kaniya. Ngunit ang totoo ay para sa akin talaga. Natatanga na yata ako. Sa ilang taon naming pagsasama ay ngayon lang siya naging ganito. Maaaring bigla-bigla siyang magbibitaw ng matatamis na salita ngunit para asarin lang ako. Oo, magkatabi kaming natutulog minsan. Kung gigising man kaming magkayakap o nakaunan ako sa braso niya. Wala lang 'yon. Iniisip kong malikot lang siguro kaming matulog kaya naging ganoon ang posisyon. "S-sorry. Bumalik na tayo sa loob. Ako na ang bahalang magpaliwanag," malamig niyang saad at 'saka ako binitawan. Tumayo na rin ako at sumunod sa kaniya. Kita kong nanlaki ang mga mata nina Mommy nang makita kaming bumalik. Halatang galing sila sa matinding pag-uusap. "Tita, Tito, Moma, Dada." Tawag ni Zech sa atensyon nila. Nanatili lamang siyang nakatayo, ganoon din ang ginawa ko. Nakatingin lang ako sa sahig. "Pasensya na po kanina. Huwag po kayong mag-alala, wala pang nangyayaring ganoon. Sinabi ko lang 'yon para inisin si Maria," kaswal niyang saad, parang hindi ganoon kabigat ang binitawan niyang salita kanina. "Hayyy, salamat." Napabaling ang tingin ko kay Mommy na 'tila guminhawa ang pakiramdam. Hinahagod naman ni Daddy ang likod nito. "Huwag mo ng uulitin 'yon, anak. Alam kong hindi kami perpektong tao upang pagsabihan kayo ng ganito. Pero para rin naman sa inyo 'yon. Ayaw kong magaya ka sa akin. If you love her, respect and wait for her." Bilin ni Tito, nakayakap si Tita Kezia sa gilid niya habang nakangiting nakatingin sa amin. Seryoso lamang na nagmamasid si Zake. Napairap naman ako kay Kiz dahil bigla niya akong nginitian nang malapad. "Bakit ba kailangan mo pang inisin si Nowelle, Kuya? Is that your way para magpapansin sa kaniya?" Tinakpan niya ng kaniyang palad ang labi upang mapigilan ang pagtawa. Arte. "She kissed me before the party started. I got pissed... ouch!" Walang hiya! Malakas kong sinuntok ang kaniyang braso. Nag-uumpisa na naman siya sa kagaguhan niya! "Hindi ko matanggap na naging ganoon kadali. I mean, that's our first kiss. Gusto ko sanang sa romantic place 'yon mangyari. Kaya lang, wala na." Pagpapatuloy pa niya. Sumasakit ang aking ulo sa chonggo na 'to. Ang mga kaharap naman namin ay pare-parehong nakaawang ang labi. Maliban kay Zake na nakangiti lamang sa amin. "Just kidding!" Biglang bawi nito 'saka ako hinila palayo. Bwisit! "Napakawalang hiya mo talaga!" Padabog akong umupo sa passenger seat. Umiiling-iling pa ito habang papunta sa driver's seat. "You always take things seriously," saad nito nang makapasok. Hindi ko na lang siya pinansin at deretsong tumingin sa harap. Hindi na rin siya nagsalita at agad ng pinalipad ang sasakyan. 'You always take things seriously' Ibig sabihin, pawang kagaguhan lamang lahat ng sinabi at ginawa niya kanina. At ako naman itong tangang hindi pa nasasanay, muntik nang maniwala. Kailan ba ako matututo? Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas nang tumunog at bumana ang maliit na monitor sa taas ng dash board. Nakakonekta ito sa cellphone ni Zech. Para lamang ito sa call and text. Kung may magti-text sa kaniya ay tutunog muna ito bago babasahin ang laman ng text message. Ang maganda riyan ay kung anong boses ng sender, ganoon din ang boses na gagamitin ng system para basahin ang message. Kung sa tawag nama ay kailangan mo munang sabihin kung 'answer' o 'decline'. Kung answer ang sasabihin mo, makikita sa monitor ang ginagawa ng nasa kabilang linya. Hindi nila alam na nakikita mo sila, hindi ka rin nila nakikita sa kanilang screen. Unless, pareho kayong gumagamit ng monitor na 'to. Dahil magnonotify naman ito sa screen at magmumukha lamang kayong nagfe-face time. Kahit unknown number o hindi naka-save ang number ng nasa kabilang linya, kaya pa rin nitong i-detect kung sino, kung anong boses mayroon sila, at kung anong ginagawa nila. "Answer." Kita ko sa screen na hindi naka-save ang number nito sa cellphone ni Zech. Agad na bumungad sa monitor ang isang magandang babae. Kasalukuyan itong umiinom ng kape. Naka-night gown siya at walang sapin sa paa. Mukhang nasa veranda ito ng kaniyang kwarto. "Kiel," mahinahon niyang bungad sa kausap. Hawak niya sa kanang kamay ang kaniyang cellphone. Ibang-iba ito sa mga babaeng lumalapit kay Zech sa University. Ito 'yung tinatawag na babaeng may class. Bakit parang nai-insecure ako? Lumingon muna sa akin si Zech bago nagsalita. Ts. "Kara?" Kara? Mukhang narinig ko na ang pangalan na 'yan. "May good news ako sa iyo!" halata sa kaniya ang sobrang kagalakan ngunit nakapostura pa rin ito. Mukha siyang modelo kahit na nakatayo lang naman siya habang humihigop ng kape. How to be you po? "Hmm?" Mukhang walang interes si Zech sa kausap. Nakatingin lang siya sa daan. Sus! Kunwari pa. Siguro kung wala ako rito, naglalaway na ito dahil sa ganda ng kausap. Nakakairita! Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, hindi tuloy ako makahinga. Hindi ako mapakali, parang gusto kong hablutin ang monitor at itapon sa labas! Hindi ko maintindihan kung bakit ang sama ng pakiramdam ko. Pwedeng pasuntok na lang kay Zech kahit minsan lang? "Dito ko na tatapusin ang college sa Pilipinas!" Tumalun-talon ito sa sobrang saya ngunit maganda pa rin. Siya na! "Good for you," sagot ni Zech. Hindi man lang siya tumitingin sa monitor. Naka-pokus lamang siya sa pagpapalipad ng sasakyan. "Yes, I'm so happy! Sa Manila ako mag-aaral. Pwede pa rin naman tayong magkita every week end, 'di ba? Kailangan na rin nating tapusin 'yung nasimulang invention!" Ah! Kara, siya 'yong partner ni Zech sa paggawa ng kung anu-anong invention noong high school kami. Hindi kami classmates pero nagkakilala sila dahil magkaibigan si Tito Zach at Nanay ni Kara. Kung week days, kami ni Zech ang magkasama. Sa week ends naman sila ni Kara para mag-imbento ng kung anu-ano sa lab nina Tito Zach. Kaya lang, biglang lumipat sa ibang bansa sina Kara kaya nagsolo na lamang si Zech. Na minsan ay tinutulungan naman ni Tito. Wala lang naman sa akin noon kung magkasama sila o ano. Pero bakit ngayon... Hay! Ewan ko sa'yo, Nowelle! Hmm. Bagay sila, ha? Swerte na ni Zech sa kaniya. Maganda na, matalino at sexy pa. Hindi rin naman lugi si Kara kay Zech. Anong binatbat ko riyan? Hindi na nga kagandahan, umaasa pa kay Zech para lang pumasa sa Programming. At bakit ko ikinukumpara ang sarili ko? Sino ba ako? Kaibigan lang. Kaibigan ka lang, Nowelle! "Okay, just give me a call." Wow, walang pag-aalinlangan! "Sure. I'll hang up now. Good night!" "Good night." Tumingin na lang ako sa bintana nang naputol ang tawag. Leche, Nowelle! Bakit ang bigat ng dibdib ko kahit wala naman talaga akong dibdib? Lol. Sige, pagaanin mo 'yang loob mo. Ang hirap problemahin ang problemang hindi naman dapat pinoproblema. Ang gulo, 'no? Kasing gulo ng utak ko ngayon. Puro na lang ako katanungan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? May gusto na ba ako kay Zech? Paano nangyari 'to? Pero hindi kami talo. "What's bothering you, Maria? Mukha kang uod diyan na hindi mapakali." "Wala." Nanatili akong nakatingin sa bintana. Ayaw ko siyang tingnan. Natatakot akong mabasa niya ang nasa utak ko. Inihinto niya ang sasakyan. Malayo pa ito sa amin. Nagtataka man, hindi pa rin ako kumikibo. "Look at me," saad nito. Hinila niya ang braso ko't pilit na pinapaharap. "Stop it, Zech." Iwinaksi ko ang kamay niya ngunit mas lalo lamang itong humigpit. "Bakit ba?" pagsuko ko't humarap na rin sa kaniya. "Do we have a problem?" naninimbang niyang tanong. "Wala." "Maria, please." Garalgal ang boses nito at parang problemadong problemado. "Wala, 'tol. Pagod lang ako. Gusto ko nang magpahinga." Ilang segundo muna niya akong tinitigan bago marahang tumango.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม