"HINDI ko man alam kung kailan pero sa susunod na mga araw ay magkakaroon tayo ng bisita. No. Let me rephrase my word. Mga bisita pala." Binalot ng ngiti ang mukha ng opisyal o si General Fernandez. "General? Ah, pasensiya ka na pero hindi ko makuha ang nais mong sabihin," wika ng pumalit sa puwesto ni Sebastian bilang right hand man. "Well, matalino man ang matsing ay naiisahan din, Bermudez. Malalaman din ninyo sa tamang panahon kung sino-sino ang mga tinutukoy ko. By the way, what is the news regarding that matter?" patanong niyang sambit. "Malapit ng matupad ang pinapangarap mo, General. It's just a matter of time to happen," tugon nito. Kaya naman ay muling lumawak ang ngiting bumalot sa kaniyang mukha. Matagal na niyang pinapangarap na wala sa kaniyang landas ang kaibigan ng tuna

