“OKAY, team! Gather up here!” Sabay-sabay kaming napatingin sa director namin nang marinig namin siyang sumigaw. Minsan lang naman lumabas si ma’am pero kapag ganyan ay alam namin na may kakaiba. Bahagya akong sumulyap sa pwesto ni Ame na nasa likod ko bago ako tuluyang tumayo. Oo, nasa likod ko na siya kasi naman– pinalipat siya ng pwesto dahil napakadaldal niya nung nakaraan, ayon nahuli! Nagsabay na rin naman kaming pumunta malapit sa director namin para makichismis. Mukha kasing importante ang sasabihin nito lalo pa at lahat kami pinapalapit niya. Mang tuluyan kaming makalapit, sabay kaming napatingin ni Ame sa isa’t-isa… bukod kasi sa director namin na nakatayo sa labas ng opisina niya ay may kasama rin itong babae na namumukhaan naming dalawa ni Ame. “Ayan yung mangkukulam!” gig

