Chapter 18: Level 2

3279 คำ
“Not mine” sabi ni Shan. Napalingon ang dalaga pero si Enan di kumikibo. Muli narinig ng dalaga yung message tone na bago, si Enan nahiya kaya napakamot sabay hinarang bag niya sa habang nilalabas ang bagong phone. “Sa iyo yon?” tanong ng dalaga. “Ah oo” sabi ng binata. “Ah okay, nice tone, just downloaded it?” tanong ni Clarisse. “Ah pinapasa ko kay Jelly” palusot ni Enan sabay sa loob ng bag niya binasa ang kanyang text message. Sa tambayan habang nagkwekewntuhan ang magbarkada muling nagring phone ni Enan. “New tone ha” sabi ni Greg kaya ang binata ngumiti lang. “Uy sagutin mo na kasi baka si Cristine yan” sabi ni Clarisse. “Mamaya na, alam naman niya nasa school ako” sabi ni Enan. “Enan, girlfriend mo sagutin mo na” sabi ng dalaga. Nahihiya si Enan talaga pero nilabas na niya bagong phone niya. “Whoa! Pare! Bago phone mo!” sigaw ni Jason. “Uy yan yung bago ha! Meron ka na? San ka bumili?” tanong ni Tommy. “Ah..eh” bigkas ni Enan nang dinumug siya ng kanyang mga kaibigan. “Galaxy Note 3…Enan! My God naman, bakit ka bumili ng mahal? What are you doing? Trying to impress her? You don’t need that” sabi ni Clarisse. “Ah di ko ito binili guys, binigay ng network sa amin” sabi ni Enan. “Liar” bigkas ng dalaga. “Comes with a two year plan, so bago na pala number ko guys. Itext ko nalang kayo para malaman niyo number kong bago” sabi ng binata. “Enan that is thirty thousand pesos, sabi mo nakakaluwag na kayo pero hindi ka dapat gumagastos ng ganyan” hirit ni Clarisse. “Kaya nga ayaw ko ilabas e, pero peeps honestly I didn’t buy this phone…di ko alam kung maniniwala kayo sa akin o hindi pero remember sinabi ko sa inyo natatakot ako lumabas in public kasi pag aagawan ako dahil artistahin ako?” “Eto na yung level two e, kinuha ako agad as endorser. It has begun and I have no control of my destiny” landi ni Enan kaya nagtawanan yung iba pero si Clarisse napailing at sinimangutan siya. “Risse, totoo, kahit check mo, text kita” sabi ng binata at nagpadala siya ng text sa phone ng dalaga. Binasa ni Clarisse yung message, “Yup that’s postpaid, ganyan start ng number ng dad and mom ko” sabi ni Shan. “Alam niyo naman na prepaid lang kami ng family ko, parents ko nga denied sa application sa postpaid, tapos ako wala naman ako trabaho so pano ako makakakuha ng postpaid diba?” bulong ni Enan. “Excuse guys sasagutin ko lang si Cristine” sabi niya sabay nilabas ang SPen at nagsulat sa screen. “Yabang” banat ni Greg. “Di naman pre, practice narin ito kasi may autograph signing ako mamaya” landi ni Enan. “Mahal yan, di ka dapat bumili niyan” bulong ni Clarisse. “Naks, ganda ng wallpaper natin ha” landi ni Shan. “It was her idea, Clarisse eto o tignan mo nalang” sabi ni Enan. Kinuha ni Clarisse yung phone, siya naman ang dinumog habang pinapanood ang isang video. Sabay sabay sila napanganga, “Oh..my..” bigkas ng dalaga. “Idol!” sigaw ni Greg kaya napangiti si Enan. “I am telling the truth, di pa siya naipapalabas sa TV pero yan na mismo yung ad. Sinend sa email ko kagabi, check niyo nandyan e-mail from the company” sabi ng binata. “Sorry” lambing ng dalaga. “Pare may commercial ka na? What the..pare wow” sigaw ni Shan sa tuwa. “I told you guys, once I come out in the open magdadagsaan na sila” sabi ni Enan at nagtawanan sila sa tuwa. “Wait kalian nila ipapalabas ito? Tell us when ha, grabe matutuwa si mama at yaya” sabi ni Clarisse. “Di ko alam kasi pano yung ganyan, pero guys pag nakuha ko yung tseke ko ililibre ko kayo promise” sabi ni Enan. “What? How much did you get? So wait you mean to say you have a free phone, two year postpaid line tapos binayaran ka pa?” tanong ni Tommy. “Of course, endorser nga e, ganon talaga yon pag gusto nila ang artistahin magrepresent sa company nila” pasikat ni Enan na pabiro. “Oh wow, so how much?” tanong ni Shan. “Di ko alam, nahihiya ako magtanong, bale si Tiny na ang nag sign for me” sabi ni Enan. Tumunog yung phone, aksidenteng nabasa ni Clarisse yung mensahe kaya nagtakip siya ng bibig sabay kinilig. “Bakit ano nabasa mo?” tanong ni Shan. “Labs pala huh” pacute ng dalaga kaya napakamot si Enan at nahiya. Cristine: Labs, when are you free? Enan: Sa Thursday wala kami pasok, why? Cristine: Sige, samahan mo ako shopping ha. BTW, nandito na tseke mo Enan: Sure, can I bring my friends? Cristine: Sige pero sana yung dalawa muna tayo, you know public exposure Enan: Okay then, wag ka masyado magpapagod ha. Enan: Kasi napansin ko masyado ka workaholic so mag break time ka din Enan: Kahit breather lang na fifteen minutes, tapos smile lagi ha, wag taray Cristine: Okay. Ingat ka labs Nanigas si Cristine at kinikilig, paglingon niya nakatitig sa kanya sina Jelly at Arlene. “What? Gininaw lang ako, patayin mo nga aircon dito” sabi niya pataray. “Di naka on” sabi ni Jelly. “Ah e basta giniginaw ako” sabi ng dalaga kaya sabay humarap sa salamin at nilapag phone niya. Samantala sa tambayan kinakatyawan si Enan, “Naks, concern to the highest level” sabi ni Clarisse. “Grabe naman kayo give me some privacy naman” sabi ni Enan. “Sorry ka ang laki laki ng phone mo kaya nababasa namin” sabi ni Greg. “The moves pare ha, ganyan ka pala pag in love ka” sabi ni Shan at biglang napaisip si Enan. “Guys pagdating sa love life please give me privacy, other than that I am all yours. Share me with the rest of the world, my time has come, I have decided to embrace my destiny. Kay tagal ko na nagbibingi bingihan sa tawag ng tadhana sa akin” “Gwapo gwapo gwapo…mga sigaw kahit sa pagtulog ko. Kaya let the world know I heard them screams, so this is me standing up and accepting my destiny. Artistahin level two, the undeniable, irresistible, and man oozing with handsomeness..me..Enan” bigkas ng binata at laugh trip ang mga kaibigan niya. “By the way Greg, kung interested ka kasi may inooffer sa akin na commercial. Para sa chips, kaya lang parang di ata nababagay yon for my pleasing personality e. What say you my friend?” tanong ni Enan. “Really? Me? Parang walang stir kasi baka maniwala ako” sabi ni Greg. “You doubt me? Pare artistahin ako, madami ako koneksyon, so ayaw mo?” tanong ni Enan. “Gusto, pero anong chips yan?” tanong ni Greg. “E di Banana Chips” banat ni Enan kaya laugh trip yung iba. “Gago to o, sabi ko na nga ba biro yan e” sabi ni Greg. “To naman nagtatampo agad, I was just kidding. Alam ko artistahin ako pero ayaw ko naman gamitin influence ko no. Baka sabihin nila taking advantage ako sa aking premiere and intergalactic handsomeness and presence” sabi ni Enan. “Pare alam mo makita ko lang yan sa TV masaya na ako para sa iyo. Tataas narin confidence ko” sabi ni Greg. Kinagabihan non habang nagliligpit ng gamit si Clarisse nakarinig siya ng sobrang lakas na sigaw mula sa salas. Mommy niya at yaya nagwawala pagkat pinalabas na yung advertisement nina Cristine at Enan. “Did you really see it? Pinalabas na ba talaga?” tanong ng dalaga. “Oo tawagan mo siya dali sabihin mo napanood namin! Teka ilipat mo channel! Ilipat mo baka ipalabas sa kabila yan!” sigaw ng mommy niya kaya napangiti si Clarisse at paspas niyang tinext si Enan. Samantala sa bahay ng binata, si Enan nakatambay sa may bintana habang kausap si Cristine sa cellphone. “So how was your day?” tanong ng binata. “As usual, tiring but I smiled at them” pacute ng dalaga. “Good, ako naman boring day, note takings at lectures lang” sabi ng binata. Nakarinig si Enan ng malakas na katok, “Labs ano yan?” tanong ni Cristine. “Enan anak! Nakita ka namin sa TV! Anak nasa commercial kayo” narinig nila sigaw ni Rosa. “Ma, ano ba? Expected na yon kasi artistahin ako. Commercial lang yon ma, grabe ka kung maka react what more kung napanood mo na yung teleserye ko” biro ni Enan. “Tatawagan ko mga tita at tito mo at itatanong ko kung napanood nila” sabi ni Rosa kaya tawang tawa si Cristine. “Sorry ha” sabi ni Enan. “Don’t be, ganyan din mama ko nung first time ako lumabas sa TV” sabi ng dalaga. “Oo nga pala, you never talk about them. I have been wanting to ask pero nahihiya ako e” sabi ng binata. Sasagot na sana ang dalaga nang makarinig siya ng sigaw, “Enan! Iho nakita ka namin sa TV! Artista ka na!” sigaw ng kapitbahay. Nagulat si Enan pagkat sa lakas ng boses ng kapitbahay niya ay naglabasan narin yung iba. “Enan nakita ka namin sa TV” sigaw din nung isa. “Oh boy” bulong ni Enan at lalong natawa ang dalaga. “Hello fans, o eto few seconds lang ha, sige titigan niyo na ako, sorry di ako makababa ha, kasi kausap ko si Cristine pero eto o sige titigan niyo ako” “Set your eyes upon me then later dream about me. Dream about this handsomeness that you see then when you wake up daan ulit kayo ha para maganda simula ng araw niyo” biro ni Enan kaya di mapapigil ng tawa si Cristine. “O eto saluhin niyo, flying kisses…lalo na sa mga pretty neighbors…wag sana sa matatanda na” bulong ni Enan. “Labs” bigkas ni Cristine ng malakas, “Ooops sorry Tiny, o siya my neighborhood fans, I need some time with my very prettylicious girlfriend. Mwah mwah…Enan dreams to everyone…except the old ones” sabi ng binata. Nahiga ang binata sa kama, “Ang hirap talaga maging artistahin oo” bigkas niya. “So you mean to say you have been doing that skit for a long time already?” tanong ni Cristine. “Not really, siguro mga three years na, or four na ata. Basta nagstart ito nung highschool pa ako pero not this level” “Tipong joke time lang sa barkada hanggang lumala na talaga” kwento ni Enan. “Pero now nagkakatotoo naman na diba?” pacute ni Cristine. “Thanks to you” sabi ng binata. “Sana magkapitbahay lang tayo ano? Kanina when I was so tired sa set bigla kita naisip kasi I wanted someone to cheer me up” sabi ni Cristine. “Teka acting ba yan o totoohanan?” tanong ng binata. “Real” bulong ng dalaga. “E di sana tinawagan mo ako” sabi ni Enan. “You were in class, ayaw naman kita distorbohin” sabi ni Cristine. “Hey sorry ha, I really don’t know what to talk about, ikaw palang unang babae nakakausap ko ng gabi e” sabi ni Enan. “Talk about anything, we are already friends right? So kahit ano gusto mo pag usapan pwede naman” sabi ni Cristine. “E natatakot ako kasi baka ayaw mo mga maiisip kong topics e” sabi ni Enan. “Like what ba?” tanong ng dalaga. “E kasi we come from different worlds, baka pag magkwento ako e di mo magets tapos pag magkwento ka di ko naman ako maka relate” sabi ni Enan. “Ganon ba talaga tingin mo sa akin?” tanong ni Cristine. “Wait, no offense meant pero you look so you know high up there” sabi ni Enan. “You don’t know me that well” sabi ni Cristine. “Uy teka naman, wag ka magalit agad” sabi ni Enan. “I am not mad, just don’t judge me too quickly like what the others do” sabi ng dalaga. “Okay, sorry talaga. Tiny, can I ask something personal?” tanong ng binata. “Sure go ahead, pero if you ask something personal dapat ako din magtatanong mamaya” sabi ng dalaga. “Okay, deal. So ako muna, may amoy din ba utot mo?” banat ni Enan at biglang natawa si Cristine. “Anong klaseng tanong yan?” tanong ng dalaga. “Sige na, personal question nga e. Kasi nga ang tingin ng mga tao sa inyo e parang napaka perpekto niyo. You know, very pretty, rich, so tanong ko lang e kung may amoy din ba utot niyo o sanitized na utot niyo kasi mamahalin lagi kinakain niyo?” tanong ng binata. Halos mamatay sa tawa ang talaga, nung nahimasmasan siya muli siyang natawa. “Oo” bulong niya. “As in may amoy din? May times ba na malakas din siya as in yung mega bass, pants ripping sound?” hirit ni Enan. “Hahaha. Labs stop it, ano ba yang mga tanong mo?” reklamo ni Cristine. “Sorry, para kasing ganon yung pagtingin ko sa mga tulad mong sobrang ganda. Minsan nga pag kasama ko si Clarisse o kaya si Violet e inaantay ko sila umutot pero sad to say never nangyari” banat ni Enan. “Hay naku, we are normal people too. I do fart, sometimes malakas din at may amoy. Ano ba yan labs” sabi ni Cristine kaya natawa ang binata. “Okay your turn” sabi ni Enan. “Speaking of Violet, you liked her because of how she reacted upon meeting you?” tanong ng dalaga. “Well, to be honest nauna pa yung like sa itsura. Siguro naman kahit pangit ako may right din naman ako maging choosy. So I have to be honest and say naakit ako sa ganda niya tapos natigil kasi nga yung itsura gap pero yung reaction niya upon meeting me, grabe, kakaiba talaga so yeah I liked her for that” sabi ni Enan. “Malambing ba siya sa iyo?” tanong ni Cristine. “Hmmm…may times na oo pero ewan ko kasi pinapatawa ko siya lagi e. Mas malambing ka to be honest or teka to be fair e nagkaroon ka ng chance to show malambing ka at maalalahanin. She didn’t get that chance with me so di ko masabi to be fair to her” kwento ng binata. Napangiti si Cristine, “Kailangan naman kita nilambing?” tanong ng dalaga. “Ewan ko kung acting lang yon ha pero ramdam naman na true. Siguro magaling ka lang na artista kaya ganon pero if ever ganon nga s**t ang galing mo sobra kasi damang dama ko talaga” sabi ng binata. “I see, so nung first time nagmeet tayo, you didn’t like me?” tanong ni Cristine. “Sort of, more of scared naman pero lately nandon parin yung takot or should we say respect but masaya ka din kasama” sabi ng binata. “Bakit mo nasabi masaya ako kasama?” tanong ng dalaga. “E mabait ka naman pala e, akala ko talaga b***h ka. Sorry for the term ha pero yun ang tawag sa iyo lagi e” sabi ni Enan. “I can be bitchy, I know that pero lately wala ako sa mood kasi I kinda got addicted to laughing” sabi ng dalaga. “You are not making sense” sabi ni Enan. “Basta ganon, wag ka nang makulit” sabat ng dalaga. “Tiny bawas taray” bulong ni Enan. “Oh sorry, siya nga pala about sa beach speech mo. Was that real or just acting?” tanong ng dalaga. “Real, but listen first. Nahihiya nga ako kasi alam ko mostly ng sinabi ko don lies. Pero nakita ko talaga how they reacted upon seeing you, alam ko nasasaktan ka din pag nakikita mo mga tao ganon sa iyo. I am the master of that feeling so pinagtanggol kita” “At siguro sarili ko narin. I know I said lies, but sorry talaga I just wanted them to see who you really are. Not that I know who you really are ha pero siguro naman papanindigan mo yung mga nasabi ko sa kanila” “Nabanggit ni Arlene na you wanted to change, so siguro yung nangyari sa beach good starting point na. Kapal nga ng mukha ko that time e pero sorry talaga nadala na ako. I was in the zone, artista ka kaya alam mo yon” sabi ni Enan. “So it was all acting?” tanong ng dalaga. “Medyo, let’s face it may malaking chance na di ako magkakaroon ng girlfriend, at that moment feeling ko talaga girlfriend kita at gusto kita ipagtanggol. It felt good defending you, trabaho din talaga ng boyfriend yon kaya ginawa ko” sabi ng binata. “Kanina nagbago sila, di na sila aalis tuwing meron ako. I even had little chats with some” bulong ng dalaga. “It worked then” sabi ni Enan. “Of course pinagtanggol ako ng boyfriend ko e” sabi ni Cristine. “Alam mo kahit peke ito ipagtatanggol talaga kita, kaibigan na kita e” sabi ni Enan. “So ano to practice para kay Violet?” tanong ni Cristine. “Tiny are you jealous?” landi ni Enan. “Ang girlfriend may karapatan magselos” sabi ng dalaga. “I wont cheat on you, focus tawag dito. I know my role kaya stick to one lang ako no kahit acting” sabi ni Enan. “Good. Violet is so stupid” sabi ni Cristine. “Don’t say that, she has her reasons. At pwede ba wag na siya pag usapan, hello Tiny, this is about you and me” sabi ng binata. “You and me huh” bulong ni Cristine. “Ahem, bakit may lalakeng iba? May karapatan din ako magselos” sabi ni Enan. “Ikaw lang” sabi ni Cristine at biglang kinilig si Enan kaya natawa ang dalaga sobra. “s**t parang true ha, Tiny late na. You better get some rest” sabi ni Enan. “Ikaw din. I had a boyfriend once…he was not as sweet as you though” bulong ng dalaga. “Am I sweet?” tanong ng binata. “You are, that is why she is so stupid” sabi ni Cristine. “Should I tone it down?” tanong ng binata. “No, sakto lang” sabi ng dalaga. “Wasn’t aware I was” sabi ni Enan. “Then that means you were not acting” bulong ng dalaga. “Ano? Lakasan mo nga boses mo kanina ka pa bumubulong e” sabi ni Enan. “Goodnight Enan” sabi ni Cristine sabay napangiti ng todo ang dalaga.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม