Chapter 9: Revelation Day

3300 คำ
Papasok ng simbahan si Enan kasama ang kanyang magulang, biglang tumunog ang cellphone niya kaya tinignan siya ng kanyang ina. “Turn it off” sabi ni Rosa. “Ma I have to take this, sorry pero sa talent center po kasi ito” biro ni Enan kaya natawa si Robert, ang kanyang ama. “Yes a wonderful Sunday morning, this is Enan” sagot ng binata kaya napahaplos sa noo si Rosa at napailing. “Holy..” bigkas ni Enan pero di niya natuloy pagkat tinignan siya ng masama ng kanyang ama. “Nasa simbahan tayo” sabi niya. “Mauna na po kayo, I really have to take this” sabi ni Enan sabay tumakbo sa malayo. “I beg your pandon, did I hear you right?” tanong niya. “Sorry, she was ambushed by the reporter. Bumigay siya sa inis at nagpainterview. Umamin na siya” sabi ni Arlene. “What? Teka, akala ko ba mag uusap usap pa kayo para planuhin yan? Pano na to?” tanong ng binata. “Kasi nairita siya, today is Sunday at alam mo na mga showbiz talkshows sa hapon. Yung kabila may pasabog so kinukulit siya nung reporter para meron din silang pangontra” kwento ni Arlene. “Oh my God. You mean to say ipapalabas yan mamaya? Mamaya na? Teka lang di pa ako ready” sabi ni Enan. “Akala ko ba you can handle your end?” tanong ni Arlene. “Oo pero teka lang naman, hindi ko pa naumpisahan e. Plano ko gawin biro biro sa parents ko muna, balak ko kulitin sila at idiin na girlfriend ko artista. Para sana pag reveal e…oh no teka lang naman. Wala ba way istop yan?” tanong ng binata. “Wala na e, Cristine also agreed already na ilalabas nila na yon mamaya sa show” sabi ni Arlene. “Oh boy” bulong ni Enan sabay haplos sa kanyang noo. “O sige na I just wanted to you to know para makapaghanda ka. Sorry talaga, I was not there to stop her from talking. Jelly called me up kanina lang to tell me about it so tinawagan kita agad para alam mo” sabi ni Arlene. “Sige okay lang, bahala na” bulong ni Enan. Pumasok siya sa simbahan, nakita niya nanay niya kumaway sa malayo kaya nagtungo agad siya doon. Pagkaupo ng binata napahaplos agad siya sa kanyang puso sabay tinignan ang kanyang mga magulang. Sa bahay di parin mapakali si Enan, lakad siya ng lakad kaya napansin tuloy siya ng kanyang ama. “Are you okay son?” tanong ni Robert. “Dad eighteen na ako so di naman siguro kayo magugulat kung nabalitaan niyo may girlfriend ako diba?” tanong ng binata. “May girlfriend ka na? Sino? Bakit di mo sinasabi sa amin?” tanong ni Rosa. “Ah well…mother, your surprised reaction is quite insulting” biro ng binata. “Fernando, meron o wala?” tanong ni Rosa. “Ma, expected na yan diba? Kasi artistahin ako” hirit ng binata pero di natawa ang kanyang mga magulang. “Enan, meron o wala?” tanong ni Rosa. “Son, when you say girlfriend hindi lang one way yon ha. Baka di niya alam” biro ni Robert kaya natawa si Enan. “Fine, meron na po at kinikilala din niya ako bilang boyfriend. Daddy talaga, alam ko naman yon ano” sabi ng binata. “Wow, sino siya? Bakit di mo sinasabi sa amin?” tanong ni Rosa. “E kasi its complicated po e. Artista po kasi siya kaya we wanted to keep it between us only muna” sabi ni Enan. “Hay naku, eto nanaman tayo” sabi ni Rosa sabay natawa nalang habang papunta sa kusina. “Tignan mo si mama o, walang tiwala sa akin” sabi ni Enan patampo. “Enan sinasakyan naming yang pag aarte mo pero pag ganyan na bagay na iho hindi na maganda” sabi ni Rosa. “Your mom is right son, we can play along but when it comes to that its not right anymore” dagdag ni Robert. “So you two do not believe me? Why? Akala ko ba kakampi ko kayo? I am telling the truth. Artista talaga girlfriend ko” sabi ni Enan. “Oo na oo na sige na nga, so should I cook or oorder nalang tayo for a change?” tanong ni Rosa. “I just wanted to be the one to tell you bago niyo pa malaman sa iba” bulong ni Enan. “Anak, pano naman kami maniniwala sa iyo e hindi naman napapansin na meron kang girlfriend. Pag meron kang girlfriend iba ang kinikilos mo dapat. Nung naging kami ng mama mo hindi ko halos binulgar ko sa buong barangay namin na may girlfriend ako” kwento ni Robert. “E dad, kasi nga usapan namin e kami lang muna. Privacy ba” landi ni Enan. “At iba talaga kilos ng may nobya, proud sila at happy at wala na sila iniisip na iba kundi yung nobya nila” sabi ni Rosa. “Artista nga ako e, magaling ako umakting. It comes with the peg mother” banat ni Enan kaya natawa parents niya. “Sus mamili ka nalang ng oorderin natin, ikaw narin tumawag” sabi ni Rosa. “Fine, kayo din pero I warned you” sabi ng binata. “Enan, maniniwala ako sa iyo pag dinala mo siya dito” sabi ni Robert. “Oo nga, ipakilala mo naman siya sa amin” dagdag ni Rosa kaya namilipit sa hiya si Enan at kumendeng kendeng. “Naman, sapat na isang artistahin dito sa atin, pag dalawa na kami sasabog na tong baranggay natin” sabi ni Enan. “Sige magbiro ka pa, lalo kami hindi maniniwala sa iyo” sabi ni Rosa. “Okay fine, pero tulad ng sabi ko pag may marinig kayo sa iba, remember I told you first at hindi kayo naniwala sa akin” landi ni Enan. Habang kumakain ng lunch, nagring ang landline nila. Sinagot ni Rosa yung tawag at bigla siya napanganga at napatingin sa anak niya. “Nakita mo picture ni Enan sa TV?” tanong niya kaya napalingon narin si Robert. “Isindi mo TV, insidi mo” sabi ni Rosa. “Ha? Wala na? Pero sure ka anak ko yon? O sige sige amiga” sabi ni Rosa sabay binaba yung telepono. “Wala naman” sabi ni Robert nang tinitigan yung TV. “Nakita daw ni Odessa e, pinakita daw yung parang ipapalabas mamayang alas kwatro. Mamaya daw ipapakita yung buong interview” sabi ni Rosa kaya tinignan nila si Enan. “Told ya” landi niya sabay ngumiti. Nagring ulit landline nila, sinagot ulit ni Rosa at muli siya napatingin sa anak nya. Nagring phone ni Enan, “Eto na po sila” bigkas niya sabay sinagot yung tawag. “Oh my God Enan, ipapalabas na interview ni Cristine mamaya. Yaya saw it saw it sa TV tapos hinila niya ako kasi namukhaan ka niya” sabi ni Clarisse. “Natural mamumukhaan niya ako, artista nga e” sabi ni Enan sabay tumawa. “Oh my God, do you know what she is going to say? Nag usap na ba kayo?” tanong ng dalaga. “Sorry no comment, sorry talaga alam mo na showbiz” landi ni Enan. “Uy ano sige na kasi, wait tatawag ako mamaya, tatawagan ko si Shan” sabi ni Clarisse. Kapapatay palang ng tawag, dinagsa naman phone niya ng mga text messages. Landline nila muli nagring kaya sina Rosa at Robert natulala nalang at tinignan anak nila. “Why are you two looking at that way?” landi ni Enan. “Enan what is happening?” tanong ni Rosa. “Ayaw kasi maniwala, no comment muna ako” sagot ng binata. Sumapit ang alas kwatro, tutok sa TV sina Rosa at Robert habang si Enan nasa malayo at kinakabahan. “Later we will show you the interview of Cristine Suarez, sasagutin na niya yung issue tungkol sa kumakalat na larawan niya with a guy” sabi ng isang host. Napasigaw si Rosa nang pinakita yung larawan sa screen, “Enan!” hiyaw niya sa tuwa, si Enan napangiti at lalong tumibok ng sobrang bilis puso niya. “Why did we not know this?” tanong ni Robert. “Dad, sa social media kumakalat. E di naman kayo masyado nag oonline” sabi ni Enan. “Oh naalala ko na, tinanong ako minsan ni Olay e. Di ko masyado narinig kasi nagmamadali ako pumasok sa trabaho” sabi ni Rosa. “Ano sinabi niya?” tanong ni Robert. “Basta tungkol kay Enan at artista, di ko narinig talaga. Kasi akala ko biro biro lang yon nanaman ni Enan” sabi ng asawa niya. “O yan na!” sigaw ni Enan, napatingin magulang niya sa TV pero commercial break lang nakita nila. “Wow curious” landi ng binata sabay tumawa ng malakas. Nainip sina Rosa at Robert, phone naman ni Enan walang tigil nakakatanggap ng mga text messages kaya di nalang niya pinansin ito. Ilang minuto lumipas sinabi na ng host na pagbalik nila after commercial ipapalabas na nila yung interview ni Cristine kaya hinila ni Rosa anak niya at pinaupo sa kanyang tabi. Bumalik na yung talk show, “Yan na” sabi ni Robert at nakita na nila sa screen yung reporter habang iniinterview si Cristine sa labas ng studio. “Cristine, can you please comment about the photo circulating online of you and a guy?” tanong ng reporter. Humarap si Cristine, nakataas ang mga kilay niya pero bigla nalang umamo ang kanyang magandang mukha sabay napangiti. “Yes it is true” sabi ni Cristine. “Can you tell us who he is?” tanong nung reporter. “His name is Enan” sagot ng magandang dalaga. “Good actress” bulong ni Enan pagkat kitang kita sa TV na nakangiti si Cristine. “Shhhh” bigkas ng nanay niya sabay kinurot siya. “Cristine so kitang kita nakaakbay siya sa iyo tapos hinahalikan ka sa noo…so people are asking..” sabi ng reporter. “Is he my boyfriend? Well, I would not let him do that if he was not diba? So yes, Enan is my boyfriend” sagot ni Cristine. “Excuse ha kasi kailangan ko na pumasok. Next time nalang ulit” sabi ni Cristine. Napangiti si Enan, “really good actress” bulong niya pero bigla siya natawa pagkat nakunan saglit mukha ni Jelly at super shocked ang kanyang reaksyon. “Totoo nga” bulong ni Rosa kaya yung mag asawa napatingin sa kanilang anak. Nagring landline nila pati cellphone ni Enan. Nagulat si Robert pagkat pati cellphone niya nagring narin. “Rosa! Rosa!” narinig nila mula sa labas kaya natawa si Enan nang masilip kapitbahay nila talagang pumunta pa sa kanila. “Anak, you were telling the truth” sabi ni Rosa. “Mommy naman e, narinig mo na nga diba? Bakit parang ayaw mo pa maniwala kasi?” landi ng binata. Biglang niyakap ni Rosa anak niya, si Robert naman napahaplos sa noo pagkat walang tigil narin pagdagsa ng text messages sa phone niya. “I have been trying to train you for this day, now it has arrived. Yan kasi sabi ko naman artistahin tong anak niyo e. Now you cant deny it” sabi ni Enan at bigla siya hinaplos ng ama sa likod niya. “Good choice son” sabi niya. “Well dad, ang dami nakapila pero finally I gave in. Sa dinadami ng magagandang nagnanasa sa akin siya lang pinagbigyan ko” banat ni Enan. “Rosa! Nandyan ka ba? Rosa?” bigkas ng kapitbahay nila. “Nandyan sila, nakita ko sila dumating kanina e” sagot naman nung isa kaya sina Enan at mga magulang niya nagtawanan nalang. “Sige na ma, puntahan mo na sila. Mag ayos ayos ka ng konti ha” biro ni Enan. “But I don’t know what to say, ano sasabihin ko sa kanila?” tanong ni Rosa. “Just say we kept it a secret, sabihin mo nalang malihim ako” sabi ni Enan. “Mga katrabaho ko din nagtatanong o, ano sasabihin ko?” tanong ni Robert. Tumayo si Enan at nag inat, “Bahala na kayo, stick to the story” sabi ng binata. “What story?” tanong ni Robert. “Ah..eh..na wala kayo alam masyado kasi nga palihim diba? Na ginusto namin ng privacy” kabig ni Enan. Kinuha ng binata phone niya sabay nagtungo sa kanyang kwarto para magtago. Sinagot niya yung tawag, nilagay niya sa speaker sabay nahiga sa kanyang kama. “Speak my friend” sabi niya. “Enan!” sigaw ni Clarisse sa tuwa sabay natili ng sobrang lakas. “Oh s**t pare, totoo talaga ano? Teka pare akala ko ba wala na kayo? So nagkabalikan na kayo?” tanong ni Shan. “Ayun na nga, kaya nga kasama ko si Jelly nung isang araw kasi dinala niya ako kay Cristine para mag usap kami. We patched things up” banat ni Enan. “Oh my God Enan, as in grabe so totoo talaga” sabi ni Clarisse. “Hoy Exageratted na kayo ha, expected naman to kasi artistahin ako” sagot ng binata. “Grabe di maka get over sina mama at yaya, as in tulala sila kanina nung inamin ni Cristine” sabi ng dalaga. “Well alam ko naman fan ko mama mo at yaya mo, expected reaction yan kasi kinikilig sila para sa akin. Check mo sila maigi ha baka magpatiwakal yaya mo, kasi alam ko madami din akong fans magseselos” sabi ni Enan. “Pare sorry ha, pero oo narinig ko talaga at napanood pero I want to hear it from you” sabi ni Shan. “Yes, nagkabalikan kami pero of course the public will not know that” sabi niya. “Okay, pare as in wow” sabi ng bestfriend niya. “So my friends I shall see you tomorrow ha, I have to take the other calls. Pati kasi yung CNN, BBC at pati na nga Al Jazeira tumatawag para iconfirm yung news e” “Gosh ang hirap talaga maging artistahin pag may big reveal” sabi ni Enan sabay pinatay yung tawag. Samantala sa condo ni Cristine, katatapos lang nila panooring yung interview niya. Walang tigil din sa pagring cellphone ni Arlene kaya pinatay nalang niya ito. “So its done, what now?” tanong ni Jelly. “Well, we just have to see the reaction of the public” sabi ni Arlene. “Eto kasi di ko alam ano nakain at biglang nagpainterview e” sabi ni Jelly. “Excuse me I was so irritated and wanted to push her away. Then I remembered I have to be nice diba? So pagharap ko ngumiti nalang ako. So I gave in to her, I was being nice” sagot ni Cristine. “Oh my God, you are already trending sa Twitter” sabi ni Arlene. “Ano sabi ng tao?” tanong ni Jelly. “Ayaw ko pa tignan, mamaya nalang” sagot ng manager ng artista. “Check on him” bulong ni Cristine. “What?” tanong ni Jelly. “He is involved, so check on him” sabi ng artista. Tinawagan ni Jelly si Enan, “Wait but don’t tell him I told you to” sabi ni Cristine. Nilapag ni Jelly phone niya sabay nilagay sa speaker. “Hello” narinig nila sagot ni Enan. “Hoy so ano okay ka lang ba?” tanong ni Jelly. “Sino po sila?” sagot ng binata. “Haller! Si Jelly bakit di mo ba ako nabobo…bastos binaba!” sigaw ng bading kaya napahaplos si Cristine sa mga labi niya. Sinubukan ulit ni Jelly tumawag pero di sinasagot ni Enan tawag niya. “Akin na phone mo, antipatiko to tong pangit na to” sabi ni Jelly. “Yes hello, Enan Arstistahin speaking” sagot ng binata. Napatingin sa malayo si Cristine at nagtakip ng bibig. “Hoy damuho wag mo papatayin tong tawag!” sigaw ni Jelly. “O pare ikaw pala” sabi ni Enan. “Anong pare? Oh whatever, hoy kumusta ka daw…tanong ni Arlene” sabi ni Jelly. “Bakit? Ano nangyari?” tanong ni Enan. “What?! Hindi mo ba napanood?” tanong ng bading. “Yung interview? I did, so ano problema?” tanong ni Enan. “So ganon lang? Wala kang reaksyon?” tanong ni Jelly. “Bakit ako magrereact e artistahin nga ako e, sanay na ako sa ganyan. What’s new?” sagot ni Enan kaya natatawa na talaga si Cristine. “Alam mo ang kapal kapal talaga ng mukha mo pangit ka” sabi ni Jelly. “At least built in face ko, ikaw makapal kasi ang kapal kapal ng foundation na nilalagay mo. Alam mo matangkad ka sana e, naudlot paglaki mo kasi ang bigat ng dinadala mo sa mukha mo. Di na ako magtataka pag next month unano ka na” sabat ni Enan. Napahiyaw sa tawa si Cristine, sina Arlene at Jelly gulat na gulat at nagtitigan. “Oh s**t is she there?” tanong ni Enan. Sumenyas si Cristine, “Ah hindi si Arlene lang kasama ko dito” sabi ni Jelly. “Grabe yan ha, ang tanda tanda na tapos tumatawa na parang teenager. Ahihihih ahihihi at least bagay parin niya, hoy wag ka nang tatawa at pag ikaw tatawa boses lalake ka parin” “At pag pipilitin mo iboses babae tawa mo halata na” sabi ni Enan at lalong napahiyaw si Cristine. “Seriously speaking how are you?” lambing ni Jelly. “s**t! Pwede ba si Arlene nalang magtanong niyan, pag ikaw kasi parang may hidden motive ka” sabi ni Enan. Di nakayanan ni Cristine itago tawa niya, tumayo siya sabay tumakbo palayo. “Enan its me, how are you?” tanong ni Arlene. “Doing fine” sagot ni Enan. “How about your parents?” tanong ni Arlene. “Sanay na sila diyan, sabi ko sa iyo artistahin ako. Kaya nandon sila sa labas kausap mga kapitbahay, alam mo na mommy ko may pagka stage mother” “Father ko naman very proud kasi saksakan ng ganda girlfriend ko. Kumikinang kinang mga mata niya kanina” landi ni Enan. Napangiti si Cristine, humarap siya sa bintana para di makita nung dalawa ang kanyang reaksyon. “Pag siya kumakausap sa iyo sumasagot ka ng maayos, pag ako ang bastos mo” sabi ni Jelly. “Ganon ba ako?” tanong ni Enan. “Oo kaya” sagot ni Jelly. “Sino ka ulit?” banat ni Enan at muling natawa si Cristine. “Antipatiko! Che!” sigaw ni Jelly. “Teka pala, is she okay?” tanong bigla ni Enan. “She is” sagot ni Arlene. “Uy alalayan niyo ha, wag niyo nalang ipabasa sa kanya yung mga sinasabi ng iba. At pag di na niya kaya she can end it right away. Basta importante yung kalagayan niya, don’t worry about me kaya ko to” sabi ng binata. Napangiti si Cristine, “O sige Enan babalitaan ka namin bukas. Titignan naming reaksyon ng publiko muna” sabi ni Arlene. “Okay, by the way Jelly sorry pala ha” sabi ni Enan. “Wala yon” sagot ng bading. “Sorry pero lalake ka” pahabol ni Enan sabay pinatay yung tawag kaya napahiyaw si Cristine sa tawa habang si Jelly nagsisigaw at muntik na binato yung phone.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม