“So, how would I address you?” tanong ni Thea kay Vance para putulin ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tumahimik na naman kasi ito nang papunta na sila ng restaurant at kahit noong matapos silang umorder.
“Vance, just Vance.” Tugon naman nito.
Napatango siya. Vance did not speak any further. He suddenly became so distant again.
Huminga siya ng malalim. His silence really leaves her hanging. Hindi niya talaga alam kung ano ang iniisip nito.
Hindi nga rin niya sigurado kung seryoso ba itong nag-iisip o kung may iniisip lang na kalokohan. Sa personalidad nito na malapit na sa borderline ng pagiging genius maaaring nag-iisip nga ito ng mga seryosong bagay. Ngunit subalit datapwat (hehe) alam naman niya na sa ilang mga pagkakataong nagkausap sila kabastusan ang karamihan sa mga sinasabi nito kaya hindi rin siya nakasisiguro kung kalokohan ang tumatakbo sa isip nito kapag nananahimik.
She heaved a sigh and earned the courage to speak again.
“If I’d be staying in your office, can I ask a small favor?”
Napatitig si Vance sa kanya. Saglit itong nag-isip bago tumango.
“Sure. What is it?” He mumbled. His expression is blank.
“Sana hindi na mangyayari ‘yong incident no’ng bago ako pumunta sa isla.” Umpisa niya. Humigit ulit siya ng malalim na paghinga.
Vance gave her a puzzling look.
“I am not comfortable seeing people kissing torridly in flesh.” Lakas-loob niyang hayag.
Vance questioning eyes turned into amusement.
“Are you sure you’re asking me that?” Nakangisi nitong tanong. He removed his eyeglasses and leaned on the table.
Her face reddened when he moved his face closer to hers. His green eyes are still amused.
Napalunok siya.
Shit. Why does he have to be this intimidating?
“Yes or no?” Nakangiti nitong tanong. His voice sounds teasing.
“Yes.” Tugon na lamang niya para panindigan ang naunang pahayag. Hindi naman talaga siya kumportable kung sakaling may mga babaeng pupunta ng opisina nito at bigla na lang maghalikan ang mga ito.
“Bakit kaya mo na bang panindigan kung sakaling ikaw na lang ang babae sa buhay ko?” Seryoso itong tumitig sa kanya.
“Ano?!” Hindi makapaniwala niyang bulalas.
Vance chuckled.
“There’s a danger if you’ll only be the woman these eyes will see. Kakayanin mo ba?” His eyebrows rose.
Bigla siyang natuliro. She knows that he’s only joking but she doesn’t know what to answer.
“What are you saying?” She asked averting her gaze. Natawa ulit ang binata sa reaksyon niya.
“You’re crazy.” She mumbled. Mas lalo itong napatawa.
Tiningnan niya ito ng masama. Pero hinuli lang nito ang mga titig niya. She was caught between averting her gaze or staring at his handsome face. She chose the latter.
“You have beautiful deep-set eyes and curly long eyelashes.” Komento nito. He was smiling as he said it.
“…and sultry lips.” He added winking.
Shit.
“Stop flirting Vance.” Sa wakas ay nasambit niya. Ibinaling niya sa ibang direksyon ang tingin pero hindi niya rin napigilang mapasulyap nang sumagot ito.
“I was only admiring your ravishing look. It’s not flirting.” He said smiling.
She wasn’t able to avert her gaze right away.
“But I will be glad to show you how real flirting is.” Mas lalo pa nitong inilapit ang mukha na sanhi para mapaatras siya ng kaunti. Natawa ito sa naging reaksyon. Umayos ito ng upo at napapangiti habang titig na titig pa rin sa kanya.
“Alam mo mas okay kapag hindi ka nagsasalita. Puro kasi kabastusan ang lumalabas sa bibig mo kapag nagsasalita ka.” Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niya para sabihin ang mga bagay na iyon.
Vance only laughed at her remark. Buti na lang dumating na ang order nila.
Pasulyap-sulyap ito at pangiti-ngiti habang kumakain sila. She tried to ignore his antics.
Umpisa pa lang pero ganito na ang nangyayari. Paano pa kaya kapag sila na lang sa opisina?
How could she ever stand this man?
Pero siguro seryoso naman ito pagdating sa trabaho. Maybe this was just a side of his personality that she wasn’t used to.
-----
Pareho silang tahimik nang pabalik na ng opisina. Vance became silent again.
Pagbalik nila sa loob ng opisina ay may MacBook na sa table niya at may mga usb cords nang nakakabit. May telepono na rin doon.
Vance told her that the MacBook is directly connected to all the cameras around the laboratory so she could monitor all activities inside the lab. Ang telepono ay konektado rin sa intercom sa lab at puwede niyang tawagan ng direkta ang mga tao doon.
Vance also asked her to give a report about her stay at the island. Kasama ng lahat ng suggestions at recommendations niya. Mabuti na lang naumpisahan na niya kanina.
The teasing Vance at the restaurant suddenly disappeared. Naging seryoso ito sa pagbibigay ng direksyon sa mga gagawin niya. She pretty liked it that way.
Pero habang nasa sarili nitong table ang lalaki ay hindi niya mapigilang sulyapan ito. Sa halip na iusog niya ang swivel palikod para hindi siya makita ay mas iniusog pa niya itong paharap para makita ang ginagawa nito.
She’s intrigue about his changing personality. Gahibla nga yata talaga ang pagitan ng pagiging genius at pagiging baliw.
Napailing na lamang siya at itinuloy ang ginagawa.
______
Napapitlag siya nang maramdamang nakatayo na pala ang binata sa harap ng table niya.
“You’re too busy. It’s already seven in the evening.” Saad nito. She momentarily closed her eyes.
Alas singko lang kanina nang tingnan niya ang oras. Nahiya kasi siyang tumayo dahil subsob ito sa ginagawa sa laptop nito kaya itinuloy na lamang niya ang ginagawa kanina. Nahiya rin siyang magtanong kung puwede na siyang umuwi kaya ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa.
Dalawang oras na pala ang nakalilipas. Ganoon kasi siya kapag naka-concentrate sa ginagawa, hindi niya namamalayan ang oras. Lalong-lalo na’t na-cha-challenge siyang gumawa ng recommendations.
“Let’s grab a bite. Hatid na lang kita pagkatapos.” Saad ni Vance.
“Huwag na. Dala ko ‘yong sasakyan ko.” She said turning off the computer.
“Mag-convoy na lang tayo.”
Napatingin siya sa binata. Hinihintay naman siya nitong sumagot. She didn’t have the guts to disagree any further. Kasalanan ng berde nitong mga mata kung hindi siya makatanggi.
They were silent during dinner. Mukhang nagutom rin yata ang binata kagaya niya. Nakahanap na yata siya ng kapareho na hindi nakararamdam ng gutom kapag naka-concentrate sa pagta-trabaho. Ganoon kasi siya, saka lang nakararamdam ng gutom kapag nadi-distract siya sa ginagawa.
“Mag-isa ka lang ba sa condo mo?” tanong nito nang kumakain na sila ng dessert.
“Why are you asking?” She didn’t know why she sounded defensive.
Vance chuckled.
“We’ll I am just making sure na walang magagalit kapag umuwi ka ng late.”
Her forehead creased at what he said.
“You see the night is still young. We can still go somewhere else to celebrate your first day at the office.” Nakangiti nitong dagdag
“Saan naman?” tanong niya nang wala nang masabi.
May dapat bang ipag-celebrate?
“Bar?” Balik-tanong ni Vance.
“Wala na bang iba?”
“Hotel. Gusto mo?” He asked teasing.
Napailing siya. Hindi yata talaga nawawala ang kahalayan nito kapag nakikipag-usap.
“Bar na lang.” Tugon niya sa binata.
“Alright. That’s a deal.” Nakangiti nitong saad.
Shit. Did she just agree to go out with him after their dinner?
She’s doomed. She needs to remind herself to say no next time.
_______
Magkatabi sina Thea at Vance na nakaupo sa stool ng bar counter. Ang binata ay nakaupo paharap sa direksyon niya nang masulyapan niyang nakangiti ito.
Napakunot ang noo niya nang sundan ang tingin ni Vance.
May babaeng nakaupo sa likuran niya at ngiting-ngiti sa binata.
She inhaled deeply to calm herself.
Wala siyang dapat ikainis. It’s not like they are dating.
Mabuti na lang at umalis din ang babae.
They were both silent. Nagsisisi siya kung bakit sumama pa siya sa binata.
How could she enjoy this chillin’ thing? Hindi naman sila nag-uusap.
Napakunot-noo ulit siya nang makitang nakangiti na naman ang lalaking katabi. She only understood why when a girl passed by at kumindat pa sa binata.
Ang landi talaga ng lalaking ‘to.
“Ganyan ka ba talaga?” tanong niya sa binata.
“What do you mean?” He looked at her baffled.
“Are you really going to ogle and smile at every woman in this place?” taas-kilay niyang tanong rito. Seriously, it disgusts her.
“I wasn’t ogling. Heck, I wasn’t even smiling at them.” Nakangisi nitong tugon.
“Seriously?” She asked with a smirk.
He’s not smiling at them? That’s totally funny.
Vance’s face turned serious.
“They are smiling at me. I was just smiling back at them. It’s called courtesy.” Lumapit ito at tumitig ng mataman sa mga mata niya. She felt intimidated but she shakes it off.
“Courtesy? Really?” She muttered chuckling.
Baka flirting. She wanted to add but she stopped herself.
Napailing ang binata bago ibinalik ang tingin sa kanya.
“Yes it is.” Diretso nitong saad. Halata ang pagkapikon sa mukha nito.
“You brought me here and then you keep looking around and smiling. Is that courtesy?” tanong niya rito.
His serious aura turned into amusement.
“Why? Am I not allowed to look at other women inside this place?” He asked with a wide grin. He moved his face closer.
“Kaya mo bang panindigan kung sakaling sa ‘yo lang ako tititig?” Ngiting-ngiti nitong dagdag.
Shit.
Bigla siyang nakaramdam ng pagkaasiwa sa paglapit nito.
She averted her gaze and immediately drank the wine in her glass.
She heard his soft chuckles. Pakiramdam niya ay mas lalo pa itong lumapit sa kanya.