Chapter 16: Depensa

3205 คำ
Kinagabihan nung araw na yon magkakasama sina Shan, Clarisse at Greg sa isang birthday party. Habang kumukuha ng pagkain si Clarisse bigla siya tinabihan ni Violet. “Lumayo layo ka nga muna pwede?” bulong ni Clarisse. “Alam ko galit kayo sa akin” sabi ni Violet. “Understatement” sagot ni Clarisse. “Gusto ko talaga magpaliwanag pero alam ko you wont give me a chance to do so” sabi ni Violet. “Magpaliwanag ka sa presinto” pataray na sagot ni Clarisse sabay nagmadaling kumuha ng pagkain. “Please can we talk?” makaawa ni Violet. “Alam mo ahas ka e, sasabihin mo ganito pero pag nakatalikod na kami iba naman gagawin mo. Tama na Violet, you hurt him therefore you hurt us too. You have your own friends so be with them” sabi ni Clarisse. “I came alone, di naman nila kilala si Jenny e” sabi ni Violet. “Oh so mag isa ka ganon? Gusto mo makipag peace para may kasama ka dito? Tapos pag tapos na yung party balik asal ahas ka nanaman” sabi ni Clarisse. Nanahimik si Violet at niyuko nalang niya ulo niya. “Kung sana di mo siya sinaktan then for sure Enan will be here to accompany you” “Oh sorry pala, may girlfriend na siya. Alam mo dati akala ko yung mga artista na sobrang ganda e yung may masasamang ugali. I was totally wrong, buti pa si Cristine natanggap siya samantala ikaw, you could have nicely turned him down. Kaibigan mo si Enan tapos ganon gagawin mo. Parang wala kayong pinagsamahan” “Anyway, its pointless, masaya na siya so stay away” sabi ni Clarisse. Di na kumuha ng pagkain si Violet, lumabas nalang siya sa hardin para magpahangin. Sakto naman nandon si Greg na naghuhugas ng kamay sa gripo. “Hey Greg” bati ng dalaga. “Pasensya na po, madali lang po ito. Aalis din lang ako bago ako makarinig ng di maganda sa iyo” sabi ng binata. “Greg naman, di ko naman sinasadya yon e” sabi ng dalaga. “Di sadya pero sumapol, teka lang bibilisan ko dito at baka masaktan mo din ako bigla” sabi ng binata. “Oo na masama na ako, I don’t know… I mean I just wanted to blend in with them. Sally was there, I wanted to turn him down nicely but… si Sally kasi nandon kaya I acted differently. Pati nung itetext ko si Clarisse, Sally was there kaya pangit din nasabi ko” bulong ni Violet. “Tangina, kailan mo lang nakilala yang mga rich kids na yan. Si idol mas matagal mo nang kaibigan” “Pero malaman yang sinabi mo, sorry ha eto tapos na ako. Baka nandyan pala si Sally at pati ako mabiktima ng masamang ugali mo. Alam mo kung lalake ka lang sana inupakan na kita. Totoo yon Violet, wish ko lang talaga maging lalake ka kahit five minutes lang” “Kahit sinabi ni idol na wag ka naming sasaktan, five minutes lang talaga sana maging lalake ka, sasaktan kita talaga” banta ni Greg kaya lalong nalungkot si Violet at naluluha na. Nakonsensya si Greg, “Uy teka teka, alam mo naman hindi magkakatotoo yon diba? Sinasabi ko lang pag lalake ka, wag ka na iiyak” sabi ng binata. “Okay lang if you do, I deserve it” bulong ng dalaga. “s**t, stop crying naman o. Tsk, baka may makakita at magsumbong kay Enan e. Uy Violet wag kasi ganyan, naman o pag may makakita sa iyo magagalit si Enan sa akin e” bulong ng binata. “Bakit siya magagalit?” tanong ni Violet sabay punas sa kanyang luha. “Kahit na daw ganon ginawa mo wag ka daw namin sasaktan at pagtataniman ng sama ng loob” sabi ni Greg. “He said that?” tanong ng dalaga. “Oo, I know why he requested that, kasi tulad ko at si Cherry, kahit minulat ni Enan mga mata ko na ginagamit lang ako ni Cherry e di ko parin siya matiis” bulong ni Greg. “Akala ko mabighani siya aking kagwapuhan” hirit ng binata pero tinignan siya ni Violet, “Greg…sorry ha pero wag mo siya gagayahin, si Enan lang may kaya ng ganyan” sabi ng dalaga. “Gaga ka, ako lang pumapansin sa iyo tandaan mo yan, kaya sakyan mo tong trip ko” sumbat ni Greg kaya natawa ang dalaga. “Sabagay di ko din talaga kaya dalhin, kaya naman siya ganon pala kasi artista pala ex niya” sabi ni Greg. “Ha? You mean to say aside from Cristine meron pa siyang naging ex na artista?” tanong ni Violet. “No, si Cristine yung ex pero nagkabalikan lang sila. Ewan ko ha, akala namin kasi biro biro lang pero naalala ko sinabi niya e” “Sabi niya kaya sila nagbreak kasi masama ugali ni Cristine. E pagkatapos mo siya binasted, lumabas kami, sakto nandon si Cristine sa fastfood, of course walang naniniwala sa kanya so hinamon namin siya” “So yung nakita mong unang photo nila, he proved it to us. Nagulat kami, after that nag usap sila tapos ayon nagbalikan na. Ewan ko pero siguro napilitan siyang makipagbalikan dahil nga heart broken siya pero happy narin ako kasi happy si idol at napapansin ko na parang nagbabago narin si Cristine” “Well sabi sa net yon, nakikitsimis lang ako pero atin atin lang yon ha” bulong ni Greg. “Wow” bigkas ni Violet. “O yang bunganga mo ha, ingat ingat sa sasabihin, baka naman itanong mo ano nakita ni Cristine sa kanya, subukan mo lang talaga” banta ni Greg. “I miss Enan” bulong ni Violet. “Liar, sinasabi mo lang yan kasi nandito ako” sabi ni Greg. “Siguro araw araw niya napapatawa si Cristine, araw araw niya napapangiti…” bulong ng dalaga. “Si Enan pa, pero alam mo aside from that lately ko lang narealize talaga na ayos siyang kaibigan” “Hindi man niya naipapakita ng diretso pero he cares. Mabait siya, kakaiba man style niya pero mabait siya. Alam mo ba kung hindi sila nagkabalikan ni Cristine e kami yung magkakatuluyan” banat ni Greg at napatingin lang si Violet sa kanya. “s**t ka, punchline yon dapat matatawa ka don” sabi ng binata kaya natawa ang dalaga. “Gaga delayed na, useless reaction ka bwisit” bulong ng binata. “Sorry, naiimagine ko yung usapan niyong yon, siguro dinaan niya sa drama sabay binanat niya yung punchline ano?” tanong ng dalaga. “Nagpaparinig ka na, oo na hahasain ko din skills ko para maging katulad ko siya” sabi ni Greg. “You cant be like Enan. Enan is Enan, walang makakagaya o makakapantay sa kanya” bulong ni Violet. “Para mo naring inamin na napakatanga mo” banat ni Greg. “I know, hey Greg, will you help me?” tanong ng dalaga. “Sorry ha, pero kung gusto mo siya makausap e umeffort ka sa sarili mo” sabi ng binata. “A little help please, I want to make peace with him” sabi ng dalaga. “Violet, intindihin mo naman. Loyalty ko kay Enan, kung tutulungan kita baka maisip niya na traydor ako” “Mas maganda kung kusa ka gagawa ng paraan” sabi ni Greg. “You all say the same, Clarisse, Jason tapos ikaw, nahihirapan ako kasi pag lumalapit ako aalis naman siya” sabi ng dalaga. “Kasalanan mo yan, tanga lang kasi ang lalapit sa pain, pag alam mo paparating na yung pain tanga ka kung di ka iiwas” sabi ni Greg. “E I want to fix things” sabi ng dalaga. “Bakit pa? Para saan? Ano ba kailangan mo sa kanya? Obvious naman you don’t need him, don’t tell me user ka tulad ni Cherry. Just tell me why then maybe I will help you” sabi ni Greg. “I miss him” sabi ni Violet at natulala yung binata. “Miss him tapos pag di mo kailangan lalaitin mo. Oh come on Violet, sinasabi mo lang yan kasi tuwing mag isa meron siya lagi sa tabi mo. Ngayon mag isa ka kaya naiisip mo yang ganyan” “Pero pag kasama mo new friends mo bakit naiisip mo ba siya? Pag yan ang rason mo wag na no. He is at peace, so let him be. Pag may maganda ka at valid na rason sige tutulungan kita pero pag wala manigas ka diyan” sabi ni Greg. “I really miss him” bulong ng dalaga. “Yeah right, yan din sinasabi ni Cherry pag gutom siya at gusto magpalibre. Wag kang user Violet” payo ni Greg kaya nagsimangot ang dalaga. “Can I have his number?” bulong niya pero biglang tumawa si Greg. “Yan, sa tagal mo siyang kaibigan you don’t know his number? Wow, buti pa si Cherry alam niya number ko. Pero siguro si ultra mega gwapo boy alam mo number niya no? Kahit di pa kayo nagmeet alam mo no? Habang si Enan, matagal mo nang kaibigan hindi mo alam” “He told us not to hurt you pero sorry Violet, kailangan mo din matauhan. I had a crush on you too pero nabura dahil sa ugali mo. Hala sige at gutom nanaman ako. Lilipas din yan pag nandyan na super friends mo sa tabi mo” sabi ng binata sabay umalis. Di na kumain si Violet, sa lungkot niya nanatili siya sa hardin at umiyak. Isang oras ang lumipas nagpasya na siyang umuwi, hindi na siya nagpaalam at basta nalang siya lumabas. “Hoy babae, pasok dito” sabi ni Greg. “Ha?” tanong ni Violet. “Dami arte, pasok na hatid kita sa inyo” sabi ng binata kaya pumasok ang dalaga sa kotse. Tahimik lang yung dalawa hanggang sa nakarating sila sa tapat ng bahay ng dalaga. “Teka, how did you know where I live?” tanong ni Violet sa gulat. “Bakit sa tingin mo ba gusto kita ihatid? I am just doing this for a friend, which is not you by the way sorry” sabi ni Greg. “Enan told you?” tanong ni Violet. “Tinawagan ko siya, nabanggit kita sa kanya. Nasabi ko mag isa ka kaya nakiusap siya na ihatid kita sa inyo. Baka daw mapano ka sa daan at may night blindness ka oh I really don’t care basta as a friend I did it. Tapos, so get out now” sabi ni Greg. Lumabas ng kotse ang dalaga pero tinignan niya ang binata. “Salamat” bulong niya. “At…sorry din sa mga nasabi ko at pag uugali ko tungo sa iyo” sabi ni Greg. “He told you to apologize?” pacute ni Violet. “Oo, pilit yon tandaan mo at hindi heart felt” sabi ni Greg. “Greg, I am truly sorry for what I did to Enan. You can hate me if you want I will not blame you. So please Greg, one favor lang naman o. Help me, I really want to apologize to him” sabi ng dalaga. “Fine, pero eto tandaan mo, tutulungan kita pero pag sinaktan mo ulit siya, hindi ka lalake kaya yung pretty boy mo ang gagantihan ko. Tandaan mo yan dudurugin ko talaga mukha non” banta ni Greg. “Deal” pacute ng dalaga at nagulat yung binata. “Seryoso ka talaga?” tanong ni Greg. “Yeah, I really miss Enan” sabi ni Violet. “Sige na alis na baka magbago pa isip ko” sabi ni Greg. Pagpasok ni Violet sa gate nila nilabas ng binata phone niya sabay tinext si Enan. Samantala katatapos lang ng shooting ni Cristine, nakita niya si Enan kasama yung ibang mga staff sa harapan ng bonfire sa beach. “O saan ka pupunta?” tanong ni Jelly. “Doon” sabi ng dalaga. “Wag na late na, maaga pa shoot mo bukas” sabi ng bading. “Tsk I wanna go there” sabi ni Cristine kaya napilitan si Jelly sumama. Nakalapit sila, nagtatawanan yung grupo dahil nagpapatawa si Enan. Lalo lumapit si Cristine, biglang nanahimik yung staff members at napatingin sa kanya. “May I?” tanong ng dalaga kaya umurong si Enan. Nagtatayuan na yung ibang staff, “Hey, where are you all going? Stay” sabi ng binata. Naiilang ang karamihan at natatakot kay Cristine. Nakaupo ang artista, yung mga staff naiilang talaga pero nagsiupuan ulit. “My God porke dumating siya nahihiya na kayo, it hurts me, kanina niyo pa nakakasama ang artistahin na si ako di naman kayo ganyan. Tapos dumating lang siya nagkakaganyan kayo? Ouch, it hurts my feelings” landi ni Enan kaya napabungisngis niya ang mga staff. “So where was I? Ah yes, as I was saying para akong diamond, alam niyo naman ang orig na diamond, walang itsura pero mahal siya. Ganon ako, dynamic ako, di tulad nung mga gwapong artista diyan na cut diamonds na sila. Oo maganda tignan kasi na cut na, pero ako kasi uncut diamond no” “Mataas value ko kumpara sa kanila. That is the logic to my appearance. Uncut ako, madaming possibilities sa pag cut sa akin pero sa natatakot sila kasi baka mali yung pag cut sa akin. Pwedeng ganito, pwedeng ganon, pero pag nacut na ako e mababawasan value ko” “So my awesomeness is not based on how I am cut, I am awesome uncut…ay s**t teka baka isipin niyo uncut meaning di pa ako tuli. Tuli na ako” biglang banat ni Enan, naunang natawa si Cristine kaya bumigay narin yung mga staff. “So I may look like this but always remember I am uncut. I can be cut into something really beautiful, I may become like those hunky macho papables around but hey, limited nalang ganda nila. Pag mali ang putol ay sus wala nang ulit ulit. Naputol na e, pareho din yon sa pagtutuli, pag pumalpak unang tuli mo, malas mo, wala nang bawian yan” hirit ni Enan kaya laugh trip talaga yung lahat ng nasa palibot ng bonfire. “So I the artistahin decided to stay uncut, si Cristine naappreciate niya yon. I may not look nice but she can see what I am capable of becoming. I can be cut into tiny pretty pieces, I can be cut into one big beautiful piece, or I can stay this way. She sees my true worth, my oozing handsomeness that is hidden to the naked eye” “Her eyes see me as that uncut diamond, she accepts me being this way for she can truly see what I am really worth deep inside. Kaya alam ko madaming nagtatanong, pakiusap ko stop asking for it is quite difficult to explain to people what they cannot see…or what they cannot feel” “Tao lang ang may kakayahan na ganyan tandaan niyo. Tao na may puso. Kaya kung pwede wag niyo siya katakutan, naririnig ko mga tawag sa kanya, makasarili, b***h, masamang ugali…so before you continue calling her that compare yourself to her…with respect on reaction towards me” “Sino yung may masamang ugali?” tanong ni Enan at natameme ang lahat. “Bago niyo siya husgaan kilalanin niyo muna siya. Yes she may have crossed paths with some and she may have done things that would make her look bad but there must be a reason” “I am sure that you all are basing your judgement on the judgement of others. Kayo nandito kayo, nakikita niyo siya mismo kasama ako. Do you think that bad person you all think of would even give a person like me a chance? Lahat naman tayo pag caught in a bad mood would be capable of doing really nasty things that we regret later on. Some do have the chance to apologize, some forget to do so for they were not even aware they have offended some people” “Give her a chance, if she has offended some here let me apologize in her stead. Trust me, if you get to know her you will really like her. Ako ganito ako, sasabihin niyo jackpot pero you should know that people like me are scared” “Daig pa namin yung mga Maria Clara na babae na takot magmahal. Mas masakit malait ng mga katulad niya kaya dapat umiiwas ako pero Sabihin ng marami habol ko ganda niya, alam namin yung risk, lalo kami pagtatawanan, lalo kami lalaitin, so you should ask why am I still here?” “Simple lang, kahit tumindi panlalait, kahit walang tigil pa at madaming nagdududa, her love for me that I can feel everyday shelters me gives me solace. Mga sigaw ng panlalait nagiging mga bulong nalang, mga masasamang titig at simangot nagiging ngiti sa aking paningin” “Pero alam niyo, sumasarap lalo yung pakiramdam ko pag meron yung mga nakakatanggap at nakakaunawa sa amin. I know she feels the same too so if you cant accept us, can you please try to understand? If you really cant can you just smile at us, for me this is a fairy tale, so could you please smile at us” “I don’t want this to be a nightmare for her, if you smile at us at least she could be able to feel that fairy tale feeling that I am feeling when I am with her. But if you believe then the more that fairy tale of ours becomes reality” sabi ni Enan. Labis na naantig si Cristine, tinitigan niya yung binata, napansin niya lahat sa paligid nakangiti na sa kanila. Ang dalaga napasandal sa binata at basta nalang napayakap ang isang braso niya. “Cristine late na” sabi ni Jelly. “I want to stay with him pa” bulong ni Cristine kaya nagulat yung bading pagkat ang sasama ng titig nung mga tao sa paligid sa kanya. “Yayakap din ako ha para mas totoo” bulong ni Enan. Nakita ni Cristine yung phone ng binata sa tabi at umiilaw ito. Muling nagpapatawa ang binata kaya habang di nakatingin ito binasa niya yung text message. “Pare nahatid ko na siya, at sabi niya she misses you daw. Pare I think its real she does really miss you” sabi sa message na galing kay Greg. Nagpipindot si Cristine sabay dinelete yung message. Napatingin sa kanya si Enan, “May message ako?” tanong ng binata. “Wala, napindot ko lang” palusot ng dalaga sabay ngumiti. Ngumiti din si Enan, “May I?” bulong ni Cristine sabay hiniga niya ulo niya sa dibdib ng binata. “Of course” bulong ni Enan kaya napangiti si Cristine sa lahat ng nakatingin sa kanya. Napangiti silang lahat, lalong napangiti ang artista kaya pinikit niya ang kanyang mga mata.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม