Chapter 11: Duda

3213 คำ
Biyernes ng umaga sa tambayan hindi mapakali si Clarisse. “Enan, sana wag ka maooffend ha, pero parang wala kang girlfriend” sabi ng dalaga at lahat napatingin sa kanya. “Just because hindi niyo kami nakikita magkasama?” sagot ni Enan. “Hindi e, kasi pag meron ka you should be happy” sabi ng dalaga. “Funny, my mom said the same” sabi ni Enan. “Sorry talaga ha, kasi parang wala naman nagbago sa iyo. You should be inspired and yun nga happy” hirit ni Clarisse. “Happy ako, kaya lang mahirap mag multi task kasi e. Tuloy hindi ko naipapaikita happiness ko kasi ang artistahin masyado madami iniisip” “I belong to everyone, ang isang artistahin ay public figure kasi e. Iniisip ko din feelings ng mga tagahanga ko” sabi ni Enan. “Do you even think of her? Does she inspire you?” tanong ni Clarisse. “Teka nga, yang pagtatanong mo e may halong pagdududa na ha” sabi ni Enan. Tumiklop si Clarisse at dinikitan si Shan pagkat nasaktan niya damdamin ni Enan. “Pare sensya na pero she means well” sabi ni Shan. “I understand if you have doubts kasi nga di niyo kami nakikita magkasama. Di niyo ako nakikita katext siya o kaya tinatawagan. May trabaho siya, ako may schooling, we respect each other’s time. Pag may time na kami para sa isa’t isa, we do spend it together” “Ganon lang po yon. Oo hindi pangkaraniwan pero ano magagawa ko?” sagot ni Enan. “Sorry na, wag ka na magalit” sabi ni Clarisse. “Bakit ano ba gusto niyo makita?” tanong ni Enan. “Dude, idol, kasi pati sa mga social media nagdududa na sila e. Baka daw pakana lang yan o gimmick ni Cristine” sabi ni Greg. Niyuko ni Enan ulo niya sabay hinaplos ito. “So pati kayo napapaniwala na fake relationship ito?” tanong niya. “Hindi, naniniwala kami sa iyo, kami pa nga nakakita mismo e” sabi ni Greg. “So why are you doubting then? Teka wag niyo na sagutin, kasi we don’t match diba? Kaya may doubt kayo kasi we don’t match” sabi ni Enan. Tumayo ang binata, kinuha niya backpack niya sabay nagwalk out. “Enan pare wait” sabi ni Shan. Sinuway ni Enan kamay ng kaibigan niya at tinuloy ang kanyang lakad, si Clarisse niyuko ang kanyang ulo at nabalot ng guilt. “Tsk I told you naman kasi wag mo na ibring up yang issue e” bulong ni Shan. Sa likod ng building nagtago si Enan sabay tinawagan niya si Arlene. “Hello Enan, I was actually about to call you” sabi ng manager ni Cristine. “I have a problem on my side, my friends are doubting me already. Mga kaibigan ko na yon ha, what more yung mga di ko kilala” sabi ni Enan. “Yun na nga e din sasabihin ko sana e, so naisip ko na after your class you come visit the studio” sabi ni Arlene. “Ano? No no no” sabi ng binata. “Anong no? Sabi mo we tell you what to do then you do it diba? Naka ready na yung pass mo, Jelly will meet you sa entrance later when you get here” sabi ni Arlene. “Teka lang, ano naman gagawin ko doon?” tanong ng binata. “They want proof then I am sure magiging news ang pagdalaw mo sa studio. Ang goal lang natin is makita ka dumalaw, makita ka nila pumasok sa dressing room niya and that is it. That is enough to make the headlines trust me” sabi ni Arlene. “Oh I see, pero okay lang ba sa kanya yon? Di ko kaya masira mood niya?” tanong ni Enan. “Hindi, we did not tell her yet. Parang surprise visit, and oh Jelly will go get a boquet of flowers para kunwari ikaw nagdala non, then iapapasundo kita diyan later” sabi ni Arlene. “Mali ka, don’t you know artistahin ako at bawat galaw ko lately kinukuhanan nila ako ng photos and videos?” tanong ni Enan. “We know that, may isang site nga na panay photos at videos mo kaya lang…” sabi ni Arlene. “Yeah I know, you don’t have to tell me what kind of site that is” bulong ng binata. “So bakit mo nasabi mali?” tanong ni Arlene. “Yun nga, bawat kilos ko nababantayan. So mas maganda pag ako mismo pupunta diyan. Ako na bibili ng flowers. s**t, I have been wanting to give Violet flowers, ilang beses ako umatras tapos now I cant believe bibili ako para sa fake girlfriend ko. Mas nauna ko pa mabibigyan bulaklak fake girlfriend ko” “Anyway parang training narin siguro ito. Then after buying magcocommute ako, I am sure by now lantad na pagkatao ko naman so they know simpleng tao lang ako at nag aaral pa. Mas maganda na makita nila ako nagcocommute pero parang this is a really bad idea” sabi ni Enan. “Why?” tanong ni Arlene. “Kasi baka sabihin nila ang kapal ng mukha ko nagpapakita sa studio” bulong ni Enan. “Boyfriends do go visit the workplace of their girlfriends naman ha” sabi ni Arlene. “Yeah pero inside the studio, parang nandon na lahat ng magaganda at gwapo, tapos eto isang artistahin bibisita, di kaya sila mainsecure sa akin?” biglang banat ni Enan. “Hahaha bwisit ka, akala ko naman kung ano na. Hay naku, thank you. Tanggal stress ko konti sa tawa na yon” sabi ni Arlene. “Tagal ko nang iniiwasan tong araw na ito but I guess this is my destiny. Ang artistahin bibisita sa studio, where I should have been from the start” hirit ni Enan at lalong natawa si Arlene. Pagkatapos ng klase nagtungo si Enan sa isang flowershop. Pagkatapos niya bumili at lumabas ng shop ang daming taong nakatingin sa kanya. May mga di naka kilala sa kanya, nagtawanan sila, “Kapal din ng mukha nito, sigurado ako basted yan” narinig niya sinabi nung isa kaya niyuko nalang ni Enan ulo niya at binilisan ang lakad. Maski sa jeep nahihiya ang binata pagkat panay bungisngis nung mga nasa harapan niya. Lalo sumakit damdamin niya nang nagbubulungan ang mga ito kaya huminga siya ng malalim at dinasal na bumilis pagtakbo ng jeep. Pagdating sa harapan ng studio parang gusto nang umatras ni Enan pagkat lahat ng nakatambay doon sa labas ay pinagtuturo siya. Nakita niya si Jelly kaya binilsan niya lakad niya. Yung mga nakatambay sa labas ng staff lahat kumuha ng litrato at video ng binata kaya agad umakbay si Jelly at ginabayan pumasok si Enan. Maski sa loob lahat ng madadaanan nilang tao ay napapatigil talaga, naglalabas sila ng phone at basta nalang kinukuhanan siya ng litrato. Nakarating sila sa tapat ng dressing room ni Cristine, ang binata parang gustong umatras pero binuksan agad ni Jelly yung pintuan. “Oh Enan, pasok ka” sabi ni Arlene kaya pumasok yung dalawa pero may isa pang nagpahabol at kinunan talaga sila ng litrato. Nakahinga ng maluwag si Enan pagkat wala sa loob ng dressing room si Cristine. “Ayan tapos na trabaho mo for today” sabi ni Jelly. “Paupuin mo naman siya muna” sabi ni Arlene. “I feel at home” sabi ni Enan kaya nagtawanan yung dalawa. “As in, nakita mo naman pagpasok ko they just cant stop taking photos of me. Lahat ng nadadaanan namin kanina sa loob napapatigil pa talaga. Iniiwasan ko talaga ito, I pity those actors, sigurado ako natetense sila knowing that I am here” landi ng binata. Nakarinig sila ng kalabog sa pintuan, bigla ito bumukas, may sumilip na babae at biglang kinunan ng litrato si Enan. “Hoy ano ba?!” sigaw ni Jelly na napasugod sa pinto para isara ito. May sumingit pa na isa at muling kinunan ng litrato si Enan kaya pilit na sinara ni Jelly yung pinto sabay nilock ito. “See, told ya, ikaw naman baka magtanim ng galit mga tagahanga ko” sabi ni Enan. “Tumigil ka nga” sabi ni Jelly sabay naupo sa tabi ni Arlene. “Ikaw mismo ang witness, you are so lucky to have witnessed my handsomeness at work. The moment I stepped foot in front of the studio, people were mesmerized, male and female species alike. Di mo ba narinig kanina oooh si Enan bigkas nila. Di sapat sa kanila masilayan ako, kinailangan pa talaga nila ako kunan ng litrato” drama ni Enan. Tawang tawa si Arlene habang si Jelly bungisngis pagkat nakita niya sumilip si Cristine mula sa loob ng kubeta. “You cant deny it, as we traversered the this hallway, they saw me, they froze and then took photos again. Kahit na nandito na ako sa loob binuksan pa nila yung pintuan para lang masilip ang artishahing si Enan” hirit ng binata. “Hoy, kaya sila tumigil kasi nangilabot sila. Kumuha sila ng photos kasi mamaya ipopost nila sa i********: para ipakita ang isang supernatural scary occurrence” banat ni Jelly sabay tumawa mag isa. “Oh so you are talking about my companion a while ago right? Oh ikaw yon e” sabat ni Enan. Napahiyaw sa tawa si Arlene, nakita niya si Cristine sa loob ng kubeta nagtakip ng bibig. “Hello! Taga dito ako, kilala na nila ako, ikaw yung bago dito kaya ang dami mong tinakot!” bawi ng bading. “Ang sakit mo makasalita…Jelly wag..Jelly wag…uy Jelly wag” bigkas ni Enan sabay dumikit sa pinto. “Hoy siraulo tumigil ka may makarinig sa iyo!” sigaw ng bading. “Jelly…please don’t! Maawa ka, please waaaag…Jelly waaaag” bigkas ng binata sabay humarap sa pintuan at yumakap. Narinig niya yung isang bungisngis mula sa kubeta, pagtingin niya nagulat siya pagkat nandon yung magandang artista. Tumayo ng tuwid si Enen, dahan dahan tumalikod sabay naglakad papunta sa pader at doon humarap. Lumabas ng kubeta si Cristine at nakita yung boquet of flowers sa harapan ng make up counter niya. “Dala niya” sabi ni Arlene pero naupo bigla si Cristine at tinignan ang sarili niya sa salamin. “Enan dito ka o upo ka” sabi ni Arlene, napatingin ang binata at nakita ang espasya sa sofa. “Nahiya ka pa, kanina ang kapal ng mukha mo feeling artist ka, dito ka upo” sabi ni Jelly. Nakarinig sila ng kalabog ulit sa pintuan, “Will you go check” sabi ni Cristine. “Wala yan, mga tao lang na gustong kunan ng litrato tong si Enan” sabi ni Jelly. “You know what, Enan dito ka, Cristine take the boquet tapos magtabi kayo dito. Then we open the door, kunwari lalabas si Jelly” sabi ni Arlene. “Tapos di na siya babalik” bulong ni Enan. Muntik nang matawa si Cristine, si Jelly agad tumayo at nilapitan ang binata. “Anong hindi na babalik?” tanong niya. “Ano gusto mo yayao?” bulong ni Enan kaya lalong nagwala yung bading. “Sige na dalhin mo siya dito, Cristine sige na, get the boquet, Jelly goes out kunwari, bubukas yung pinto then we let them take a photo of you two” sabi ni Arlene. Humarap sa salamin si Cristine, si Arlene tumayo na at nilapitan siya. “Sige na, saglit lang yon, bubuksan niya yung pinto, let them take a photo or two then isasara na niya ulit” sabi ni Arlene. “Aaaay” bigkas ni Enan kaya nagtakip ng bibig si Cristine at tinignan yung boquet. Kinuha ng dalaga yung boquet sabay naunang naupo sa sofa. “Hoy damuho tabihan mo siya” sabi ni Jelly. Nanginig si Enan at hiyang hiya kaya sa dulo ng sofa siya naupo pagkat nakita niya napailing si Cristine nung nakalapit siya. “Dumikit ka konti” sabi ni Arlene. “Dito na” sabi ng binata. “Pano naman magiging kapanipaniwala kung ang layo niyo?” tanong ni Jelly. Umurong si Enan, “Konti pa” sabi ni Arlene, “Ah..tiisin mo nalang, saglit lang naman ito” bulong ni Enan kaya dumikit siya. “Magtitigan naman kayo kahit saglit lang” sabi ni Jelly. “Ah tignan nalang niya yung flowers, o kaya amuyin kunwari tapos mag fake smile” sabi ni Enan. “That can work” sabi ni Arlene. “At ikaw ano gagawin mo?” tanong ni Jelly. “Makikiamoy?” tanong ni Enan. “Malalanta yung flowers” banat ni Jelly. “E ano gusto mo tatambling ako dito?” tanong ni Enan at biglang nagbungisngis si Cristine. “Antipatiko ka talaga, kukunan kayo ng litrato” sabi ni Jelly. “Pano kami kukunan e nakaharang ka, so ano gusto mo pwet mo makunan tapos isang butt cheek pangalan Cristine tapos yung isa Enan?” tanong ng binata. Tumindi bungisngis ni Cristine, napatingin sa kanya si Enan, nagmadali si Arlene na tinulak palayo si Jelly sabay binuksan niya yung pintuan. Napamura si Jelly pagkat napaluhod siya sa paanan ni Enan. “Uy okay ka lang?” tanong ng binata sabay inabot kamay niya. Aabutin naman ni Jelly yung kamay ng binata para makatayo na siya, biglang inatras ni Enan kamay niya kaya kamay ni Jelly naglanding sa kanyang hita. Sumandal si Enan, “Jelly pare ilugar mo naman wag dito” sabi niya. Nagtitigan sila ni Jelly, napatingin yung bading sa kamay niya, “O wag ka naman na pipisil pre” bulong ni Enan. Napahiyaw sa tawa si Cristine, nayakap niya yung boquet at askidenteng napasandal sa binata. Si Enan naman nahawa sa tawa ng dalaga kaya natawa narin, napangiti si Arlene pagkat walang tigil yung pagkuha ng litrato sa dalawa dalawa, pati siya pasimple kumuha ng litrato. Nung nakatayo si Jelly sinara na ni Arlene yung pinto. “Okay good job” sabi niya kaya nahimasmasan si Cristine pagkat lumayo na ang binata sa kanya. “So okay na ba? Do you still need me here?” tanong ni Enan. “Stay for a while, in thirty minutes may set si Cristine so doon ka nalang umalis” sabi ni Arlene. “Oh so kailangan ko lumabas kasi kailangan niya magbihis pa” sabi ng binata. “No, yan na isusuot niya, mamaya papasok na yung make up artists para ayusan siya” sabi ni Jelly. “So Enan how much did you spend for the flowers? Reimburse nalang kita pati sa pamasahe mo” sabi ni Arlene. “Wag na, charge to experience na yon” sabi ng binata. “What do you mean?” tanong ni Arlene. “Yung sinabi ko sa iyo kanina diba? Basta yon na yon” sabi ng binata. “Are you sure?” tanong ni Arlene. “Of course, para makatotohanan din ano” sabi ni Enan. “O sige then pero mamaya ipapahatid nalang kita” sabi ni Arlene. “Wag na, let us keep it real. They saw me come here alone then they should see me too leaving alone. Nakita nila ako nagcommute lang papunta dito so dapat nila ako makita nagcocommute din pauwi” “Baka mamaya e sabihin nila taking advantage ako. Nakita niyo naman reaksyon nila last time nung hinatid niyo ako sa school diba? Kaya okay lang ano I can manage naman” sabi ng binata. “Pero…kakapalan ko mukha ko na talaga..” bulong niya kaya napatingin lahat sa kanya. “You see my friends…and my mom..and my tsismosang friendly neighbor…autograph” sabi niya sabay niyuko ang ulo. Napatingin sina Arlene at Jelly kay Cristine, “Sure” bulong niya. “Do we still have photos of her? Yung may pirma na” sabi ni Arlene. “Alam ko meron sa kotse, teka kunin ko” sabi ng bading. Mala slow motion napatingin si Enan kay Cristine, “Salamat” bulong niya. Ang dalaga inamoy lang yung mga bulaklak, “Salamat din” sagot niya. Nakabalik si Jelly, inabot niya yung isang plastic ng mga pirmadong larawan ni Cristine sa binata. “Maganda ba sulat mo?” tanong niya bigla. “Oo bakit?” tanong ni Jelly. Tumayo si Enan, “Favor naman o, pakilagyan naman ng dedication mga yan” sabi ng binata. “Ako? Siya nalang para handwriting niya” sabi ni Jelly. “Nakakahiya at may trabaho pa siya. Ikaw nalang, at least may pirma naman na e. Sige naman na o” makaawa ng binata. “Cristine o” sumbong ni Jelly pero tumungo lang yung artista. “Nice, okay una siyempre para sa mama ko, so To Tita Rosa, naks may tumatawag nang tita sa nanay ko. Malamang mahihimatay yon mamaya” landi ng binata kaya naaliw sina Arlene at Cristine sa kanya. “Tapos..ay s**t nakalimutan ko pangalan ng kapitbahay ko. Ah to my Enan’s tsismosa and daldalerang mega voice neighbor” biro ng binata at natawa tuloy si Jelly. “Seryoso ka?” tanong ng bading, “Wag na mag dedication diyan, baka mamaya ipaframe pa niya yan tapos ipaskil sa bubong nila. Next, to Enan’s friend Gregory parenthesis L-L-A” sabi ni Enan. “Gregory..Gregorylla?” tanong ni Jelly sabay natawa siya. Natawa si Cristine pero tinakpan niya ang kanyang bibig, “Tapos to Enan’s bestfriend Shan, tapos to Enan’s bestfriend’s girlfriend Clarisse, o kahit to Shan, tapos to Clarisse nalang. Then Tommy tapos Jason, yun lang tapos yung iba di ko na alam names nila kaya to whom it may concern nalang” sabi ni Enan. “Phone” sabi ni Cristine, “Uy ikaw daw” sabi ni Jelly. Nilabas ni Enan phone niya, kinuha ni Cristine yung mga napirmahan na ni Jelly tapos kunwari siya yung nagpipirma. “Oh right, kunan ko photo para makatotohanan” sabi ni Enan. “Video” bulong ni Cristine, “Tapos layo ka kunwari naman para di obvious na wala siya sinusulat” sabi ni Jelly. “Nice, huh tama kasi baka magduda sila na binili ko lang photos niya at ako mismo pumirma” sabi ni Enan. “Ay bakit maganda ba sulat mo?” tanong ni Jelly. “Gwapo” bulong ni Enan. “Kapal mo” sabi ng bading. “Sisirain mo tong video e, dapat siya lang kinukunan, naririnig boses mo nasisira na value nito” sabi ni Enan. May kumatok sa pintuan, “Make up artists na yan, hatid ka ni Jelly sa labas” sabi ni Arlene. “Okay, ah..miss..Cristine sige po alis na po ako. Tawagan niyo nalang po ako miss Arlene pag may kailangan kayo” paalam ng binata. Pagkaalis nila ni Jelly napatingin si Arlene sa alaga niya, “You could have said goodbye too naman. Tignan mo siya na nag eeffort para tulungan ka e” sabi ni Arlene. Di kumibo ang artista pero inamoy niya ulit yung mga bulaklak.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม