Sunday after lunch nagulat si Enan nang bumisita ang mga barkada niya sa kanilang bahay. Binuksan ni Robert yung gate at sinabulong sila. “Hi tito, nandyan ba si Enan?” pacute ni Clarisse. “I am sorry I don’t see you on the list, nagpa appointment ba kayo?” tanong ng matanda.
“Hala si tito gumaganon na o” biro ni Shan kaya nagtawanan sila. “He told me to say that, pasok kayo nandon siya sa loob” sabi ni Robert. Pumasok yung lima, nakita nila si Enan sa sofa na nakadekwatro. “O isang yakap at isang kiss lang sa pisngi ha, dito sa left at mabigat pa yung right side ko kasi kanina nag fans day ako sa park” banat ng binata kaya natawa ang kanyang mga kaibigan.
“Uy Enan, sorry na last time” sabi ni Clarisse. “Oh let me guess, nakita niyo nanaman yung bagong photo na kumakalat online?” tanong ni Enan. “Yeah, uy sorry na kasi. We really did not mean to hurt your feelings” sabi ng dalaga. “Sit, I have something for you all” sabi ni Enan sabay pinalakpak niya kamay niya, inulit niya ito sabay napalingon.
“Ma! Nasan ka? Pumalakpak na ako diba?” biro niya kaya lumapit si Rosa at piningot ang tenga ng kanyang anak. “Ano yon anak?” tanong niya. “Aray, aray mother this is so embarrassing. My fans are here” sabi ni Enan. “Anong palakpak? Ano ka sernyorito?” tanong ni Rosa. “Artista lang naman, joke lang naman ma e. Buti pa si daddy marunong mag ride on” tampo ng binata.
Tumayo ang binata at kinuha backpack niya, “Di ko ata ibibigay yung sa iyo mommy” sabi ni Enan. “Bakit ano ba yan?” tanong ni Rosa. “Maupo kayo lahat, so nakita niyo na yung bagong kumakalat sa internet na photos…now let me show you my phone. Hala sige ipasa pasa niyo at panoorin niyo yung video” pasikat ng binata.
“Sayang pare sana maganda phone mo, malabo konti yung video” sabi ni Greg. “Di ko din ibibigay yung sa iyo” sabi ni Enan. “What is she doing here?” tanong ni Clarisse. Nilabas ni Enan yung mga photos, “Ahem, well I asked my girlfriend…I repeat celebrity girlfriend to autograph some photos of her lang naman”
“Just like this one, To Tita Rosa…pero piningot ako ni mama kaya pupunitin ko to” landi ni Enan. Nagliwanag mukha ng mommy niya, bigla ito tumayo at inakbayan anak niya. “She called me tita Rosa? Is that for me?” tanong niya. “Sige na nga, di naman magkakaroong ng artistahin pag wala ka e, yes ma she calls you tita and this is for you” sabi ni Enan.
Sobrang natuwa si Rosa, “Robert! Tignan mo ito o! Robert pumasok ka dito! Tawag niya sa akin tita na o” sigaw ni Rosa kaya bungisngisan ang mga kaibigan ni Enan. “Pare, idol, how about us?” bulong ni Greg. “Here” sabi ni Enan sabay inabot yung sa kanya.
“Wahahaha may LLA!” kantyaw ni Tommy. “E ano ngayon? Ako lang naman yung Gregorylla e, oh s**t pare this is the best” sigaw ni Greg. Inabot narin ni Enan yung para ibang kaibigan niya, si Greg tawa ng tawa at pinagtuturo sina Jason at Tommy. “Huh, at least sa akin alam ko para sa akin talaga. Ako lang ang Gregorylla. E kayo baka napulot niyo lang yan tapos nagkataon na kapareho niyo lang na pangalan” banat niya.
“Uy Enan, lalo ako naguilty tuloy” sabi ni Clarisse. “Wala yon, teka lang kunin ko lang photos ko tapos pipirmahan ko para may copy din kayo” biro ni Enan. “Wag na pare, okay na to” sabi ni Greg kaya tawanan sila lahat.
“So pare nagsama pala kayo?” tanong ni Shan. “I gave her a surprise visit, labag sa kalooban ko pare kasi nasa studio siya. Alam niyo naman na umiiwas ako sa lugar na ganon kasi gusto ko talaga low profile lang ako e” sagot ni Enan.
“Whoa, as in nagpunta ka sa studio?” tanong ni Greg. “The photo you see circulating online was taken inside her dressing room. Pati yung video na pinakita ko, sa dressing room din niya” sabi ni Enan. “E di madami kang nakitang artista?” tanong ni Tommy.
“Nagtago sila lahat. My friends pagdating ko palang sa harapan ng studio, it was as expected. Lahat ng tao doon nanigas, lahat nakatingin sa akin. Ayaw ko talaga magpunta don pero I had to visit my girlfriend. Damang dama ko talaga yung pagka handsomeness ko”
“Lahat sila naglabasan ng phones at pinagkukunan ako ng picture. Tapos sa loob, habang naglalakad ako sa hallway dinig na dinig ko yung mga artista nagtakbuhan palayo, lahat sila na conscious sa aking presence. Na insecure sila lahat kaya nagkulong sila”
“Yung iba na di aware e napapatigil, natutulala sa aking handsomeness tapos as usual they just cant get enough photos of me. Ito yung ayaw ko talaga, yung maestablish yung aking pagiging artistahin. But what can I do? I had to visit her, in exchange, gosh, I had to compose myself kasi they just cant get enough of me” kwento ni Enan.
Laugh trip sila lahat, si Enan naupo at nakwento sa mga kaibigan niya ang kanyang pagbisita sa dressing room ni Cristine. Sumapit ang alas kwatro, nakarinig sila ng sigaw mula sa labas, “Rosa isindi mo TV niyo, ipapalabas nanaman anak mo” sigaw ng kapitbahay kaya nagtawanan sila lahat sa loob.
Tumakbo si Enan sa bintana, “Hi neighbor, wait lang” sabi niya sabay kumuha ng isang larawan ni Cristine. “Diyos ko! Para sa akin ito? Oh my God! Autograph galing kay Cristine?” hiyaw ng kapitbahay nila kaya halakhakan nanaman ang mga kaibigan ni Enan pagbalik niya sa loob ng bahay.
“Eto meryenda o” sabi ni Robert. “Nasan si Mama?” tanong ni Enan. “Nandon, hindi pa naka recover at naghahanap ng picture frame para sa binigay mo” sabi ng ama niya. “So daddy sorry ha wala ka, pero picture ko nalang” sabi ni Enan. “Wag na anak, kunan mo nalang ako sa susunod para ilagay ko din sa opisina ko” biro ni Robert.
“Aray” landi ni Enan. “Anak yung magkasama kayo” sabi ng ama niya kaya napangiti ang binata. “Sure daddy, it shall be done, pero temporary ayaw mo picture ko?” hirit ni Enan. “I can wait anak” sagot ni Robert kaya laugh trip ang mga kaibigan ng binata.
Biglang sumulpot si Rosa at tinuro yung TV, “Ayan na o quiet na kayong lahat” sigaw niya. “Oh my God, Enan panay photo mo pinapakita” sabi ni Clarisse, “Wow men, parang documented talaga pagbisita mo don at wow you brought flowers” sabi ni Shan. Napaaray ang binata, “Quiet nakikinig ako” sabi ni Rosa sabay pingot sa tenga ng bestfriend ng anak niya.
“Alam ko sapat na yung dalhin ko sa sarili ko sa kanya, I just needed to give her a distraction para naman di ako lagi focus ng mga mata niya” landi ni Enan kaya napingot din tenga niya. Lahat nanood nalang at sa screen panay litrato parin ni Enan ang pinapakita.
“Our researchers found out more about this guy, he comes from a simple family. He is only eighteen and in his third year in college taking up business and finance” sabi ng host. “At nag commute lang siya ha, don’t get me wrong pero napahanga ako actually, its just like him saying this is me” sabi nung isang host.
“Right, pero let me be honest, I am one of those that were doubting this relationship. You can say I was against it but after seeing this photo…” sabi nung host at pinakita yung larawan nilang magkatabi at tumawa. “You cannot fake happiness” sabi ng host.
“When I saw that photo sa Internet the other day nagulat din ako, sabi ko sa sarili ko is that really Cristine?” dagdag ng isang host. “Exactly, when was the last time you saw Cristine laughing or even smiling? She always looks serious, sorry Cristine I have to say this, she does smile for the camera pero you can feel na pilit lang”
“Pero dito sa photo na ito, you cannot fake that. She looks happy, di napepeke ang ganyang ngiti o tawa. I am sorry, aaminin ko talaga duda ako noon at isa ako sa mga may ayaw sa relasyon na ito pero after seeing this, I do support them. I know that smile, I felt that smile, kahit anong gawin niyo hindi niyo mapapalabas ang ganyang ngiti kung di talaga kayo masaya” sabi nung host.
“I too would like to apologize, I tweeted something against their relationship. I will not take it down but starting from now I totally support their happiness. Everyone deserves to be happy. Actually nainggit nga ako, seeing Cristine smiling like that, sino naman hindi maiinggit? I cant remember even the last time I was happy like that” sabi nung isang host.
“Let me just add ha, I was here are the studio last Friday afternoon at nakita ko talaga si Enan. After my meeting nakasalubong ko si Cristine naman late that evening at nagulat ako kasi she was smiling and still hugging the boquet e. She even smiled at me, she rarely does that, as you all know isa ako sa mga laging may masakit na paninira sa kanya”
“Dati tataasan ako ng kilay niyan pero at that moment, when I was about to brace myself for her usual taray stare…nagulat talaga ako nginitian niya ako” dagdag ng pangatlong host.
Sa condo halos nagtatalon na sa tuwa sina Arlene at Jelly. “Cristine! Sana napanood mo!” sigaw ni Arlene. Di nila alam nakasilip si Cristine pero agad nagtago na at sinara ang pinto ng kanyang kwarto. Kumatok si Jelly, si Cristine nagkunwaring bagong gising nang buksan niya pintuan niya.
“What?” tanong ng dalaga. “They are saying good things now about you” sabi ni Jelly. “So it just means it worked, o now what?” tanong ni Cristine. “You should be happy, eto tignan mo sa Twitter lahat umaagree sa sinabi nila. Look trending ka nanaman o pero majority e positive reactions” sabi ni Arlene.
“Kaya nga so what is next?” tanong ni Cristine. “Sa aking palagay kailangan ata dapat lagi kayo nakikita ni Enan. Girl kung ano man acting ginawa mo nung Friday e ulitin mo” sabi ni Jelly. “I agree, naniniwala na sila at base sa mga sinabi ng hosts positive lahat”
“They think you are really changing” sabi ni Arlene. “May silbi din pala si pangit ano?” sabi ni Jelly. “Don’t call him that” biglang sabi ni Cristine at nagulat yung dalawa. “He asked me to be nice, so dapat pati kayo. If he is abiding by the contract you two should respect his wishes of being nice to him” dagdag ng artista.
“Sorry naman, wala naman siya e” bulong ni Jelly. “Porke wala siya okay lang? E kung masanay ka calling him that always pag wala siya? What if nasa ibang lugar tayo tapos may makarinig sa iyo? Hindi ba magtataka sila bakit yung assistant ko tawag sa kanya pangit kahit nandon ako? Sisirain mo yung plano e” sermon ni Cristine.
“She is right, ingatan mo nalang bunganga mo” sabi ni Arlene. “E siya din naman kasi e” sabi ni Jelly. “Don’t you notice he does not start it. Sumasagot lang siya whenever you start the name calling” depensa ni Cristine. “Aba kumakampi ka sa kanya?” tanong ni Jelly.
“You know me, if you want me to act well I have to really get into the role” sabi ni Cristine. “So pag tinatawag ko siyang pangit nahuhurt ka ba?” landi ni Jelly. “What do you think?” sabay ni Cristine sabay nagtaas ng dalawang kilay. “Okay fine, e di be nice to him” kabig ni Jelly.
“So we have to get his schedule, tawagan natin” sabi ni Arlene. Sa bahay nina Enan nagkakatuwaan silang lahat. “Uy uy, you cant fake happiness daw. Naks Enan, you make her happy” landi ni Clarisse.
“Aside from handsomeness I too have awesomeness. Alam niyo na yon, di ako simpleng artista ano? I am a well rounded artist in and out” sagot ni Enan sabay naramdaman niya nag vibrate ang phone niya. “Excuse me, I have to take this call” paalam niya.
Lumayo si Enan, “Hello” sagot niya. “Its me Arlene, I am with Jelly and Cristine” sabi ng nasa kabilang linya. “I watched the show, it seems the plan worked” sabi ng binata. “Kaya nga e, uy maraming salamat talaga ha. Yung pagpunta mo dito ng mag isa really helped. Lalo naging solid yung kwento” sabi ni Arlene.
“Wala yon, I have to play my role too naman so nilagay ko din sarili ko sa role ko. Alam mo na ganito talaga ang artistahin…ay shet nandyan pala siya” sabi ng binata kaya agad siya nanahimik.
“So if its okay with you ganon lagi, kaya we need your schedule para maplano natin pag visit mo” sabi ni Arlene. “No no no, wag ganon, to naman o. Kayo magbigay ng schedule niya, if we want to make this real mas maganda yung may element of surprise diba?”
“Yung tipong bigla ako susulpot, para naman kunwari magugulat siya kaya lang baka magback fire ito e. Kasi pag bigla ako sumulpot baka naman ma heart attack siya sa takot pag makita ako kaya sanayin nalang niya at galingan pag acting pag nakikita ako. Tell her to practice na imbes na matakot e transform niya yung takot sa tuwa”
“Imposible pero magaling naman siyang artista e, kita ko naman sa photo na kumakalat ang galing ng acting niya na masaya” sabi ni Enan. Napaatras si Cristine at medyo nakaramdam ng kirot. “Pero di naman lagi kami sa studio, meron times na out of town kami o kaya sa ibang places around the Metro” sabi ni Arlene.
“So? Hey look, na establish na pagkatao ko sa public na simpleng tao. If I were his real boyfriend ganon din naman gagawin ko e. Pupuntahan ko siya at pupuntahan whatever it takes. Pero wag naman abroad ha” sabi ni Enan kaya napangiti si Cristine ng todo at napahanga.
“O sige may email ka ba? Send ko schedule niya sa iyo” sabi ni Arlene. “Is that Cristine? Can we talk to her?” biglang tanong ni Rosa. “Ma naman, privacy please. Ting tong ting ting, patnubay ng magulang ay hindi kailangan sa ngayon, paalala sa mga stage mommas lumayo layo muna konti” sabi ni Enan kaya tawang tawa ang lahat sa condo.
“Kahit konti lang, kahit hi lang naman anak” pilit ni Rosa. “Hi tita” bigkas ni Cristine kaya nagulat si Enan. “O naghi siya” sabi ng binata. “Di ko narinig, parinig nga” sabi ni Rosa. “Ma, layo ka konti at mag sign language nalang ako ng lahat ng sasabihin niya” sabi ni Enan.
“Give her the phone” sabi ni Cristine kaya binigay ni Enan phone niya. “Hello?” bigkas ni Rosa. “Hi tita” sagot ni Cristine at napahiyaw sa tuwa ang matanda. Napasugod ang lahat sa kusina, “Kausap ko si Cristine” pasikat ni Rosa. “Parinig naman tita, uy tita speaker mo naman” udyok ni Clarisse.
“Cristine iha kailan ka naman bibisita dito sa bahay? Gusto ka namin makilala ng tito mo” sabi ni Rosa. “Wow, mother the face it growing thick already” sabi ni Enan kaya tawang tawa si Cristine. “Soon tita, I am kinda busy pa” sagot ni Cristine.
“Aasahan ko yan anak ha” sabi ni Rosa. “Mother! Anak agad? Ano susunod hihingi ka na ng apo? Ma! That is too dangerous, can you imagine your apo will have double artistahin genes already. Hala sasabog ang mundo at dadalaw na talaga ang mga aliens. If the world is not ready for me, the artistahing me, then what more your grandchild that will be double artistahin?” banat ni Enan at natulak siya palayo ni Rosa kaya nagtawanan yung iba.
“Parang madaming tao diyan tita ha” sabi ni Cristine. Umatras sina Arlene at Jelly sa gulat, “Wow in na in naman siya sa pagiging girlfriend” bulong ni Jelly. “Shhh in the zone siya kaya wag ka na eepal” bulong ni Arlene.
“Madami nga e, nandito mga kaibigan ni Enan” sabi ni Rosa. “You can place it on speaker” sabi ni Cristine. Nilapag ni Rosa yung phone, “Hi everyone” sabi ni Cristine sa cute na boses. “Oh my God siya talaga, ang ganda din pala ng boses mo” sigaw ni Clarisse.
“Ah hi miss Cristine, ako si Gregory…Gregorylla, remember yung sinulat mo sa picture” singit ni Greg kaya natawa sobra si Cristine. “Oh hello, Enan told me to write that ha” sagot ng artista. “Okay lang, sa totoo natutuwa nga ako e. Personalized talaga yung kopya ko, napanood ko lahat ng movies mo pati na mga teleserye mo” sabi ni Greg.
“Aha! Buking ka loko ka! Sa laki mong tao ka drama pala ang taste mo ha” sabi ni Enan. “Hi iha, tito here” singit ni Robert kaya halos mamatay na lahat sa tindi ng tawa. “Daddy pati ba naman ikaw? Grabe ka” sabi ni Enan. “Hello po tito” sagot ni Cristine.
“Miss Cristine kailan ka namin makikilala sa personal?” tanong ni Shan. “Cristine lang please” sabi ng artista. “Uy busy siya, kaya wala siya masyadong time” sabi ni Enan. “I will tell Enan kailan ako free, tapos sige labas tayo lahat one time” sabi ni Cristine.
“Guys please tama na she needs to rest, Sunday lang siya nakakpagpahinga. Kaya next time nalang ulit” pakiusap ni Enan. Kinuha ng binata phone niya sabay lumabas sa garden, si Cristine naman napangiti at lumayo na sa lamesa.
“Arlene yung email ko itetext ko nalang at paki sabi sa kanya salamat at napasaya niya parents ko at friends” sabi ng binata. “Sabihin mo ng diretso nandito naman siya e” sabi ni Arlene.
“Nahihiya ako e…miss Cristine thank you” sabi ni Enan. Tumalikod si Cristine, “Welcome” sabi niya. “O sige Enan text me your email ha” sabi ni Arlene. Pagpatay ng tawag humarap si Cristine at tinignan yung dalawa. “O what?” tanong niya.
“Di lang sanay” bulong ni Jelly. “It’s the role, geez” sabi ng artista.