Kabanata 6

1846 คำ
"Mag-commute na lang kayo, Nowelle. May pupuntahan pa kami ng Daddy niyo mamaya. Hindi namin kayo maihahatid," bilin sa amin ni Mommy. Kasalukuyan kaming nag-aalmusal ngayon. Sabay kaming tumango ni Natasha. Wala namang kaso 'yon sa amin dahil mabilis lang ang byahe pauwi sa Tuguegarao. Kung noon, 10-12 hours ang byahe. Ngayon, dalawang oras na lamang. Tren na kasi ang sasakyan patungo roon. At ang station ay nasa underground kaya tuloy-tuloy ang byahe. "You okay, ate?" tanong ni Natasha na nasa tabi ko. Isinantabi niya ang kaniyang plato at nakapalumbaba na tumitig sa akin. "Oo, bakit?" naiilang kong sagot. Bakit ba kasi ganyan siya makatingin? Kung nasa normal lang na estado ang utak ko, kanina ko pa siya nasuntok. "Nothing. You look like matamlay kasi e." Kibit-balikat niya 'saka muling kinuha ang plato at ipinagpatuloy ang pagkain. Parang tanga! Napatingin din tuloy sa akin sina Mommy at Daddy. Hindi naman ako masakit pero basta, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. O sadyang matamlay lang ang umaga ngayon sa Manila? Lol. Meron bang gan'on? "Nag-away ba kayo ni Kiel?" mahinahong tanong ni Daddy. Umagang-umaga, si Zech na naman ang topic? "Hindi po. Bakit naman kami mag-aaway?" Hindi na nga kami nag-imikan matapos ko siyang makumbinsing wala akong problema e. Agad din naman akong bumaba nang nakarating kami sa bahay at hindi na siya inimbitahan pang pumasok sa loob. "Kung ganoon, bakit ang lamya ng itsura mo ngayon?" taas-kilay na saad ni Mommy. "Tsk. Kulang lang po ako sa tulog." Siguro nga 'yon ang dahilan. Sobrang late na kasi kami nakauwi kagabi. "Ate, we will go back na sa Tuguegarao mamaya. I still need to review pa e," singit ni Natasha sa usapan bago tumayo. "Daddy, can you hatid us na lang sa station?" Tapos na pala siyang kumain. Bakit parang ang bilis naman? "Okay, tawagin niyo lang ako kapag aalis na kayo," sagot ni Daddy. "Alright. Punta na ako sa taas and I will take a bath na po," maarteng paalam niya na tinanguan lamang nina Mommy at Daddy. "Kumain ka na, Nowelle. Mauna na kami, kailangan ko pang mag-ayos. May business meeting ako mamaya. Hindi ako makakasama sa paghahatid sa inyo." "Sige po." Kanina pa pala silang tapos kumain. Tiningnan ko ang plato kong hindi man lang yata nabawasan. Ano bang nangyayari sa akin? Kahit na wala akong ganang kumain ay pinilit ko pa ring ubusin ang nasa aking plato. --- Tapos na akong naligo't lahat-lahat ngunit hindi pa bumababa si Natasha. Nagme-make up pa raw ito. Ts. "Mom, pwedeng magtanong?" Nakahiga ako ngayon sa sofa na nasa salas. Si Mommy naman ay nakaupo sa paanan ko habang naglalagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha. "Hmm?" Bumaling siya saglit sa akin ngunit agad ding itinuon ang pansin sa ginagawa. "Paano mo nalamang mahal mo pala si Daddy?" Bigla itong natigil sa ginagawa at nakaawang ang bibig na tumingin sa akin. Ngunit maya-maya'y ngumisi. "Bakit? Naguguluhan ka na sa kung ano ba 'yang nararamdaman mo kay Kiel?" tukso nito. Sa kaniya nga yata nagmana si Natasha. Tsk! "Mommy! Alam kong alam niyo ang totoong meron sa amin ni Zech." Irap ko sa kaniya. Ngumuso ito bago bumalik sa ginagawa. "Best friend? Sus! Pero alam mo ba, noong nalaman ko ang sinabi niya kay Natasha, alam kong hindi lang kaibigan ang turing niya sa iyo. Matagal ko nang napapansin 'yan e. Ewan ko ba kasi sa'yo, napakamanhid." Umiling-iling ito na para bang sobrang dismayado siya sa akin. "Hindi ako manhid, Mom! 'Tsaka hindi ba't ganoon naman talaga kapag best friend mo ang isang tao. Nagiging protective ka? Ganoon lang talaga 'yon, kung anu-anong lumalabas sa bibig." "Sabagay, gan'yan din ang Daddy mo noon e. Sa akin man o kay Kezia," kibit-balikat na saad ni Mommy. Simula bata, matalik na silang magkakaibigan. Mommy, Daddy, at Tita Kezia. "Pero paano mo nalamang mahal mo pala si Daddy? Na hindi na lang ito dahil kaibigan mo siya?" "Kami talaga ni Caleb ang naunang naging magkaibigan. Sobrang close na talaga namin noon. Kaya lang habang naglalaro kaming dalawa sa park na malapit sa bahay, nakilala namin si Kezia. Halos makita ko sa mga mata niya ang mga puso habang nakatitig siya kay Kezia. I love them both kaya ibinaon ko ang nararamdaman ko hanggang noong mag-college kami. Nakilala naman ni Kezia si Zach na sobrang babaero. Habang nagkakagusto ako kay Caleb, lihim naman niyang minamahal si Kezia. Pero si Kezia patay na patay kay Zach. Oh, 'di ba? Ang galing?" Natatawang wika ni Mommy. Samantalang ako ay halos lumuwa ang mga mata sa nalaman. Ito pa lamang ang unang beses na narinig ko ang kwento nila. Ang alam lang namin ay patay na patay si Tita Kezia kay Tito Zach noon. At nagkataon lang na na-develop ang feelings nina Daddy at Mommy sa isa't-isa dahil sila na lang ang laging magkasama. "Lihim lang akong umiiyak noon nang magsimulang isiwalat ni Caleb ang pagkagusto kay Kezia. Ngunit hinayaan ko lang, mas gusto ko ngang sila na lang ang magkatuluyan dahil hindi ko gusto noon si Zach para kay Kezia." Umirap ito sa kawalan bago pumitik para tawagin ang aming robot maid. Nagpaluto ito ng kung anu-anong ulam para daw sa tanghalian nila kasama ang kaniyang team sa business proposal. "Hanggang sa nawala ang unang baby nina Zach at Kezia. Nagpasyang timira si Kezia sa Korea habang si Zach ay nakikita namin ang pagiging miserable araw-araw. Si Caleb naman sy unti-unting natanggap ang pagiging sawi kay Kezia. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin ako umamin. Mahirap 'yon para sa akin dahil kami lang halos ang magkasama araw-araw. Imbes na mag-move on, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa lintik mong ama," pagpapatuloy niya nang nakabalik na ang robot sa kusina. Hindi ko napigilan ang pagtawa sa tawag ni Mommy kay Daddy. 'Lintik mong ama', tiyak na magbabangayan na naman silang dalawa kung sakaling narinig ito ni Daddy. "Sabay kaming nagtapos ng kolehiyo, nagkahiwalay kami nang magsimula akong magtrabaho sa kumpanya, ganoon din siya. Palipat-lipat siya ng bansa, ako naman ay nanatili lang dito. Hindi naman kami nawalan ng communication, I mean, kaming tatlo. Pero matapos kong maikwentong muntik ng may mangyari sa amin ng manliligaw ko ay umuwi ito sa bansa at biglang dumalaw sa opisina para raw batukan ako. Ngunit nakipagsuntukan ang ginawa niya roon dahil kilala pala niya ang manliligaw ko, boyfriend pala siya ng kaniyang pinsan." Tawa siya nang tawa sa kwento niya samantalang ako ay hindi ko alam kung matatawa ba o gaya ni Daddy, babatukan siya. Muntik na siyang bumigay doon sa lalaki! "Simula noon, madalas na niya akong dalawin. Para raw mabantayan niya ang mga lalaking umaaligid sa akin. Aaminin ko na sana ang nararamdaman ko sa kaniya e. Kaso ako ang ginulantang niya sa sinabi niya. Nakabuntis daw siya't kailangan niya itong pakasalan." "Ha?" Bigla kong napa-upo dahil sa narinig. Grabe naman pala ang naging karanasan nila, masyadong maraming drama. Lol! "Gumuho ang mundo ko 'non. Wala akong masabihan ng nararamdaman ko. Ayaw ko namang gambalahin si Kezia dahil alam kong masaya na siya. Pinilit ko na lang ang maging matapang." Tapos na ito sa paglalagay ng kung anu-ano sa mukha. Kinukulot naman na niya ngayon ang dulo ng kaniyang buhok. Ilang oras kaya ang iginugugol nila araw-araw para lang mag-ayos? Pati si Natasha, hanggang ngayon ay hindi pa bumababa. Pareho yata sila ng ritwal ni Mommy. Hay! "Wait, Mom. Sino po 'yung babae?" "Si Heidi," "Heidi Santillan? You mean, 'yong nanay ni Kara?" Kunh ganoon, bakit hindi natuloy ang kasal? Bakit may kani-kaniya na silang pamilya? Ang gulo naman ng buhay nila! "Yes." "Kaya ba siya nabaliw noon dahil kay Daddy?" naikwento din kasi minsan sa akin ni Zech na labas pasok sa Mental Institution ang nanay ni Kara noon. Kaya rin sila nanirahan sa ibang bansa para maipagamot ito. "No. Kung patay na patay si Kezia kay Zach, ganoon din si Heidi. Kahit sinabi ni Caleb na papanagutan niya ang bata, hindi pa rin pumayag si Heidi. Gusto niyang kay Zach ipasagot ang bata kahit na wala namang nangyari sa kanila. Gustong-gusto ng sumuko ni Caleb noon, willing siyang panagutan ang bata pero hindi niya talaga gustong ikasal dito. Kahit sobrang hirap pakisamahan ni Heidi dahil may tama na nga sa utak, pinilit ko siyang huwag itong sukuan dahil madadamay ang bata kapag pinabayaan ito. Pero one day, nalaman nilang hindi pala talaga si Caleb ang ama ng bata. Dati na pala itong buntis nang may mangyari sa kanila." "Si Kara po ba 'yong bata?" "Hindi, nalaglag ang bata noon. Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla siyang ikinasal at muling nabuntis kahit na hindi pa ito magaling." What the? "Pagkatapos noon, nagcelebrate kami ni Caleb sa Bar dahil nga nakalaya siya kay Heidi. Pareho kaming nalasing nang sobra at nagising na nasa iisang kama na lang kami, parehong hubad." "What?" Habang gulat na gulat ako sa narinig, napapaluha naman siya sa sobrang tawa. Mapapailing ka na lang talaga sa mga naging ganap nila sa buhay. "Ilang araw kaming hindi nagpansinan noon, sobrang hiya ang nararamdaman ko sa sarili. Pero hindi siya nakatiis, dinalaw niya ako sa opisina at sinabing kahit hindi niya ako mahal romantically, papanagutan niya pa rin ang nangyari sa amin. Nasampal ko pa nga siya noon. Hindi ko kailangan ng awa niya, 'no!" Nagliligpit na ito ng mga gamit. Tapos na yata siya sa pagkulot ng kaniyang buhok. "Sus! Kunwari ka pa, Mommy! Pustahan tayo, nagsisi ka kaagad dahil hindi mo tinanggap ang offer ni Daddy?" Pang-aasar ko't nahiga na lang ulit. "Baliw! Pinalayas ko kaya siya noon at hindi nagpakita ng ilang araw kahit panay ang balik niya, sa bahay man o sa opisina." "Pero gustung-gusto mo naman na hinahabol ka." Tiningnan niya ako nang masama habang minamanipula ang remote ng robot na maglalabas ng sasakyan sa parking area. "Wala na akong nagawa noong kinausap niya ang Lolo mo. Inamin niyang may nangyari sa amin at gusto niya akong pakasalan. Ang tapang-tapang niya, hindi ba? Pero umuwi 'yon noon na paika-ika at maga ang mga mata." Pareho kaming natawa nang malakas ni Mommy. Sobrang strikto kasi ni Lolo. Nakakatakot ang matandang 'yon, mabait naman siya sa amin ni Natasha pero hindi namin siya kayang biruin gaya ng ginagawa namin kina Mommy at Daddy. Napakaseryoso niya, hindi ko pa yata siya nakitang ngumiti. "Pero nagtagumpay naman ang Tatay niyo. Pumayag na rin ako sa gusto niya, ngunit sinabi kong dahan-dahanin lang namin. Ayaw kong kasal agad. Gusto kong dumaan muna kami sa pagiging girlfriend at boyfriend." "Wow! May nangyari na't lahat lahat, may ganoong ganap ka pang gusto? Sa'yo nga talaga nagmana si Natasha, Mommy. Pabebe!" "Aba, syempre! Huwag mong ipahalatang marupok ka." "Paano po pala nangyari na nauna lang ng ilang buwan sina Zech sa akin? Don't tell me, nabuo agad ako sa una niyong 'ANO' ni Daddy?" "Yes. Napakagaling ng Daddy mo e! Hindi ko nga alam na buntis na pala ako noon habang inaasikaso namin ang kasal nina Kezia. Saglit nga, bakit ka nga ba nagtatanong? Ako dapat ang nagtatanong sa'yo e. May iba ka bang nararamdaman kay Zech bukod sa pagiging magkaibigan?" Tumayo ito sa harap ko at namaywang. Nakataas pa ang kilay niya. Hay! May minana rin pala siya kay Lolo. Amazona! "H-ha? Ano bang pinagsasabi mo diyan, Mommy? Hindi 'no." Gusto ko lang naman na may mapag-usapan kaming dalawa habang naghihintay kay Natasha. Teka, nasaan na ba 'yon? Huwag mong sabihing nalunod na siya sa mga make up kits niya?
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม