Aedree's POV Chaos. Sobrang g**o, takbo dito, takbo doon. Kung kani-kaninong telepono na ang maya't mayang tumutunog... Kung kani-kaninong iyak na din ang pumapalahaw sa hallway. Mabuti na lamang din at nasa pribado kaming ospital at halos sakop namin ang buong floor. Ngayon ko ipinagpapasalamat na mayaman ang pamilya namin. Hindi kami mahilig gumastos pero ngayon, kahit yata maubos lahat ng pera nang angkan namin ay wala na akong pakialam. Natawagan ko na lahat ng dapat kong tawagan, maging ang mga taong ayaw sana naming makita ay pinadalhan ko na din ng mensahe. Bahala na lamang ang sekretarya niyang mag abot ng balita. Mom is already on the plane pauwi dito. Ayoko na sana siyang tawagan pero malalaman niya din ang nangyari kay Grey dahil pauwi na din ang parents nila Milan. Halos

