With him... Nag iwas ako ng tingin kay Mattee, at bahagya pang napalunok. Kanina pa siya napapatingin sa akin at talagang nakoconscious na ako. "Para kang m******s makatingin Matilda. Tigilan mo nga!" awat ko sa kanya. Nandirito ako ngayon sa resto nila dahil maraming tao. May event kase at tinawag ako ni Mattee dahil nakukuliglig na daw ang utak niya sa sobrang pagpapanic ng mama niya e napakarami naman nilang tauhan kaya ang ending, nakatunganga lang kami ni Mattee dito malapit sa counter. May mga taong pasulyap sulyap sa gawi namin. Paano ba namang hindi e si Mattee, pumuputok ang nguso sa pula ng lipstick at naka-tight fitting black jeans na pinartneran niya ng kulay abong crop top. Parang sinasadya niyang ibalandra sa lahat ang abs na mayroon siya. While me, I am wearing a boyfrie

