Biyernes ng hapon malakas ang ulan. Si Enan nilabas ang kanyang payong sabay sinugod yung ulan pagkat ayaw niya mahuli sa meeting nila kasama si Cristine. Napadaan siya sa isang building, napatigil saglit nang makita si Violet sa entrance.
Nakita niya ang dalaga nakatingala tila inaantay ang pagtila ng ulan. Napailing si Enan, huminga siya ng malalim sabay nilapitan ang dalaga. Nagulat si Violet nang makita niya si Enan sa harapan niya, di kumikibo ang binata pero tila inaalok siya nito sumabay sa kanya.
Nag alanganin yung dalaga, muli niya tinignan yung kalangitan at nakita na lalo lamang lumalakas yung ulan. Humakbang na siya upang makisilong sa payong, “Kahit hanggang main gate lang” bulong ng dalaga sabay mga kamay niya agad kumapit sa braso ng binata tulad ng ginagawa niya dati.
Napatingin si Enan sa braso niya, si Violet bibitaw na sana, “Okay lang” bulong ng binata. Naglakad na sila, si Violet di makatiis kaya huminga siya ng malalim sabay inuga ang braso ng binata.
“Sorry” bulong niya. “Ayos lang” sagot ni Enan. “Alam ko galit ka, so pwede ba makinig ka muna sa akin?” sabi ng dalaga. Di kumibo si Enan kaya muling nag alanganin ang dalaga. “I am so sorry Enan. Hindi ko sinasadya lahat ng sinabi ko” sabi ng dalaga.
“Di ko nga alam kung magrarason pa ako e. Lalo lang sasama pagtingin mo sa akin. Sally was there kasi…” sabi ng dalaga. “Yeah I get it, ayaw mo mapahiya sa kanya. Nahalata ko naman na noon pa, pag kasama mo siya you act as if you do not know me. Connect the dots nalang ako pero nakahiya ba talaga pag kaibigan mo ang isang tulad ko?”
“Ikakasira ba talaga ng image mo? I liked you for who you were, oo niligawan kita, sabi ko pag basted at least she would say it nicely. I didn’t expect you to be like them. Okay na, wag ka na magrarason, to save your image you had to sacrifice. I hope it was worth it” sabi ng binata.
“Enan sorry talaga, pinagsisisihan ko na, it was not worth it. I lost you” sabi ni Violet. “Part of the sacrifice yon, o baka kailangan mo bumitaw pala at baka makita ka nila kasama ako” sabi ni Enan. “Enan naman e, wala na ako pakialam kung makita nila tayo. Mali ako, aminado ako, nagsisisi ako, please forgive me” sabi ni Violet.
“Violet may kailangan ka ba?” tanong ni Enan kaya nagsimangot ng husto ang dalaga. “Wala, I just want us to be friends again” sabi ng dalaga. “Tapos ilalaglag mo nanaman ako anytime you feel like doing so?” tanong ng binata.
“Enan naman give me another chance” sabi ni Violet. “To hurt me again?” tanong ng binata. Di nakasagot ang dalaga, niyuko nalang niya ulo niya at hinayaan tumulo ang kanyang mga luha. “I miss you…I miss your jokes, I miss you making me laugh…” bulong niya.
“Paki hawak nga saglit” sabi ng binata kaya hinawakan ni Violet yung payong. “Get home safe” sabi ni Enan sabay tumakbo ng mabilis at sinugod yung ulan. “Enan! Hoy mababasa ka!” sigaw ng dalaga pero mabilis na nakalayo ang binata sa kanyang paningin.
Late na nakarating si Enan sa studio. Basang basa siya kaya dinala siya agad ni Jelly sa dressing room. Isasara palang ni Jelly yung pintuan nang dumating na sina Cristine at Arlene.
“I am so sorry” sabi ni Enan. “What happened to you? Jelly yung towel ko nga” sigaw ni Cristine at nagulat sina Jelly at Arlene pagkat akala nila magwawala sa galit ang dalaga.
“Jelly! Towel!” sigaw ni Cristine kaya nagmadali ang bading na kumuha ng twalya sa bag. “I am really sorry, I wanted to make it on time pero ang lakas ng ulan tapos sobrang traffic” sabi ng binata. “It does not matter, eto o magpunas ka, Jelly can you go get him a shirt, tell Bianca I am asking for a shirt, teka pants narin kung meron” sabi ni Cristine.
“Uy wag na” sabi ni Enan. “Dalian mo nga pumasok ka sa banyo and get out of those clothes. Basang basa ka grabe. Sige na Enan baka magkasakit ka pa” lambing ni Cristine kaya in total shock sina Arlene at Jelly.
“Kasama kasi ito sa audition ko, pinatawag ako actually para sa role ni Aquaman. Wet look, pero I failed kasi daw masyado ako oozing with handsomeness para sa role” banat ni Enan. “Tsk Jelly ano ba?” biglang sigaw ni Cristine kaya nagmadaling lumabas ang bading.
Sa takot pumasok si Enan sa banyo para alisin ang mga basa niyang damit. “Wait, here take my robe, malaki yan kaya kasya sa iyo yan. Suot mo muna yan while waiting for Jelly” sabi ng dalaga. “Salamat” bulong ni Enan sa hiya.
“Arlene mainit naman na maiinom niya o” lambing ni Cristine kaya napangiti ng husto ang manager niya. “Of course, wait right here” sagot niya sabay lumabas. Pagkalabas ni Enan hiyang hiya siya sobra, “Come sit beside me” sabi ng dalaga.
Pagkaupo ng binata nagulat siya nang nilapag ni Cristine yung dalawang box ng cellphone sa counter. “Hmmm they were making me choose, S4 or Note 3, I didn’t know what you liked so I chose this bigger one nalang” sabi ng dalaga. “Ha? What I like?” tanong ng binata.
“Yup, they gave us new phones, tapos binigyan din tayo ng two years plan free of charge. So this is yours and this white one is mine” pacute ng dalaga. “Really? Mine? As in, wala ako babayaran?” tanong ng binata kaya natawa ang dalaga. “Yep, tapos ibibigay nila yung cheque later on then may photo shoot tayo pala pero next week pa yon” sabi ng dalaga.
Natulala si Enan, “Say something” pacute ni Cristine. “Wow, ano? Teka nadulas ba ako at naumpog? Anong nangyayari?” tanong ng binata. “Ganito talaga pag endorser ka ng isang product” sabi ng dalaga. “Pero ikaw naman yung artista ha, sabit lang ako” sabi ni Enan.
“Ano ka ba? You made it happen, you deserve this naman kasi tayo naman talaga yung nasa video e” sabi ng dalaga. “Pero it was all an act” sabi ni Enan kaya biglang napasimangot yung dalaga. “Was it?” tanong niya. “No, kinukumusta talaga kita noon at gusto icheer up” sabi ni Enan.
“And success ka, kaya tayo yung star ng video. They really like it you know and you really did cheer me up” sabi ni Cristine. “Oh if that is the case then…thank you ha. Oh men artistahin level na talaga ako” banat ni Enan kaya nagtawanan sila.
“Now tell me why did you get wet?” tanong ng dalaga. “Ah, may payong ako pero…I saw her stranded sa building nila. Di ko natiis kaya ayon inalok ko sumilong siya” kwento ng binata at nakaramdam ng kirot sa puso si Cristine.
“Violet” bulong niya. “Siya nga, then she said sorry bla bla bla, she told me she misses me pero iniwan ko yung payong sa kanya tapos tumakbo nalang ako. Para siya nalang gagamit non para makauwi siyang safe” sabi ng binata.
“I see…so okay na pala kayo” sabi ni Cristine. “Hindi ha, di ko nga sinagot e” sabi ng binata. “Pero I can see in your eyes happy ka” sabi ni Cristine. “Kita ba? Siguro, medyo, she told me she misses me…she asked if we could be friends again” sabi ng binata.
“And I can see papayag ka” sabi ni Cristine. “Ewan ko ba, if it happens baka mag spark nanaman tong feelings ko. Pero at least now kaya ko na pigilan kasi alam ko na ang mga magaganda na tulad niyo hindi nararapat sa mga tulad ko” sabi ng binata.
“E ano tawag sa atin?” tanong ni Cristine. “E iba naman ito e, acting lang to diba?” sagot ni Enan. “Madami na tayo napaniwala” sabi ng dalaga. “Because we are good actors” landi ni Enan kaya napangiti konti ang dalaga pero lalo siya nakaramdam ng kirot.
“Kasi tignan mo ha, siya maganda, palpak na ako sa kanya. Sa iyo pa kaya na four times prettier than her papasa ako?” tanong ng binata. “Sabi mo last time three” singit ng dalaga. “Three ba? E nakita ko legs mo kaya added value so four na” sabi ni Enan kaya nagtawanan yung dalawa.
“So you really think someone like me cant fall for someone like you?” tanong ni Cristine. “Honestly oo, if I ask you the same question I know sasagot ka ng maganda kasi nga hiling ko sa iyo to be nice to me” sabi ni Enan.
“You know what let me tell you something about acting. Di mo magagampanan role mo pag hindi ka naniniwala sa role na yon” bulong ng dalaga. Napatigil si Enan, nagtitigan yung dalawa, “So you mean to say…you believe that this can really happen?” tanong ng binata.
Bago nakasagot ang dalaga pumasok sa kwarto si Arlene at inabutan ng hot choco si Enan. “Wow thanks, pero kinakabahan ako sa damit na dadalhin ni Jelly. Baka gagantihan niya ako tapos pagsusuotin niya ako ng girly clothes” sabi ng binata.
“Akala ko ba artistahin yung boyfriend ko?” biglang banat ni Cristine, “Oh right, kahit ano pala idala carry ko yon” pasikat ng binata. “So Enan, say you are going to be friends with her again, can you really stop your feelings?” tanong ni Cristine. “I don’t know, at least tayo pa kaya if ever we become friends, sorry I cant cheat on my girlfriend” sabi ng binata.
“Fake naman to ha” sabi ni Cristine. “I know, pero that rule still applies. Kasi look if I get to be close to her baka kumalat tsismis na babaero ako. Masisira na tong plano natin. Kaya I have to abide by the rules, no cheating” sabi ng binata at napangiti si Cristine.
“So after we get our fake break up?” tanong ni Cristine. “Ah well, ewan ko give me a little time to emote naman para di niya maisip na ang bilis naman” landi niya kaya natawa si Arlene. “So say lumipas na one year then what?” tanong ni Cristine.
“One year? Ganon ako katagal mag move on sa iyo?” tanong ng binata. “Oo artista ako e at four times prettier ako sabi mo” banat ni Cristine kaya natawa ang binata. “Ikaw ha, natututo ka na sa akin ha. Fine dapat one year ka rin bago ka makapag move on” sabi niya.
“Deal” sabi ng dalaga at nagkamayan sila. “Teka seryoso ka?” tanong ni Enan. “Wala na bawian, you shook my hand already, and besides the longer it takes us to move on means we really had something special” sabi ng dalaga. “Right, gaganda image mo at gaganda din image ko” sabi ng binata.
“So after one year then what?” tanong ng dalaga. “Ewan ko, di ako marunong manligaw, s**t siguro doon ako bumagsak din sa kanya kasi nabigla siguro siya” sabi ng binata. “Ah..hmmm..i am not telling you to cheat, pero since you two are going to be friends again soon then ask her number”
“Doon palang you already are showing interest” sabi ni Cristine. Tumawa ng malakas si Enan, “Alam mo ba ilang beses ko na ginusto gawin yan noon? Grabe nahihiya ako, natatakot ako sa magiging reaksyon niya e. So I just waited for her to ask my number. Kapal no? Pero yung tipong hihingiin niya para mas madali niya ako makontak pag kailangan niya ako pero it never happened. Siguro napaisip narin ako konti but lakas tama kasi e” sabi ni Enan.
“Bakit mahirap ba?” tanong ni Cristine. “Asking for a girl’s number? In my situation? Of course it is” sabi ng binata. “Ask for my number” sabi ni Cristine. “What?” tanong ng binata. “Go ahead, ask for my number, this is me your friend helping you” lambing ni Cristine.
“Ah..eh..nahihiya ako e” bulong ni Enan. “Geez Enan, kung ako nga kaibigan mo lang di mo kaya what more yung babaeng yon?” sermon ni Cristine. “Ah teka lang, sabi mo may plan tayo sa network na ito?” tanong ni Enan.
“Yup why?” tanong ng dalaga. “So magbabago number natin kasi postpaid na diba? I didn’t get your old number, can I get your new number instead?” biglang banat ni Enan. Napangiti si Cristine at napalo kamay ng binata. “Naks, kaya mo naman pala e” pacute niya.
“Whooosaaahh..muntik nang di nagtuloy” sabi ni Enan kaya tawanan sila. May kinuhang sim card na bago si Cristine, “Here, this is my new sim” sabi ng dalaga. “Wow ibibigay mo talaga?” tanong ni Enan. “You asked for it diba?” pacute ng dalaga. “I did, so does this mean I can text and call you right?” tanong ng binata.
“Just imagine if we lose our phones, una nila titignan messages natin. If they don’t see us conversing then ano sa tingin mo maiisip nila” sabi ng dalaga. “Oo nga no, but wait, pano kung hanapin nila yung mga mushy mushy text messages?” tanong ng binata kaya natawa ang dalaga.
“Hay ewan ko sa iyo, pero halika nga dito” sabi ni Cristine at nagtabi sila. Nilabas niya yung isang bagong phone, “Oh they already set up my phone a while ago kasi di ako techy, di pa naset up sa iyo kasi I don’t know your emails and stuff” sabi ng dalaga. “No problem, sana sinabi mo at medyo techy ako para sana boyfriend mo nalang nag set up ng phone mo” sabi ni Enan.
Napatigil ang dalaga at tinignan siya, “Oh what? Just saying para naman maisip nila na reliable ako no” sabi niya. “Oo nga…next time..closer nga” sabi ng dalaga at halos nagdikit na cheeks nila. “Uy selfie” landi ni Enan kaya napangiti ang dalaga at kumuha siya ng litrato nila.
“Ayan, para pag mawala phone ko makikita nila wallpaper ko mukha natin” sabi ng dalaga. “Tama, send mo sa akin yan para pareho tayo” sabi ng binata. “Set your phone and lets take another one” sabi ng dalaga. “Okay, pero akin talaga to ha. Bubuksan ko na talaga” sabi ni Enan.
Habang nag aantay si Cristine napalingon siya at nakita niya si Arlene nakangiti. “What?” tanong ng dalaga. “Wala naman, don’t mind me” sabi ni Arlene sabay lumabas ng kwarto. Sakto papasok si Jelly pero pinigalan niya ito. “Wag muna, nagmomoment sila” bulong ni Arlene.
“Anong moment?” tanong ng bading. “Shhh basta mamaya na” sabi ni Arlene kaya naitriga yung bading at napasilip sa loob. Nahuli niya yung dalawa magkatabi talaga at kumukuha ng photos. “Oh my..anong nangyayari?” tanong ni Jelly. “Tsk sabi mamaya na e, hayaan mo sila” bulong ni Arlene.
“Pero ano yon? Bakit sila nagseselfie?” tanong ni Jelly. “Para sa wallpaper nila sa phones” sabi ni Arlene. “Umabot na talaga doon yung acting?” tanong ng bading. “Isa lang sa kanila umaarte, yung isa totoohanan na” bulong ni Arlene. “Di nga? Sino?” tanong ni Jelly. Di sumagot si Arlene at kinilig nalang siya bigla.
Samantala sa loob ng kwarto katatapos lang ayusin ni Enan wallpaper niya. “Why are you staring at your homescreen?” tanong ni Cristine. “Wala naman, napapaisip lang ako if something like this can really happen” sabi ng binata.
“Ayan na nga o nakikita mo na nga o” sabi ng dalaga. “Yung totoo as in yung totoo” sabi ni Enan. “So ano tawag mo diyan photoshop? E totoo naman yan ha” sabi ng dalaga. “I meant yung real life” sabi ni Enan.
Kinurot ni Cristine ang binata sa pisngi, “Do you feel that?” tanong niya. “Aray! Aray! Masakit!” sigaw ni Enan kaya napasugod sina Arlene at Jelly sa loob. “So ano hindi pa ba real life yan?” tanong ni Cristine.
“Oo na, totoo na, aray aray..tama na Tiny” sigaw ni Enan at biglang bumitaw ang dalaga at napangiti. “Tiny” bulong ni Jelly sabay ngiti. “O ano? Tiny nga yung sinabi kong nickname niya diba?” sabi ng binata.
“Oo nga I should give you a nickname too” sabi ni Cristine. “Enan is fine” sabi ng binata. “No, everyone calls you that” sabi ng dalaga. “Well they also call me gwapo, handsome, mahihirapan ka mamili e” banat ni Enan kaya natawa sobra si Jelly. “Kapal” sabi niya kaya bigla siya tinaasan ng kilay ni Cristine.
“Ham” sabi ni Enan. “Bakit naman ham?” tanong ng dalaga. “Hampangit” banat ng binata sabay tinawanan niya sarili niya. Tatawa din sana sina Arlene at Jelly pero agad sila tinignan ni Cristine. “O kaya Han, hansama ng pagmukuha, o kaya Saki, saksakan ng pangit” hirit ni Enan.
“Are you done making fun of yourself?” pataray na tanong ni Cristine kaya napalunok sa takot ang binata. “Sorry” bulong niya. “Hmmm..i think I am going to call you…labs…o ano you fine with that?” tanong ng dalaga.
“Wow…labs? Eh..well..okay lang” sagot ng binata. “Sabihin mo lang pag ayaw mo, kasi yun na ipangtetext ko sa iyo e. Para consistent” pataray na sabi ng dalaga. “Sure, okay lang” bulong ni Enan.
Umatras si Jelly sabay hila kay Arlene. “Siya ano?” bulong niya sabay turo kay Cristine. “Siya nga” bulong ni Arlene at nagbungisngisan sila. “What are you two laughing about?” tanong ni Cristine.
“Wala naman, eto pala o Enan yung pagbibihisan mo” lambing ni Jelly. “Labs bihis ka na” sabi ni Cristine kaya ang binata napatitig sa kanya. “O ano nanaman? Sanayin diba? Sasabihin mo artistahin ka tapos wala ka naman pala alam sa acting, hala sige na bihis na” sabi ng dalaga.