Chapter 13: Friends

3043 คำ
Sa sumunod na Biyernes muling napadalaw si Enan sa dressing room ni Cristine. Hindi niya nadatnan yung artista pagkat meron siyang shooting. Si Arlene naman may meeting at si Jelly kinailangan samahan yung artista sa shoot kaya naiwan mag isa ang binata. Sa sofa si Enan naupo at nagpasya na gawin ang kanilang assignment. Ilang minuto ang lumipas biglang bumukas yung pintuan, pumasok si Cristine at nakita niya yung binata nahihirapan magsulat sa sofa. Si Enan tumigil sa hiya, sinara ang kanyang notebook sabay inantay makaalis ang dalaga. Nilayo ng binata tingin niya sabay tinapik tapik ang ballpen niya sa nerbyos. “Enan” narinig niya bigkas nung artista, mala slow motion paglingon niya kaya natawa konti si Cristine. “Me?” bulong ni Enan, ang dalaga hinaplos yung make up counter kaya tumayo agad si Enan at napalingon sa paligid. “Teka lang hanap ako punas” sabi ng binata. “For what?” tanong ni Cristine. “Ah eh pinapapunas mo ata yan” sabi ng binata. “No, dito ka magsulat” sabi ng dalaga. Nagulat si Enan at lalong nahiya, “Ah eh..dito nalang ako. Okay lang ako dito” sabi niya. “Dito ka” sabi ni Cristine at sa takot niyuko ng binata ulo niya at nagtungo sa counter. “Its okay I will be out anyway” sabi ni Cristine. “Thank you” bulong ni Enan sabay naupo. Umalis si Cristine, si Enan tinuloy ang assignment niya ngunit nadidistract pagkat may mga chocolate sa kanyang harapan. Mga regalo yon kay Cristine mula sa kanyang suitors, biglang natatakam si Enan, talagang di niya matuloy trabaho niya pagkat mga mata niya di niya maalis sa mga chocolate. Muling pumasok sa kwarto si Cristine kasama ngayon si Jelly. Nahuli nila si Enan nakatitig sa mga regalo pero mabilis siyang humarap sa kanyang notebook. Dumiretso sa sofa si Cristine, tumabi sa kanya si Jelly sabay pinagmasdan nila yung binata. “Thirty minutes daw bago maayos yung set” sabi ni Jelly. Biglang tumayo si Cristine, si Enan nanigas sa kanyang upuan pagkat alam niya nakatayo sa tabi niya ang dalaga. Hinaplos ni Cristine yung isang box ng chocolate sabay dahan dahan nilapit sa binata. Napatingala si Enan at tinitigan yung magandang artista, “If you want just eat” sabi ng dalaga. “Hindi, ah nadistract lang kasi ako konti” sabi ng binata. “Eat” sabi ni Cristine tapos biglang tumayo si Jelly. “Rocher…buksan mo na at penge” sabi ng bading. Tumingala si Enan at tinignan si Jelly. “Buksan mo na, kain tayo” lambing ng bading. Nilapit ni Enan yung box sa katawan niya sabay niyakap ito at hinarap ang mukha sa notebook. Nagtakip ng bibig si Cristine, natatawa siya pagkat muling napatingala si Enan sabay inusli konti ang dila niya. Tumaas ang kilay ni Jelly, “Wag ka nang madamot at buksan mo na” sabi niya. Niyuko ni Enan ulo niya, akala nung bading bubuksan na nung binata yung box ng chocolate. Nakarinig siya ng zipper, “Oh” bigkas ni Enan sabay nagtwist konti para ipakita bukas niyang zipper. Tumaas ang dalawang kilay ni Jelly, si Cristine naman tumalikod at tinakpan na talaga ang kanyang bibig. “Bastos ka! Hindi yan! Yung chocolates” sigaw ni Jelly. “Aaaahhh linawin mo kasi” bigkas ni Enan sabay hinarap yung box. “Bastos ka talaga, di kita inaano ha, ikaw nauna today” sabi ni Jelly. Kinuha ni Cristine yung isang box sabay inabot kay Jelly. “Mas gusto ko yon e” sabi ng bading kaya muling humarap si Enan at pinasikat yung nakabukas niyang zipper. “Gago! Hindi yan” sigaw ni Jelly, kinuha niya yung inaabot ni Cristine sabay pinukpok sa noo ng binata. Tumaas kilay ni Cristine kaya agad nagsorry si Jelly kay Enan. Nagring phone ni Cristine, bago niya sagutin yung tawag tinignan niya yung binata. “Sige na eat” sabi niya. Sinagot ng dalaga yung tawag, si Jelly napansin si Enan na nakatitig sa artista ng matagal. “Hoy, bakit mo siya tinititigan?” tanong niya kaya napatingin si Cristine. “Starstruck” bulong ni Enan. “Ilang beses mo na siya nakita tapos ngayon ka lang mastarstruck?” tanong ni Jelly. “E di star stuck” bulong ni Enan kaya bungisngis si Cristine. Binuksan ni Jelly yung box ng chocolates niya, napansin niya naman ngayon nakatitig sa kanya si Enan. “O bakit naman ako tinititigan mo?” tanong ng bading. Napatingin si Cristine, nakita niya si Enan titig talaga sa assistant niya sabay dahan dahan napalunok. “Shock” bulong ni Enan. Ang bilis tumayo kilay ni Jelly pero di siya nakasigaw sa galit pagkat naunahan siya ng malakas na tawa ni Cristine. Humarap si Enan sa box ng chocolates niya sabay dahan dahan ito binuksan. Biglang lumapit si Jelly, talagang natatakam siya sa chocolates na binigay ni Cristine sa binata. Napatigil si Enan, mala slow motion siya talaga lumingon, tinignan niya si Jelly sabay dahan dahan binuka bibig niya sabay nagbulong. “Shock” bigkas niya kaya muling napasigaw sa tawa si Cristine. Si Jelly hindi makaganti pagkat napagsabihan na siya dati na wag aasarin si Enan. “Cristine pagsabihan mo yan” bulong ni Jelly kaya si Cristine tinignan assistant niya. “Sabi ko pagsabihan mo baka mamaya di ako maka…” bigkas ng bading pero nagulat nang dahan dahan napanganga ang dalaga, “Shock” bigkas niya kaya si Enan naman ang biglang natawa sa gulat. Nagkatitigan sila nung artista, napatigil sa hiya ang binata pero nung natawa ang magandang dalaga pati siya nahawa. “Ah ganon, so pinagkakampihan niya ako ha” sabi ni Jelly. Muling nagtitigan yung dalawa, sabay sila napatingin kay Jelly, “Shock” bigkas nila ng sabay kaya laugh trip ulit yung dalawa habang si Jelly napahaplos nalang sa kanyang noo at natatawa narin. Biglang pumasok si Arlene, nadatnan nagtatawanan yung tatlo kaya napangiti siya. “O ano happenings dito?” tanong niya. “Siya siya siya game” bulong ni Jelly kaya napatingin yung tatlo sa kanya. “One…two..three” bulong ni Jelly pero sina Enan at Cristine sa kanya napatingin, “Shock” bigkas nila ng sabay kaya umariba sa tawa si Arlene. “Bastos kayong dalawa, sabi ko siya diba? Diba?” sigaw ng bading. Habang tumatawa nagtitigan sina Cristine at Enan at bigla sila nag appear. Si Arlene at Jelly napatigil talaga sa gulat, nagtitigan sila kaya ang bading kibit balikat. Lumapit si Arlene sa assistant ni Cristine, “Friends na sila?” bulong niya. “Ewan ko e, di naman kanina” sagot ni Jelly. “Nice handwriting” sabi ni Cristine, “Di naman” sabi ni Enan. “I miss college…do you mind?” tanong ni Cristine at nagulat ang binata nang kinuha ng dalaga ballpen niya at notebook. “You are just transferring notes from this paper to your notebook right?” tanong ng dalaga. “Ah yes, kasi essay siya so sinagot ko muna sa papel. Old school teacher namin kasi, he collects our notebooks” sabi ng binata. “Transfer ko ha” sabi ni Cristine, tulala si Enan, si Arlene naman hinila paatras si Jelly para bigyan ng privacy yung dalawa. “Ah uy nakakahiya naman, ako nalang” sabi ni Enan. “Nasimulan na” sabi ni Cristine kaya natakot ang binata at umatras konti. Naririnig yung bulungan nina Arlene at Jelly kaya yung dalawa sabay napalingon para tignan sila. Sabay nila tinignan si Jelly, “Shock” bulong nila ng sabay kaya muli sila nagtawanan at nag appear. “Dapat maiinis ako pero totally shocked ako” bulong ni Jelly. “So you mean to say basta nalang sila ganyan?” tanong ni Arlene. “Oo e, kanina as in di sila nagpapansinan, she laughed at him tapos bigla nalang silang mag BFF” bulong ni Jelly. Pinanood ni Enan si Cristine magsulat, “Ah..nagstop ka?” bulong niya. “Yeah” sagot ng dalaga. “I see, maganda hand writing mo, may future ka diyan sa ganyan” biglang biro ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Siguro nung nag aaral ka pa ikaw lagi muse ano?” tanong ng binata. “Hmmm twice” sagot ni Cristine. “So nagstop ka grade two?” biglang banat ni Enan kaya natawa si Cristine. “Catholic school elementay up to highschool, walang ganon doon” sabi ng dalaga. “I see, so second year college ka nagstop” sabi ni Enan at ngumiti lang ang dalaga at tinuloy pagsusulat niya. Pasimple si Arlene na kumuha ng video at photos, si Enan naman nahihiya talaga kaya niyuko nalang niya ang kanyang ulo. “Hey, bakit pag sila ginagawa mo yung skit mo pero pag meron ako hindi?” tanong ni Cristine. “Anong skit?” tanong ni Enan. “Artistahin” bulong ng dalaga kaya natawa ang binata at hinaplos ang kanyang mukha. “Nakakahiya kasi artist aka e” sabi ng binata. “Sige nga sample nga” sabi ng dalaga. “Nahihiya ako sa iyo kasi e” sabi ni Enan. “Sample” sabi ng dalaga. “Okay nadaan mo ako sa takot” bulong ni Enan kaya bigla sila nagtawanan. “Game” sabi ni Cristine kaya si Enan parang nakikiliti sa tindi ng hiya, inayos niya upo niya sabay humarap sa salamin. “Game na kasi” sabi ng dalaga. “Eto na nga o…ahem…I belong” sabi ni Enan sabay nagdekwatro at nagrelax. Agad natawa ang dalaga at inuga ang kanyang ulo. “Buong buhay ko iniiwasan ang araw na ito, I wanted to be grounded pero iba talaga ang tawag ng isang artistahin. You cannot deny it, you cannot avoid it, destiny…me in this chair, inside a dressing room…destiny” sabi ni Enan. Laugh trip si Cristine at lalo pa siya napahiyaw nung inirapan siya bigla ni Enan. “Hoy pantasya king, walang make up artist ang papatol sa iyo” biro ni Jelly. “Make up artist? Not found in my vocabulary. This kind of handsomeness does not need such. Look at me, I have been avoiding mirrors such as this. I didn’t want to admit to myself the handsomeness I possess but now I can clearly see why a lot of girls are drooling” “Isang galaw lang ng kilay ko napapatili ko na sila” banat ni Enan at parang loka loka na si Cristine sa tindi ng tawa niya. Tinignan siya ni Enan, sa hiya napatigil si Cristine pero ginalaw ng binata isang kilay niya kaya natili talaga ang dalaga ng sobrang lakas. “Told ya” landi ni Enan sa sabay nginisian ang sarili sa salamin. “Seryoso? Sige nga dito nga” sabi ni Arlene kaya napalingon ang binata, inaantay nila gumalaw kilay niya pero napanganga lang ito habang nakatitig kay Jelly, “Shock” bigkas niya kaya napahiyaw sa tawa si Cristine, si Arlene natawa narin kaya si Jelly nagsimangot. “Ako nanaman, ako nanaman e!” reklamo niya. Di makapigil sa tawa si Cristine kaya nahampas niya yung braso ng binata. Tinignan siya ni Enan sabay muling ginalaw kilay niya. Grabe yung tili ni Cristine, naabot niya sa mukha ang binata sabay tinulak ito para mapatingin sa malayo. “Sige Cristine burahin yung makapal na mukha niya” kantyaw ni Jelly. “Excuse me, just look at my handsome face. All natural yan, solid rock formation yan na inukitan ng kalikasan ng mukha. Tapos mula sa langit nahipan ako ng holy breath” “Nabigyan ako ng buhay para gampanan ang isang tungkulin sa mundo. Para mabigyan ng katangi tanging pagnanasahan ang mga kakabaehan, simpleng tao nga lang ako pero aanhim ko pa ang labis labis pag ganito na ako kagwapo?” banat ni Enan. “Excuse me! Lahat ng nakakakita sa iyo nasisiraan ng bait dahil sa takot” sabi ni Jelly. “My dear friend, you are misguided and totally confused. Ang taong inaakalang nasisiraan…malamang naantig lang sa aking taglay na kagapwuhan” sagot ni Enan. Napasigaw sa tawa sina Arlene at Cristine, si Jelly nagpigil pero natawa narin talaga. “Grabe ang feeling mo sobra” sabi niya. “Oh trust me, its not just feelings, inborn ata to, umaagos sa mga dugo ang handsomeness. I cannot deny it anymore, look where I am. I was destined to be seated here” “Hindi ako naiinsulto sa iyo Jelly, perhaps your mind is keeping you safe that is why you neglect or refuse to see it. I understand you, ganyan din karamihan ng fans ko, nagpipigil sila, ayaw nila madala ng kanilang mga emosyon. Once kasi nakita mo, once natanggap mo, kakaiba ang kamandag ng aking kagwapuhan” “Trust me once you see it, you can never unsee it. Tatagos sa buto mo ang aking handsomeness. Masisiraan ka talaga ng bait pagkat ako nalang naiisip mo, ako nalang ang pinapanaginipan mo” “Once na matanggap mo ako, mapapalitan sa bokabularyo mo ang term na dream guy, mapapalitan ito agad ng Enan. Actually sa Wikipedia I had to make a request e, dati kasi nilagay na nila doon yung meaning ng dream guy, e akalain niyo name ko nilagay doon. Sabi ko I want to stay humble, I am flattered, even if that is the undeniable truth please take it down” banat ni Enan. “Hahahaha di ko na kaya” sigaw ni Cristine sabay nagpunas ng luha sa mata. Si Arlene din parang loka loka na sa katatawa habang si Jelly tuloy ang paghaplos sa ulo at pag iling pero dahil sa dalawa natatawa narin talaga siya. Biglang bumukas yung pinto ng dressing room, may babae na sumilip at napatigil talaga pagkat napatitig ito kay Enan. “Take a deep breath, its alright, your mind is not fooling you. Control your urges, breath..inhale…exhale” sabi ni Enan. Sa gulat ginawa talaga yon ng dalaga kaya nagtitigan sina Arlene at Jelly. “Yes you were about to say something dear?” lambing ni Enan. “Ah set is ready” sabi ng dalaga. “Thank you, I will be there in five..oh make that ten please” sabi ni Enan. “Okay” sagot ng dalaga. “Babe, halika saglit” lambing ni Enan at nagulat yung tatlo nang lumapit talaga yung dalaga. Tumayo si Enan, inabutan yung dalaga ng isang piraso ng cholocate. “Here, you look tired, maybe this can give you energy. They say sweets can give you an energy boost” lambing ng binata at in total shock talaga yung tatlo nung nagblush yung talaga nang kinuha yung chocolate. Niyuko ng dalaga ulo niya sabay napapatingin sa notebook. “Oh sure” biglang sabi ni Enan na pumunit ng isang piraso sabay pinirmahan ito. Tiniklop ni Enan yung papel sabay inabot sa dalaga. “Thanks” bulong niya. “No, Thank you babe” landi ni Enan sabay ginalaw niya kilay niya kaya natili talaga yung dalaga. Pagtalikod niya bigla ito naumpog sa pintuan, nagmadali ito umalis pero nilingon pa talaga si Enan. “Just like that” pasikat ni Enan kaya umariba sa tawa yung tatlong kasama niya. “Oh my God, ano ba yan? I saw that pero I cant believe it” sabi ni Jelly. “Did that really happen?” tanong ni Cristine. Muling nagbukas yung pintuan, sumilip ulit yung dalaga sabay ngintian si Enan. Ang binata naman kumaway, ang tagal nung babae na sumilip sabay umalis narin at sinara yung pintuan. “Para siyang stunned e, di siya makagalaw” sabi ni Arlene. “Ahem, ang taong di makalingon sa pinanggalingan…malamang natulala sa aking kagwapuhan” sabi ni Enan kaya humiyaw si Cristine at nakurot ang binata sa braso. “Oh what? Nakita niyo naman diba? You cant deny it now, ayaw niyo kasi maniwala e” “Well you forced me so ayan I showed you what I am capable of” landi ni Enan. “How did you that?” tanong ni Cristine. “I don’t know, it just happens. It is in my nature. Tignan niyo nalang ako, itsura ko na sasagot ng mga tanong niyo. Daig pa si Thor huh” banat ni Enan at muli niya napatawa yung tatlo. Limang minuto lumipas kinailangan na umalis nina Cristine at Jelly. “Sama na ako, Enan you stay here muna ha at sabay sabay nalang tayo mag dinner” sabi ni Arlene. “Oh you don’t have to tell me that, sabi ko nga I belong” banat ng binata kaya laugh trip yung tatlo na lumabas ng dressing room. Pagdating sa set di parin maalis nung tatlo sa isipan nila yung nangyari. “Did he give her money?” tanong ni Jelly. “Ano ka ba, nakita mo nga na wala e. Grabe, I cant explain what just happened” sabi ni Arlene. Si Cristine naman napatingin kay Jelly, “Oh I cant explain, katabi mo siya so ikaw dapat may alam ano talaga nangyari” sabi ng bading. “Shock” bigkas ni Cristine sabay tumawa ito ng mag isa. Si Arlene nagtakip ng bibig, si Jelly napakamot at pabulong na nagmura. Sumalang na sa set si Cristine, habang nakapose tinignan niya si Jelly, “Shock” bigkas niya sabay bungisngis. “Is she okay?” tanong nung director kaya natawa nalang si Arlene. “She is okay, di lang maka get over sa isang biro” paliwanag ni Jelly. Inulit ulit ni Cristine yon kaya napipikon na si Jelly talaga sa kanya. “Pagbigyan mo na siya, she is happy, let her be happy for a change” sabi ni Arlene. “Kaya nga e, pero sobra na ha. At bakit lagi ako?” reklamo ni Jelly. “Ewan ko, pero…” binitin ni Arlene kaya tinignan siya nung bading. “Shock” bigkas niya sabay tumawa ng mag isa. “Bwisit, pati ikaw. Pati ba naman ikaw. Walanghiyang Enan yan, hay naku natatakot na ako kung ano nanaman maturo niya sa inyo e” sabi niya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม