Isang Sabado sa isang pribadong beach sa Batangas nakarating ang SUV ni Cristine. Nakalabas na sila lahat sa kotse maliban kay Enan na nahihiya. “Ano pa ginagawa mo diyan aber?” tanong ni Jelly. “Bakit niyo pa kasi ako sinama? Nahihiya ako ang dami masyado artista” sabi ng binata.
“Enan, napaniwala man natin yung public pero yung mga kapwa niya artista hindi pa. Yes they see you sa studio pero they don’t see you two together” sabi ni Arlene. “Oo at para makita kayo nung ibang surot, sana tumigil na sila” sabi ni Jelly. “Anong surot?” tanong ni Enan.
“Suitors na ayaw ni Cristine” sabi ni Arlene. “Ang kapal naman ng mukha nila, nanliligaw parin sila kahit alam nila artistahin na ako? Bilib naman ako sa confidence nila, hindi ba sila nainsecure sa pagsulpot ko?” banat ni Enan. “Panay daldal ka, bumaba ka na diyan at gampanan mo yung role mo” sabi ni Jelly.
“You two go for a walk sa beach” sabi ni Arlene nung tumabi si Enan kay Cristine. “Akala ko ba may shooting sila dito?” tanong ni Enan. “Mamaya pa yon, sige na punta na kayo habang nandon din yung iba. Para makita nila kayo” udyok ni Arlene.
“Di ba siya pwede magpantalon? Nadidistract ako” bulong ni Enan kaya natawa si Cristine. “Kung magpapantalon siya dapat pati ikaw” biro ni Jelly. “Beach ito may karapatan ako magshorts” sabi ni Enan. “E bakit mo siya pinagpapantalon?” tanong ni Jelly.
Napatitig si Enan sa flawless at maputing legs ni Cristine. “I get it, di ka affected kasi tumawid ka na sa other side. Just so you know affected ako” banat ni Enan. “Ang dami mo alam, sige na iparada mo na ang magandang artistang girlfriend mo sa beach” sabi ni Jelly.
“Tapos ang iksi iksi pa ng shorts niya, may karapatan ako magreklamo kasi boyfriend ako. Affected ako” banat ni Enan kaya nakurot tuloy siya ni Cristine. “Sinasabi ko lang naman kasi ngayon lang ako nakakita ng legs na ganyan, baka sabihin nila pangit na nga m******s pa pag nakita ako laging nakatingin sa legs niya” sabi ng binata kaya pinagtawanan siya.
“Come on Enan lets go” sabi ni Cristine. “Fine, ihanda niyo na camera niyo at pag ako lumapit sa beach sigurado ako maglalabasan ang mga sirena. Alam niyo naman I attract all the female species living and non living” landi ng binata kaya nabangga siya ni Cristine.
“Ayan ayan ganyan, dumikit ka” sabi ni Arlene. “Akbay nalang” sabi ni Cristine sabay niyakap braso ng binata. “Hmmm pwede pero…” bigkas ni Arlene sabay pinagmasdan yung dalawa. “Oo na di bagay” bulong ni Enan. “Oh no I didn’t say that” sabi ni Arlene.
“Para lang siyang nakayakap sa statue na kinakaladkad niya sa beach, holding hands pwede pa” sabi ni Jelly. “Hoy teka lang, ganito nalang kasi yung ganito sanay na ako” sabi ng binata. “Wow at sino naman umaakbay sa iyo ng ganyan?” tanong ni Jelly.
“Si Clarisse yung girlfriend ng bestfriend ko, para na kaming magkapatid non tapos si…ah siya lang pala” kwento ni Enan. Napansin ni Cristine yung paglungkot konti ng mukha ng binata, “Holding hands para mas kapani paniwala. Like you said bale wala yung akbay na ganyan” sabi ni Arlene.
“E..ganito nalang” sabi ni Enan. “My God nandidiri ka? Dapat siya nga mandiri e” sabi ni Jelly pero bigla siyang tinaasan ng kilay ni Cristine. “Sorry, bakit ba kasi ayaw mo?” kabig niya. “Di naman sa ayaw pero..baka siya ayaw niya at…I have never held hands with a girl” sabi ni Enan.
“Akala ko ba artista ka?” tanong ni Jelly. “Kaya nga, holding hands hanggang doon lang o sa shore. Para lang makita kayo tapos bitaw na at maglakad lakad na kayo. Cristine will lead, kung magaling kang artista sumabay ka sa agos niya” sabi ni Arlene.
“Fine, pag siya inatake ng mga sirena kasalanan niyo ha. Take note I cannot control my fans, pag sila nagselos naku po magkakagera” sabi ni Enan. “Here” biglang sabi ni Cristine kaya nanginig ang binata pagkat inaabot ng dalaga kamay niya.
Nanigas si Enan, titig lang siya sa kamay ng dalaga. Nagtawanan yung iba pagkat parang nakikiliting bulate bigla ang binata at kamay niya nanginginig. Si Cristine na ang humawak, napalunok si Enan sabay tinignan ang magandang mukha nung dalaga.
“How’s that?” tanong ni Cristine. “Soft…nice” bulong ni Enan kaya napangiti ang dalaga. “Tara na” sabi niya kaya si Enan biglang bumitaw at hinawakan ang kamay ni Jelly. “Nah, mas masarap hawakan kamay niya” banat niya sabay balik hawak sa kamay ni Cristine.
Natawa si Arlene habang si Jelly nagpigil ng inis. Nagsimulang maglakad palayo yung dalawa, si Jelly napatingin kay Arlene pagkat kinikilig ito. “Hala, at bakit ka kinikilig bigla?” tanong niya. “Sila, tignan mo sila” sabi ni Arlene.
Napatingin si Jelly at napangiti din siya. Natatawa si Cristine pagkat nanginginig talaga kamay ng binata. Tinignan niya si Enan at tuluyan siyang natawa nang makita ang sobrang laking ngiti sa mukha ng binata. “Sorry, kahit na acting lang ito e masarap pala makipagholding hands” bulong ni Enan.
“Mas masarap pag kamay niya” sabi ni Cristine. “Kamay ni Jelly? Hmmm malambot pero singlaki ng kamay ko e” sabi ng binata kaya natawa ang dalaga. “Not Jelly, but siya” sabi ng artista. “Sinong siya?” tanong ni Enan.
“Yung di mo binanggit kanina na pangalan” sabi ni Cristine. “Ah..si Violet. So Arlene told you about it pala” bulong ni Enan. “She broke your heart?” tanong ni Cristine. “Kasalanan ko naman e, alam ko naman hanggang friends lang pero nagtry lang talaga ako” sabi ng binata.
“Is she pretty?” tanong ni Cristine. “Oo naman pero di naman sa level mo. Siguro pag maganda siya, ikaw e times three” kwento ng binata. “Why did you like her?” tanong ni Cristine. “Ano to nagprapractice ka maging talk show host?” tanong ni Enan.
“Hindi, para lang may mapag usapan tayo. Alangan na naglalakad lang tayo. Mas maganda nakikita nila tayo nag uusap din” sabi ng dalaga. “Bakit nga ba siya? Well alam ko naman talaga lugar ko sa mundo, you know what I mean. Pero iba siya e, si Violet nung first time ko makilala e di siya nagpakita ng bad reaction”
“Usually kasi pag may pinakilala sa akin, girl or boy, beautiful or not, they would all react…well sort of in disgust. Tulad ni Clarisse, nung pinakilala siya sa akin ni Shan e ramdam naman yung diri. Pero she turned out to be a good person din lang nung tumagal. Pero si Violet, iba siya, nung pinakilala siya ni Clarisse she simply smiled. As in yung ngiti na tunay ha” kwento ni Enan.
Nakaramdam ng guilt si Cristine pagkat naalala niya unang reaksyon niya nung makilala niya si Enan. “So ayon, naging barkada siya. Ang bait niya sa akin sobra kaya kahit na alam ko lugar ko e..i fell for her and yeah I really like her. I was ready to be there for her always, kaya lang natatakot ako ipakita tunay na nararamdaman ko kasi nga baka magbago samahan namin”
“Then napabarkada siya sa iba kasi crush niya yung kuya nung isang girl. Men that hurt a lot pero sabi ko kaibigan lang ako. Napalayo man siya sa amin pero we still see each other. Alam ko pag wala siyang kasama kaya ready ako lagi to be with her”
“Ewan ko ba, Clarisse one day told me to admit my feelings kasi nahalata niya e. So naglakas loob ako talaga…pero s**t…” bulong ni Enan. Napatingin si Cristine at napansin na namuo na luha sa mga mata ng binata. “Its okay to cry…kahit wag mo na ituloy kwento mo..i can feel your pain” lambing ng dalaga.
“Di ako umiiyak, nagpapakitang gilas lang ako. Diba sabi ko inukit ng kalikasan mukha ko mula sa bato. Eto isang feature ng mukha ko, waterfalls effect” bulong ni Enan. “Ikaw talaga napapatawa mo parin ako kahit na malungkot ka at umiiyak” bulong ni Cristine.
“Di ako umiiyak, waterfalls effect nga lang ito” sabi ni Enan. “I can feel you still like her” sabi ni Cristine. “Of course I do, kahit ang sasakit ng sinabi niya sa akin…if you like someone di mo naman basta maalis yon e. If you like someone you know they can still change”
“Pero sino niloloko ko ba? Maaring magbago ugali niya pero pagtingin sa akin hindi. Yun lang ang masakit, sana naman she could have denied me nicely pero hindi e. Never expected her to…” bulong ng binata.
“Tama na, I am sorry for bringing it up” sabi ni Cristine. “Okay lang, alam mo nakaginhawa nga konti e. Sorry din” sabi ng binata. “Sorry for what?” tanong ni Cristine. “Kasi yung lalake doon kanina pa masama titig sa akin, artista yon diba?” tanong ng binata.
“Yeah, siya yung nagbigay nung chocolates na kinain mo” bulong ni Cristine. “He looks good, why don’t you like him?” tanong ng binata. “He does look good but I have a bad experience with good looking guys” sabi ni Cristine.
“Di naman lahat ng lalake pareho, malay mo iba siya. Why don’t you give him a chance. Get to know him tapos doon mo husgaan” sabi ni Enan. “Hmmm wag na, I have to trust my gut and it tells me no” sabi ng dalaga. “Well sa pangit ka nalang, tulad ko, oh eto na nga pala ako boyfriend mo” biro ni Enan at nagtawanan yung dalawa.
“Pero he does look good, ngayon lang ako aamin, nakakabakla kagwapuhan niya in fairness pero masyado pasikat naman sa katawan…akala mo naman kung ganon kaganda…pakitaan ko pa yan e” banat ni Enan sabay tinataas na shirt niya.
Lalong natawa si Cristine, “Wag, grabe ka, wag mo ako patawanin ng todo todo” bulong ng dalaga. “Hindi e, ang sakit na nga makatingin, ipapasikat pa katawan niya sa akin, ano sa tingin niya bibigay ako at tuluyan maglaladlad? Haller, baka pag nakita niya abs ko siya pa bumaliktad” sabi ni Enan at tuluyan nang natawa si Cristine.
Biglang lumapit yung gwapong artista, “Going for a swim Cristine?” tanong niya sabay ngumiti at tumakbo at sinugod yung alon. “Bakit ganon, parang peke mukha niya up close?” bulong ni Enan. “Shhh baka marinig ka” sabi ng dalaga.
“Peke diba? Parang retokado” sabi ni Enan ng malakas kaya napalingon yung lalake at ang sama ng titig niya. “Kung makatingin naman, excuse me mas mahal ang pagastos sa pagsira sa mukha. Masyado ako gwapo kaya sadya ko lang pinasira to kasi afford ko”
“It takes much talent to deform a face like this” sabi ni Enan at napahalakhak ng sobrang lakas si Cristine. Umahon sa tubig yung gwapong artista, “Are you making fun of me?” tanong niya sabay dinuro sa dibdib si Enan. “Dwayne ano ba? He was not making fun of you” depensa ni Cristine.
“I know he was, seriously Cristine? Him? You can obviously do better” sabi nung lalake kaya humarang na si Enan at nakipagbanggan siya ng dibdib. Isang malakas na bangga, napaatras si Dwayne at napahaplos sa dibdib niya.
“Enan let’s go” sabi ni Cristine sabay hila sa binata. Si Dwayne biglang yumuko at tumiklop sabay umalis kaya nagulat yung dalaga. “How the hell did you do that?” bulong ni Cristine. “Sanay na ako sa mga ganyan na bully, porke gwapo sila at magandang katawan akala nila madaan na nila sa takot kalaban nila”
“Kasi ganito yan, mga ganyan syempre gwapo, iisipin ng kalaban ah di pa ito napupuruan sa mukha. Tapos maganda katawan, ah malakas ito. Di lahat ng maganda katawan malakas no, he may be fit but he ain’t that strong” sabi ni Enan at nagulat siya pagkat nakatitig sa kanya si Cristine na nakangiti.
“And of course my special weapon, my face, natakot malamang yon. Pasalamat siya di ko pa ginamit Halloween stare ko, naku sigurado ako magsisiiyak sa takot yan” banat ni Enan kaya natawa nalang si Cristine at nakipagholding hands ulit sa binata.
“Seriosuly Cristine? Him? You can do better” ginaya ni Enan sinabi ni Dwayne sa mala dwendeng boses kaya umariba sa tawa si Cristine. “Like duh, higitan ang artistahin? Goodluck with that” hirit ni Enan kaya nayakap ng dalaga braso ng binata at nahampas dibdib nito.
Napatigil si Cristine, tinignan bigla dibdib ni Enan. “Do you work out?” tanong niya. “Naman, weren’t you listening? Gawa ako sa bato no” biro ni Enan kaya natawa nalang si Cristine pero muling napahaplos sa dibdib ng binata. “You work out e” sabi niya. “No, well, sa bahay lang. Kasi nung bata ako I was really bullied. Pati nga bestfriend ko binully ako tapos nagsuntukan talaga kami”
“Talo ako, as in talo ako pero sa awa ata naging bestfriend ko siya tapos lagi na niya ako pinagtatanggol. Nakakalalake ang ganon, honestly masaya na may kaibigan ka na ready ka ipagtanggol pero at the same time e nakakalalake e so yeah I work out at home”
“Di naman yung real work out ha, yung sakto lang naman. Minsan doon ko binubuhos pagkapikon ko. Araw araw lait, my face attracts trouble kasi. Lalaitin ako, mapipikon ako at some point pag sobra na, pag napikon ako bugbog sarado naman ako kaya eto hinanda ko din sarili ko”
“So far di pa naman umabot sa point na ganon kasi nga namanhid na ako. Acceptance ata tawag don, kaya kahit laitin ako e iniisip ko nalang they are stating the obvious, minsan pag sobra na nagtitimpi nalang ako. Pangit na nga bugbog sarado pa diba?” kwento ni Enan.
“Hey enough of the sad stories” sabi ni Cristine. “Sorry, wala naman ako good stories to share e so ikaw nalang magkwento” sabi ni Enan. “Wala ako maisip, you want to talk about Violet?” tanong ng dalaga.
“Akala ko ba no sad stories na?” tanong ng binata. “Not the sad parts, yung good parts” sabi ni Cristine. “Bakit mo naman gusto malaman? Gusto mo ba ako paiyakin ulit?” tanong ni Enan. “No, kanina kasi nung nakwento mo siya sa start nakangiti ka. When it reached the sad part doon ka naiyak so ikwento mo nalang good parts” sabi ng dalaga.
“Bungisngis din yon tulad mo e, madali ko siya napapatawa. Masaya pag ganon, masaya sa pakiramdam kasi for a change nakangiti sila sa iyo” sabi ni Enan. “But does she know your skit?” tanong ni Cristine.
“Oo naman, she goes nuts pag umaakting akong ganon” sabi ni Enan. “Ako din, well I mean nakakatuwa ka pag ganon” sabi ng dalaga kaya napangiti ang binata. “You wanna go back now? Mukhang nagkakagera na sa tubig, mga sirena at siyokoy nag aaway na”
“Mga sirena patay na patay sa akin, mga siyokoy patay na patay sa iyo. Tara na baka sugurin pa tayo dito. Mahirap talaga magkasama ang dalawang artista e” sabi ng binata at biglang umalon ng malakas. “See told ya” sabi niya kaya napahalakhak si Cristine.
Sa malayo nakangiti sina Arlene at Jelly habang kinukunan ng video yung dalawa. “Pag sa malayo he does not look bad ano? Matipuno naman siya, tall dark and cannot see the face pero katabi niya si Cristine kaya maiisip mo na ah sigurado gwapo yon” bulong ni Jelly.
“True…do they even know wala nang tao sa paligid nila. Why are they still holding hands?” tanong ni Arlene. “Aba malay ko, baka may tao pa doon sa banda doon” sabi ni Jelly. “Oo nga siguro, dapat talaga kasama natin lagi si Enan e” bulong ni Arlene.
“Agree, behaved siya lately pag meron si Enan. Ibang iba siya. Kaya we take advantage of his plea to her na she should be nice to him. Kaya dapat talaga yayain natin si Enan lagi para araw araw anghel na Cristine kaharap natin at hindi yung demonyita” sabi ni Jelly.
“Tama na to, upload ko na sa Youtube” sabi ni Arlene. “Upload ka ng upload, sige pakainin mo pa sila. Huh mamaya pag naintriga lalo ang mga tao baka humiling sila ng di mo kaya ibigay” sabi ni Jelly.
“Such as?” tanong ni Arlene. “Haller, magsyota e di natural kissing” sabi ng bading. Napanganga si Arlene, “Oh my, eh pero we can easily say di sila masyado PDA. Ayan na nga o holding hands, tama na yan” sabi ni Arlene.
“Just saying, tandaan mo meron parin duda diyan. Pag nagsimula sila madami mahahawa at mababaliktad nanaman ang marami” sabi ni Jelly. “Last na to, para lang makita nila nagholding hands sila then tama na. Siguro naman sapat na yon” sabi ni Arlene.