Prologue (The Wedding)
LARA
“NASABI ko na ba sayo na hinahanap ka sa mansyon?” rinig kong tanong ni mama sa akin mula sa labas ng kwarto ko.
Agad naman akong napahinto dahil sa sinabi niya na iyon, hindi siya ang nagsabi nung una sa akin kundi si papa. Sinabi na rin ni papa ang dahilan kaya naman kahit papaano ay alam ko na hinahanap ako sa mansyon.
“Bakit po nila ako hinahanap? Nagpakita naman po ako nung nakaraan kasi ipinakita ko po yung grades ko sa kanila, ‘di ba?” tugon ko kay mama at muling ipinagpatuloy ang pagliligpit ko ng mga libro ko.
“Hindi naman sila attorney ang sinasabi ko, kung hindi sila general,” rinig kong sagot ni mama kaya agad akong napa-ayos ng tayo. “Hindi ba nasa Amerika na sila tapos nitong nakaraan ay umuwi– ikaw agad ang hinanap nila?” dagdag pa nito.
Marahan akong lumakad palabas para tignan si mama na mukhang inaabangan ako papalabas.
“Kailan pa po sila dumating?” tanong ko na ikinatawa ni mama.
“Kakarating lang nila nung biyernes bago ako umuwi. Ikakasal kasi si Althea sa susunod na dalawang linggo, kaya siguro napauwi dito,” saad ni mama na mas ikinagulat ko.
“Si Althea ho? May nobyo ho ba si Althea?” nagtatakang tanong ko.
Hindi kami close pero kapag umuuwi siya dito galing ng Maynila ay hindi ko naman nakikita na may kasama siya.
Matanda sa akin iyon ng tatlong taon at sa pagkakaalam ko mag-aabogado iyon pero ang pangarap niya ay makapunta sa hollywood para sa theater.
“Sa tingin ko ay arrange marriage ang mangyayari dahil kaibigan raw ni General Agustin ang lolo nung lalaki,” pagkukwento ni mama.
“Ah! Okay! Pasabi na lang po titignan ko pa po kung kailan ako walang pasok,” usal ko bago muling naglakad pabalik ng kwarto ko.
Hindi naman mabigat sa akin ang pumunta doon dahil kahit papaano ay minsan akong tumira doon bago ako itinapon papunta kila mama.
“Sige, babanggitin ko na lang iyon sa kanila kapag hinahanap ka ulit,” usal ni mama na ikinatango ko bago ako tuluyang pumasok ng kwarto ko para ipagpatuloy ang paglilinis ng gamit ko.
“LARA! You look so lady now,” bati sa akin ni lola dok nang makabisita ako doon sa mansyon.
“Thank you, lola. Kumusta po kayo?” tanong ko dito bago ako nagmano sa kanya. Kita ko naman ang pagngiti nito. “Nasaan po si lolo general?”
“We’re good, ija. And your lolo general is upstairs– he’s having a conversation with Althea,” sad nito na may ngiti sa labi habang ako naman ay tumango-tango lang.
Saglit kaming nag-usap doon tungkol sa pag-aaral ko nang sabay kaming mapatingin nang marinig namin ang boses ni Althea at lologeneral na nag-uusap habang bumababa ng hagdan. Hindi rin naman nagtagal ay sabay rin silang napatingin sa amin.
“Lara!” nakangiting bati sa akin ni Althea na siyang ikinailang ko.
“Nandito ka pala,” usal ko nang makalapit sila sa pwesto namin. Iyon ang unang lumabas sa bibig ko kahit pa alam ko naman na nandito talaga siya, ayoko lang na mahalata nila na ikinukwento na sila ni mama sa akin.
“Oo, may kailangan raw kasi pag-usapan,” makahulugang saad nito bago tumingin kay lolo na nakatingin rin sa akin.
“Hello po, lolo general,” bati ko at marahan na tumayo para magmano sa kanya. “Kumusta po kayo?” dagdag ko.
“I’m okay… how are you? I heard from Aling Janet that you are already in the last semester of your 3rd year,” usal nito na ikinatango kong muli.
“Yes, sir. One more year and I’ll finish my degree,” tugon ko sa kanya na siyang ikinatango nito sa akin.
“That’s good to hear. But I thought you want to be like your lola? Why do you take Business Management– though it’s also good huh! Don’t get me wrong I just want to know,”
Totoo naman kasi iyon dahil noong ikinukwento nila sakin ang journey nila ay talaga namang iyon ang gusto ko pero sabi ni mama ay wag ko na raw ipursue dahil ayaw niyang mawala pa ako sa mundong ibabaw dahil delikado raw iyon.
“Delikado raw po sabi ni mama,” usal ko habang nagkakamot ng sentido. “Atska po baka mahirap po ang medisina– baka ho hindi ko kayanin,” pahabol ko na ikinatawa ni Althea ng bahagya.
Kaya naman napatingin kami sa kanya nila lolo na siyang nagpatigil sa kanyang pagtawa. Tumaas lang ang kilay nito bago huminga ng malalim.
“Grandpa, Lara and I will have a walk. I’ll take her from you for now, okay?” usal nito bigla bago ako mabilis na hinatak papunta sa labas ng mansyon na hindi manlang nakapalag.
Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa garden ng mansyon at walang magsasalita. Hindi nga kasi kami close nito kaya naman, hindi ko alam kung bakit niya ako hinila palayo kila lola at lolo.
“Alam mo ba? Ikakasal na ako,” biglang saad nito na ikinatingin ko sa kanya. “Ikakasal ako sa lalaking hindi ko kilala pero ang nakakatawa nito sabi nila ate nakita na raw nila tapos pangit raw at mukhang mahina na– may sakit raw kasi na cancer ata,” dagdag niya sabay tingin sa akin.
“Ah…” ayon lang nasabi ko. Hindi ko naman kasi alam ang irereact ko.
Nagulat naman ako nang mabilis siyang humarap sa akin sabay hawak ng kamay ko. “Kung sasabihin ko bang ikaw na lang yung magpakasal doon sa lalaki– papayag ka?” tanong nito na muli kong ikinagulat.
“Hindi,” mabilis kong sagot nang makabawi ako sa tanong niya. “Kung ayaw mo doon sa papakasalan mo, bakit hindi mo na lang sabihin kila lolo kesa ipipilit mo pa,” marahan ang bawat salita kong binitawan sa kanya kahit ang totoo ay naiinis ako sa sinabi niya.
Marahan nitong binitawan ang kamay ko bago muling naglakad papunta sa garden nila. Sa totoo lang ay medyo kinabahan ako doon ha– mukha kasing hindi siya ngabibiro sa pag-alok niya sa akin. Of course, ayokong magpakasal sa ganitong edad at ayokong magpakasal sa hindi ko kilala.
“Baka lang naman gusto mo akong saluhin lalo pa at hindi ko pa kasi nagagawa ang gusto ko, alam mo na ang magpunta ng hollywood at sumali sa mga theater doon… atska, kahit saan ka naman magpunta hindi mo maiaalis na isa kang Aquino– illegitimate nga lang but still you are an Aquino. Hindi naman nila alam na anak sa labas na Aquino ang magpapakasal sa lalaking iyon,” saad niya sabay harap sa akin na nakangiti. “And you think, hahayaan nila daddy, mommy, at lolo na aalilain ako ng lalaking ikakasal sa akin? I'm Aquino's princess,” pagmamalaki niya na ikinangisi ko na.
“Eto ba yung rason kaya nila ako hinahanap, right?” tanong ko na ikinatawa niya.
“Of course, Lara! You think they will look you for nothing? You think they are looking for you because they missed you? Dream on, Lara! They kick you out of the mansion because they don't want you! So why do you think they will miss you,”
Lahat ng sinasabi niya ay may punto at tama… alam ko naman iyon pero nagbakasakali lang akong namimiss nga nila ako pero mali pala ako.
“Bakit ba ayaw mong magpakasal sa lalaking ‘yon?” tanong ko dahil alam ko namang wala na akong magagawa pa.
If lolo and daddy decide, I can't complain anymore.
“Simply because I don't want to stuck there and waste my time to that ugly dying man!” paliwanag niya sabay hinga ng malalim bago tumalikod sa akin. “Good luck on your wedding day, Lara. I'm sorry, I won't be attending on your wedding because I'll be in America by that time,” usal niya bago mag-iwan ng malakas at nakakainsultong tawa.
Tinignan ko lang siya habang lumalakad siya papalayo sa akin na tumatawa habang ako doon ay naiwan na masama ang loob.
Yes, anak ako sa labas ni Atty. Lewis Aquino. Kapatid ko si Althea at isa akong Aquino na hindi tanggap at tanging taga-salo ng mga bagay na inaayawan ni Althea katulad na lang ng kasal na ‘to.
TAHIMIK akong nakaupo sa isang kwarto kung saan ako inayusan ni lola dok, nakasuot ako ng puting dress na siyang pinasuot sa akin para sa kasal na ito. Hindi na nga nag-abala pa ang bawat partido na magpasukat pa ng gown basta inabot na lang sa akin ito at ipinasuot sa akin.
“Lara apo, let’s go… they are waiting for you,” rinig kong usal ni lola dok kaya naman napatingin ako sa kanya.
“Lola, hindi po ba talaga pwedeng tumakbo na lang ako at wag na nating ituloy ang kasal na ‘to?” magalang kong tanong na puno ng hinanakit sa nangyayari.
Kahit kasi pumayag na ako sa kasal na ito ay nandoon pa rin sa akin kung paano nila ako pinilit na gawin ito nung gabi na iyon mismo. Alam kong hindi parte ng pamilya ang tingin nila sa akin pero napakawalang puso na gawin nila ‘to sa akin na parang isang gamit.
“I’m sorry, Lara… you know you can’t do that there’s so much security outside– I know your lolo thinks the same way you think…” usal ni lola sabay himas sa buhok kong inayos niya. “Think this way, this is just a help for the family you grow with, to Janet’s family, they will not suffer if your husband dies… you can help them with the money you will get from your inheritance,”
Halos matulala ako sa sinabi ni lola sa akin, akala ko iba siya kila lolo pero hindi pala– pare-pareho lang sila na ginagamit sila mama para matuloy ang kasal na ito na ako ang sasalo.
Walang buhay akong tumayo sa harap niya at marahan na naglakad palabas ng kwarto, agad akong naglakad papunta ng elevator, alam ko naman na kasunod ko na si lola dahil kahit matanda na siya ay malakas pa rin ang pangangatawan niya.
Buong durasyon namin sa loob ng elevator ay tahimik lang ako at hindi nagsasalita, miski ang ngumiti ay hindi ko magawa dahil masama talaga ang loob ko. Ganon ata talaga ‘no? Kapag hindi ka tanggap ng pamilya mo, ipamimigay ka na lang basta-basta.
“THE groom still not here,” rinig kong usal ng isang matandang katabi ni lolo na sa tingin ko siya yung lolo nung groom.
Hinahagad nila ako pumunta dito tapos wala pa pala yung groom, baliktad na pala ngayon– ang bride na ang naghihintay sa groom niya.
“I’m sorry… my grandson is still on her way here,” saad ng isang matandang babae na katabi naman ni lola. Tumingin pa ito sa akin at marahan na ngumiti. “You’re beautiful on your white dress, Lara,”
Ngumiti lang naman ako sa kanya bilang pasasalamat sa complement na ibinigay niya. Wala ako sa mood na makipag-usap dahil naiinis na ako sa paligid ko.
Hindi naman nagtagal, ang groom na inaantay namin ay dumating na rin… at aaminin kong nagulat ako nang makita ko ang lalaking sinasabi nilang groom at papakasalan ko. Ang sinabi nilang description sa akin ay mahina, payat, at hindi ganon kagwapuhan pero bakit iba ang nakikita ko ngayon na nalapit sa akin.
Gwapo siya, mukhang matikas ang katawan, at mukhang walang sakit… talaga bang siya yung papakasalan ko? Agad akong napatingin sa pwesto nila daddy at kita ko na may gulat rin sa mukha nila lalo na ang mommy ni Althea.
Muling bumalik ang tingin ko sa lalaking kakapasok lang at agad akong napahigit ng malalim na hinga nang makita kong nasa tabi ko na siya. Nakatingin ito sa akin ng diretcho na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko.
“The youngest illegitimate child of Aquino,” rinig kong saad nito na nagpakunot rin sa noo ko. “I didn’t expect to marry an illegitimate child but fine let’s start this f*cking stupid wedding,” pahabol pa nito sabay akbay sa akin at mabilis akong hinila papunta sa harapan kung saan naghihintay ang magkakasal sa amin.
Habang ako parang tuliro sa narinig sa kanya at gulat pa rin sa nakikita ko… nakakagulat na alam niyang anak ako sa labas pero mas nakakakgulat na ang lalaking sinasabi nilang pangit at mahina na ay isa palang gwapo, matikas at mukhang malakas na malakas pa ang pangangatawan.
Ano bang nangyayari?