Ilang minuto siyang tinitigan doon ni Saddie, nakakurba na ang ngiti sa kanyang mapulang labi ng mga sandaling iyon. Mabilis na umiling si Saddie sa kanyang katanungan, bahagya pa doong natatawa. Mababanaag na rin ang galit sa kanyang dalawang pares ng mga mata na patungkol kay Jholo nang dahil sa panloloko nito sa kanyang kaibigang si Grezia. At kitang-kita na iyon ni Grezia sa bawat kurap ng mga mata ng kaibigan niyang bagama’t nakangiti ay alam niyang mayroong namumuong galit para sa kanyang dating kasintahan. Ang pagiging concern nito ay nagbigay pa ng labis na kalungkutan sa dalaga na naging dahilan upang mas lumakas pa ang pag-iyak ni Grezia at isinubsob na ang mukha sa kanyang dalawang palad. Hinayaan niyang ilabas na ang sakit na nararamdaman ng panghihinayang sa pamamagitan ng kan

