Lunes ng umaga nagtatawanan sina Clarisse at Shan sa loob ng kotse habang papunta sila kina Enan. “Babe, ganda ng porma natin ha” sabi ng binata. “Ikaw din, bakit ka pumorma?” pacute ni Clarisse. Halakhakan yung dalawa hanggang nakarating sila sa bahay ng kanilang kaibigan.
Nakita ni Enan yung kotse kaya nagmadali siyang lumabas ng bahay. “Hi Enan” biglang bati ng isang kapitbahay niya kaya yung binata kumaway at nagmadaling pumasok sa kotse ni Shan. Pagkaupo niya napataas ang kilay ni Clarisse. “My God, hindi ka man lang pumorma?” tanong ng dalaga.
“What the heck?! Bakit kayo nakaporma? Ano yan?” tanong ni Enan kaya nagtawanan yung magsyota. “Pre, well since you are going to be in the spotlight at lagi tayo magkasama kaya I wanted to look good naman” sabi ni Shan. “Look good? Pati ba naman ikaw Clarisse?” tanong ni Enan.
“Eh kasi like what he said” pacute ng dalaga. “Clarisse! Kahit magpambahay ka maganda ka parin. Are you wearing make up? Oh my God, e ikaw pare nagmake up ka din?” banat niya kaya nagtawanan silang tatlo. “Pare naman, let us share the limelight with you” biro ni Shan.
“Ah ganon, dati tawa tawa lang kayo sa mga sinasabi ko. Ngayon…wait kakawayan ko lang sila baka sabihin nila snob ako” sabi ni Enan. Binaba niya yung bintana sabay kinawayan yung mga kapitbahay niyang dumaan. “As I was saying, tawa tawa lang kayo dati, now you see me as the true artistahin?”
“Ang tagal niyo na nakikishare ng limelight, feeling ko nga kaya ka nanalo sa mister Commerce dahil sa akin e. At ikaw Clarisse wag mo balakin sumali ng Binibining Pilipinas, I know you can win pero pag nanalo ka e baka sabihin I had something to do with it. Alam niyo na artistahin influence” sabi ni Enan at lalong nagtawanan yung tatlo.
Pagdating nila sa parking area kapansin pansin ang pagdami ng tambay doon. Paglabas ni Enan ang daming bumabati sa kanya kaya ang binata talagang napangiti at pinansin naman sila. “Enan, kinukuhanan ka photo” bulong ni Clarisse. “Sanay na ako diyan, artistahin nga e, pero lumayo layo ka sa akin kasi baka magselos si Cristine o kaya baka awayin ka ng fans namin” bulong ni Enan.
“Kumukuha pa ba? Wait naman sisingit ako” sabi ni Shan at paspas niyang tinabihan si Enan at inakbayan. “Walanghiya ka, gusto mo ba pagdudahan yung s*x orientation ko? Doon ka sa nobya mo men. Geez pre, madami din ako detractors, kaya maghahanap sila ng butas para siraan kami”
“Kung nakita nila photo na nakaakbay ka sa akin e baka pagdudahan talaga ako. So Please lang doon ka” sabi ni Enan at nagtawanan yung tatlo. Pagdating sa tambayan natawa si Enan at talagang napakamot. “Pati ba naman kayo? Tommy, Jason and wow Greg you look…human” biro niya.
“Pre, sorry for doubting you my idol” sabi ni Greg. “Oh well, kahit naman pumorma kayo I will still stand out kasi ako yung artista e” sabi niya. “Pre kinukunan ka talaga ng photos e” sabi ni Shan. “Pare naman let them, ipopost nila yan sa i********: nila. Ano ka ba? Ganyan talaga no, meron pa nga website na tawag nilang Celebrity Sightings” sabi ni Enan.
“Dami na pumapansin sa iyo pare o” sabi ni Greg. “Lahat ng attention nila dito kasi alam nila dito ka tumatambay” sabi ni Jason. “Mga kaibigan ko maupo tayo, act normal lang, let them be” sabi ni Enan. “Idol bakit hindi ka man lang pumorma?” tanong ni Greg. “Bakit pa? Ito ako e, kahit naman ano isuot ko makikilala parin nila ako no” sabi ni Enan.
“Pero pare, nasa news ka na, kung dati biro biro lang pagiging celebrity mo, ngayon totoo na” sabi ni Greg. “Ouch, that hurts. Tapos tatawagin mo akong idol? How dare you” landi ni Enan kaya tawanan sila. “Pag pumorma ako, natatakot kasi ako na bigla ako dudumugin ng girls. I know irresistible na ako looking this way, what more pag jumaporms naman pa ako?”
“Can you imagine yayapusin ako, panggigilan, mapupunit din lang naman damit ko kaya eto nalang. Tamang handsomeness lang to keep their lust for me in check. Alam ko konting porma lang e bibigay na sila” sabi ni Enan kaya umariba sa tawa si Clarisse.
“Alam mo Enan gumwapo ka bigla I swear” sabi ng dalaga. “Oo pre, as in ngayon nakikita ko na yung sinasabi mong handsomeness” sabi ni Shan. “Hay naku, ang tagal na natin magkakasama, kinailangan pa ng something big to make you see the truth” sabi ni Enan.
Pagsapit ng lunch natuwa si Enan pagkat dinagdagan ng may ari ng karinderya ang mga order niya. “Salamat po manang ha” sabi ng binata. “Pero totoo ba iho?” tanong ng matanda. “Si manang talaga o, parang di naman kayo sanay, of course its true” sabi ng binata. “Ipasyal mo naman siya dito” sabi ng matanda.
“Manang, tignan mo dahil sa akin ang dami kumakain dito. Pag pinapunta ko pa siya dito aysus baka mag bukas na kayo bigla ng branch sa SM no” landi ni Enan kaya natawa yung matanda. Pag upo binata agad siya yumuko, “O pare bakit?” tanong ni Shan. “Quiet, prayer” bulong ni Enan.
Sa labas napasilip si Violet sa karinderya, nakita niya si Enan nakayuko at di gumagalaw. Tumalikod nalang siya pero nagbigay ng isa pang silip sabay tuluyan nang umalis. Humarap na si Enan at nakita niya titig sa kanya si Greg habang kumakamot sa ulo.
“Tao dasal bago kain, unggoy ganyan kamot ulo lagi kahit ano gawa” banat ni Enan kaya naghalakhakan ang magbabarkada. “Sus ano naman nakita niya diyan?” narinig nila may nagsabing lalake mula sa labas. Agad tumayo si Greg at tinitigan yung grupo ng mga lalake pero hinila ni Enan kamay niya. “Pare its okay, sit and eat” sabi niya.
“Expected na yan, meron mga matutuwa, meron at meron parin kokontra at duda. Wag kayo magpapaapekto” sabi ng binata. “E gago sila e, respeto naman sana” sabi ni Greg. “Pare let it go, ganyan talaga ang buhay” sabi ni Enan. “O bakit nawala yung celebrity status mo bigla at balik normal Enan ka?” tanong ni Shan.
“Sinasabi ko lang. Whatever you hear na negative wag kayo magreact. Please lang, its not worth it” sabi ni Enan. “Kaibigan ka namin, magrereact kami sa gusto namin” sabi ni Greg. “Salamat pare pero please let them be. The more lang sila kokontra e”
“Let me and Cristine show its real, yan ang the best na panlaban sa pagdududa nila. Alam ko kaka out palang namin so expect mixed reactions. In denial pa yung iba, gusto nung iba sila dapat, gusto ng iba kailangan mala Fairy Tale talaga na ang gwapo sa maganda tulad nitong dalawa” sabi ni Enan.
“Oh shut up, eat. Wag ka magdradrama, basta kami we are very happy for you” sabi ni Clarisse. “Salamat, don’t worry pag makaluwang luwang siya sa schedule niya mag aarrange ako ng outing kung saan sama kayo sa amin” sabi ni Enan.
Kinagabihan non sa condo unit ni Cristine, abala si Arlene sa pagbabasa ng mga komento sa mga blog pages. “So ano verdict?” tanong ni Cristine. “Too early to say, mixed reactions e. Pero nakakatuwa at meron at meron talaga nagtatanggol sa inyo” sabi ni Arlene.
“Sus aminin mo na kasi, she should know” saib ni Jelly. “Alright, and there are also a lot who are bashing you. Bakit daw siya, you could have chosen better, oh you know the normal reaction” sabi ni Arlene. “So in general pangit pagtanggap?” tanong ni Cristine. “Too early to say, lets give it a few more days” sabi ni Arlene. “Then handle the reporters that keep calling me up. Ano pa ba gusto nila malaman e umamin na nga ako diba?” tanong ni Cristine.
“Girl, ganyan talaga, gusto nila hard proof na totoo nga talaga” sabi ni Jelly. “What do you mean hard proof?” tanong ni Cristine. “Photos, videos, mga posts sa social networks. Alam mo na tulad ng ginagawa ng ibang artista, nagpopost sila ng mag sweet moments nila sa kung anek anek para idiin na sila talaga” sabi ni Jelly.
“Tama siya, they are out for blood. Gusto nila malaman lahat, sa totoo they contacted me at gusto ka nila iguest sa show next week para doon sagutin mo ang lahat ng tanong nila” sabi ni Arlene. “How am I supposed to do that when di pa naayos yung plano. Where we met? Why we met? My answer and his answer should match” sabi ng dalaga.
“Speaking of which pati si pangit nagtrending, nagkalat na photos niya sa Internet. The bad new is may gumawa pa ng isang site para ibash siya. They are calling him the luckiest man alive” kwento ni Jelly at napahaplos sa noo si Arlene. “I really hope makayanan niya ito” bulong niya.
“Pero in fairness madami din nagtatanggol sa kanya. So hati talaga ang public dito” dagdag niya. “Have you heard from him?” tanong ni Cristine. “Tawagan nalang natin” sabi ni Arlene kaya tinawagan nila si Enan.
“Hello Enan, its me Arlene” sabi niya. “Uy hello” sagot ng binata. “You don’t sound okay” sabi ni Jelly. “I am okay, gumagawa lang ako ng assignment, teka lang itatabi ko lang saglit” sabi ng binata. “Uy sorry pag wrong timing tawag namin” sabi ni Arlene.
“Okay lang patapos naman na, so ano balita?” tanong ni Enan. “Okay naman on our end, ikaw kumusta sa end mo?” tanong ni Jelly. “Well okay lang, mas madami na pumapansin sa akin bigla at the same time mas masakit pala. Oo they look at me, pero masakit yung nakikita mo sila nagbubulungan tapos may duda at pag ayaw sa mga mata nila e” kwento ng binata.
“So are you okay?” tanong ni Arlene. “Sanayan lang yan, e siya kumusta? Napasilip ako sa ibang sites kanina at di maganda nababasa ko about her” sabi ng binata. “She is okay, she does not go online that often” sabi ni Arlene. “Good, wag niyo nalang ipabasa kasi masaasakit yung lait nung iba. Alam mo naman society natin, may lantarang bastos, may good side, may playing good, playing safe at kung ano ano pa” sabi ng binata.
“So okay ka lang talaga?” tanong ni Jelly. “Yes I am fine, as expected madami duda” sabi ni Enan. “We were just saying the same, we should start proving na totoo talaga” sabi ni Arlene. “Bakit hindi pa ba sapat yung sabihin na di kami showy? Or whatever we have time for each other, we want it to be us alone?” tanong ng binata.
“Aba ang loko may ganon ganon na nalalaman ha” sabi ni Jelly. “Oo naman, unlike you na whatever time you have you use chasing the guys that are running away from you” biro ni Enan at nagsimulang tumawa si Cristine. “I was trying to be nice to you, do not tempt me” banta ni Jelly.
“Okay I am scared now” sabi ni Enan at natawa na talaga ng todo si Cristine. “Huy Arlene ano ka ba ang tanda tanda mo na tapos inaartehan mo pa tawa mo” sabi ng binata. “Oh that was not me” sabi ni Arlene. “Enan? Enan? Hello?” bigkas ni Jelly.
“Still here” bulong ng binata. “O bakit ka bumubulong?” tanong ni Arlene. “Bakit di niyo sinabi nandyan pala siya?” bulong ng binata. “At bakit naman kasi kung nandito siya?” tanong ni Jelly. “Nahihiya ako sa kanya” sabi ni Enan.
“So we have to make it look real” sabi ni Arlene. “I have no idea, sorry never had a girlfriend. Kayo na bahala, just tell me what I need to do” sabi ni Enan. “Oh you didn’t have to say that, understood na yon” banat ni Jelly.
“Of course, pati naman ikaw e. It takes one to know one” sabat ni Enan. “Hoy nagka boyfriend na ako” sabi ni Jelly. “Conscious?” tanong ni Enan at biglang napatawa ng malakas sina Arlene at Cristine. “Pangit! Gwapo pa nga siya e” sabi ni Jelly.
“O tapos? Ilang sapatos naman naibigay mo? Let me guess nagstart ka sa Nike, tapos Adidas, tapos nung ubos na pera mo Mighty Kid nalang kaya iniwanan ka niya?” tanong ni Enan. “Antipatiko, pangit! Hindi ako ganon, nagmahalan talaga kami” sabi ni Jelly.
“I am so happy for you, true love is hard to find” sabi ni Enan. Nagbeautiful eyes si Jelly, “Salamat, see we can get along with each naman e pag ganyan ka” lambing niya. “Oh Greg wait lang ha, may kausap kasi ako sa kabilang linya, pero pare I am happy for you talaga” acting ni Enan.
“Yes hello, what were you saying? Sorry hirap kasi ng artistahin dami tumatawag at the same time. May sinasabi ka ba?” tanong niya. “Gago! Pangit! Mafeeling! Che!” hiyaw ni Jelly habang sina Arlene at Cristine tawa ng tawa. “Keep talking to him” bulong ni Cristine.
“What? Sasakit ulo ko dito sa taong ito e” sagot ni Jelly. Nagtaas ng kilay si Cristine kaya natakot ang assistant niya, “Hoy siya nga pala we have to get the story right on how you first met” sabi ni Jelly. “E kayo ni boylet mo, pano kayo nagmeet?” tanong ni Enan.
“Well, sa isang event yon e, I saw him and he saw me” landi ni Jelly. “Uy you know what yun din sabi niya sa akin e, sabi niya, pare he saw me and I saw him too” biglang banat ni Enan. Muntik na ibato ni Jelly yung phone, sina Arlene at Cristine laugh trip na talaga ng matindi. “Pero seriously Jelly katuwaan lang to ha, wag ka mapipikon” sabi ni Enan. “Okay kaya ko naman makipagsabayan sa biruan e” sagot ng bading.
“About how we first met, di naman na kapani paniwala kung first meeting may something na. Siguro naman six meetings, para naman masabi na immune na mga mata niya sa itsura ko. Kaya lang ano naman daw yung six meetings na yon? Kaswerte ko naman at anim na beses ko siya nakita, tapos sasabihin nila ang malas niya at buti naka survive pa siya” sabi ni Enan at biglang natahimik yung condo.
“So mas okay pag one late night sa grocery, nagkataon na nandon din ako tapos habang nagtitingin siya sa ref ng ice cream e nautot siya pero di narinig. Kaya lang amoy na amoy” sabi ni Enan at natawa sobra si Jelly habang si Cristine napatayo at parang susugod na.
“Tapos may ibang tao, naamoy niya, lumingon at nakita kami pero sa akin nag focus kasi nga sino ba naman mag aakala na umuutot ang ganyang kagandang artista. At least sa tulad ko mas madali ilagay ang bintang so lets say ako talaga tinignan niya ng masama”
“Aba syempre groggy pa ako sa baho ng utot kaya ayaw ko din naman mapagbintangan ng may sala non ano, so mega angry stare ko siya habang tiniis talaga na wag magcollapse” kwento ni Enan. Biglang yumuko si Cristine at humawak sa tiyan niya, tatlo sila sa condo napahiyaw ng sobrang lakas sa tindi ng pagtawa.
“Tapos tinignan ko si ganda, aba syempre sino naman magaglalit sa ganyan na kaganda kaya kahit na umaapaw sa galit at near comatose sa baho e balik tingin kay boy tapos angry stare, Ano gusto mo pa? Meron pa ako say ko para siya lalayo agad. So abswelto si ganda, ayon bulong thank you, ako naman nod kunwari sabay harap sa sa malayo kasi prettylicious at feeling hero kahit na bibigay na talaga sa pagcollapse kasi dumikit yung amoy sa damit”
“Para lang ba pabango ang peg ng utot niya…kung may Bulgari e utot niya e Imburnali” kwento ni Enan at halos mamatay na yung tatlong nakinig sa kanyang kwento. “Well first meeting palang yon, mas maganda na yon para unforgettable experience diba? So we need five more pero alisin na natin yung utot scene baka naman sabihin ang tapang ng sikmura ko at nakayanan ko yung anim na nuclear attack” sabi ng binata.
“Tama na, walang hiya ka ang sakit na ng tiyan ko” sigaw ni Jelly. “Wag ka mag inarte na nireregla ka, itae mo lang yan mawawala yan” sabi ni Enan. “Wahahahahaha…tama na” hiyaw ni Arlene habang si Cristine nakaluhod na sahig at yakap ang kanyang tiyan.
“Bwisit ka, enough please. Hindi naman kapani paniwala din yang sinabi mo no” sabi ni Jelly. “Bakit naman hindi? It can happen, mas maniniwala pa ang tao diyan kesa sa isang fairy tale like encounter. With that story, imagine her feeling guilty and embarrassed, she has reason to look at me without being scared for she is more embarrassed than scared”
“Then ako aamin na ako yon, so imbes na matakot e parang thankful nalang. Kesa naman na titigan ng normal, sus sa itsura ko sa tingin may spark? Oh come one, only that funny story will work. Yeah I know nakakahiya but it is funny and it will make her look normal pa nga e”
“Sus lalaitin siya ng ew umutot, like duh as if naman di sila umuutot. And they will focus on laughter, they will try to imagine that scene. Kesa naman saibihin mo na nagkita kami, titiagan, whooo tae lalo siya lalaitin ano, sasabihin siya yung may malakas na sikmura”
“Let just say stick to my story, so from that point we share the fart bond. O ha, para kakaiba, kasi kakaiba nga din itong relationship namin e. Kakaibang hero effect diba? Kesa naman na nadapa siya tapos bago matumba sinalo ko siya at doon siya inatake sa puso nang makita ako. Duh” sabi ni Enan.
“Ang point ko e, if you want to make them believe this, wag kayo mag iisip nung fairy tale, pwede din naman napagkamalan niya akong statue kaya kinatok niya mukha niya” hirit ni Enan.
“Aray ko” bulong ni Cristine na gumagapang na papunta sa kanyang kwarto. “Tama na Enan, masakit na tiyan namin” makaawa ni Arlene. “Okay, so think about it. Goodnight na ha, may pasok pa ako bukas” paalam ng binata.
“As if naman gagawin natin yon” sabi ni Jelly. “I think it can work” sabi ni Cristine. “Are you kidding me? Yung kwento na yon?” tanong nung bading. “Yeah, think about it. So the next time we meet meron nang something funny”
“Fart bond” bulong ng dalaga sabay tumawa ng sobrang lakas.