MATAGAL na ako nakatingin sa ceiling dahil hindi ako makatulog dahil bago sa pakiramdam lahat ng nasa paligid ko. Alam ko naman kung anong oras na at sa totoo lang ay kailangan ko ng matulog dahil ay trabaho pa ako bukas. “Hay!” muli kong pakawala ng malalim na hinga bago ako marahan na umupo sa kama ko. Muli kong tinignan ang paligid at masasabi kong malawak talaga ang kwartong ‘to kahit pa nasa loob rin siya ng kwarto nakalagay, mataas rin ang ceiling na para bang napakahirap linisin. Marahan na lang akong tumayo at dahan-dahan na naglakad palabas ng kwarto– agad rin naman na bumungad sa akin ang medyo dim na paligid ng kwarto ni Kane. Marahan akong sumilip para sana matignan kung nandoon ba si Kane sa kama, agad akong napadiretso ng tayo nang makita kong walang tao doon. “Nasaan ‘y

