"HEY, son, wake up. You are dreaming." Panggigising ni Mrs Cameron sa anak na halatang binabangungot. "Sampalin mo, wifey. Aba'y tingnan mo, oh, baka kung mapaano na siya," saad pa ng Ginoo. Kaya naman ay wala rin siyang nagawa kundi ang sundin ang suhestiyon ng asawa. Kahit pa ayaw sana niyang gawin iyon. Malditang may sungay siya kung tawagin ng mga kapatid. Subalit nasa katwiran. Hindi pa niya pinagbuhatan ng palad ang mga anak. Then... "MOMMY?! Bakit mo ako sinampal? At saka ano po ang ginagawa ninyo ni Daddy rito sa room ko?" Sa pagkagulat dulot ng sampal na natamo mula sa ina ay napalakas ang boses ni Santiago. Kaso lihim din siyang napangiwi dahil na rin sa tinuran o isinagot nito. "Gusto mong dagdagan ko pa? Tsk! Imbes na magpasalamat ka dahil pinuntahan ka namin ng Espanyol

