6: GET IN!

1986 คำ
“Kaya mo bang panindigan kung sakaling sa ‘yo lang ako tititig?” Vance uttered smiling widely. Itinungga ni Thea ang natitirang laman ng baso niya bago hinarap ang binata. “I can, if and only if, you can also answer my question.” Sinalubong niya ang mga titig ng binata. Vance smiled knowingly. Uminom ito mula sa hawak na kopita bago tumitig sa kanya ng matiim. She could see his piercing green eyes behind his wide eyeglasses. “Sure,” He muttered wryly. The bartender gave him another shot. She inhaled deeply before speaking. “Kung pinandigan mo lahat ng babaeng naikama mo, ilan na lahat ang asawa mo?” Halos maibuga nito ang iniinom na alak nang marinig ang tanong niya. Naubo pa ito ng kaunti bago tumingin sa kanya ng hindi makapaniwala. He opened his mouth to speak but no words came out. Itinikom ulit nito ang bibig saka humarap sa bartender at humingi ng isa pang shot. Her insides are laughing but she tried to mask her face with a blank expression. Lalo na nang tumingin ulit ito sa kanya. Hindi nagsalita si Vance. She felt like he wanted to say something but decided to close his mouth. Hindi ba talaga nito mabilang kung nakailang babae na? O baka nahiya sa figures? How awful? “I was fifteen when I had my first. How could I possibly memorize the figures?” He muttered loud enough to hear. She saw him shaking his head before taking another shot. Napatawa siya ng mahina. Sineryoso talaga nito ang tanong niya. “You could even memorize the atomic numbers of elements and different chemical formulae. How did you lost count of the women you bedded?” diretso niyang tanong rito. Vance stared at her. “There are things that you don’t count.” Depensa nito. “Talaga?” Natatawa niyang sambit. The genius Vance can not even answer her question coherently. Katulad lang din pala ito ng ibang kalalakihan na mga babae ang kahinaan. “Why don’t you just say ‘you can’t’ instead of asking that?” Inis nitong sambit. Mas lalo siyang napatawa. “In fairness to me, hindi ko talaga alam na hindi mo na mabilang ang mga babaeng naikama mo.” Natatawa niyang depensa. Vance pursed his lips. Mukhang nainis na talaga ito. “I know that you are aware of those women. You saw me twice.” Gigil nitong sambit bago itinungga ang laman ng baso nito. Bigla siyang pinamulahan. So, Vance was completely aware of the first time she saw him having s*x? Kaya pala sinabi nito na sa pangatlong beses na makita niya ulit ito ay isasali na… Ugh! That convo again… She shook her head to brush the thought off and drew a deep breath. “So, seryoso hindi mo talaga mabilang? Kawawa naman ang mga babaeng ‘yon.” Natatawa niyang sambit para mailihis ang iniisip. “They’re not pathetic. They actually enjoyed being with me.” Tugon nito. “Umuulit naman ba? Baka naman hanggang one-night stand ka lang?” natatawa niyang saad. “Stop pissing me off.” He muttered with a grimace. She actually thought that statement would backfire on her. Pero mas naghari yata ang inis nito kaya hindi na ito nakasagot ng maayos. Gusto niyang mapahalakhak pero pinigilan niya ang sarili. Sa wakas, nakabawi na siya sa lahat ng mga pang-iinis nito. “Vance, baby. It’s been a long time.” Napalis ang ngiti niya at napatingin sa babaeng palapit sa kinauupuan ng binata. She looks gorgeous and classy. “Hi Gwenn!” Vance greeted back with a smile. Sumulyap pa ito sa kanya na parang nang-aasar. Seriously? Gustong-gusto yata talaga nito kapag pinagpipiyestahan ng mga babae. Sobrang conceited. Agad siyang tumayo at hinarang ang babae. “He has a date.” Taas-kilay niyang saad sa babae bago pa man ito tuluyang makalapit sa binata. Inirapan niya ang binata. Natigilan pa yata ito sa ginawa niya. “I’m the reason why it’s been a long time.” She said smirking at the woman. “She’s your date?” Tumingin ang babae kay Vance. Ngumiti ang binata ng alanganin bago ito tumingin sa kanya. She smirked at him. She smiled inwardly. Napanood na niya ang ganitong eksena sa mga trope movies. Ang sarap palang gayahin. “Thea,” Vance muttered. “His date s***h girlfriend.” Pagpapakilala niya sa sarili. She even extended her hand for a handshake. Tumango lang ang babae bago umalis ng walang lingon-likod. Napailing ang binata nang makaalis ang babae. “You’re very possessive.” Nakangisi nitong sambit. Nginisihan lang niya ito. “Huwag gano’n sweetheart, share your blessings.” Natatawa nitong sambit. She can’t help but roll her eyes. Kung boyfriend lang talaga niya ito baka nabato na niya ng stiletto. Walang share-share pagdating sa lalaki! Haha! Bumalik siya sa pagkakaupo at itinuloy ang pag-inom. “I didn’t know you have that side.” Natatawa nitong saad matapos ang ilang sandali. “I didn’t know you have that side, too.” Sambit din niya. “Crazy!” naiiling na bulalas ni Vance. Napailing na lang din siya. “Vance, uwi na ako.” Paalam niya matapos ang ilang minuto. Ayaw na rin kasi niyang dagdagan ang ininom niya baka hindi na siya makapag-drive ng maayos. “Huwag muna. Hindi pa kita naisasayaw.” Natatawa nitong tugon. Her forehead creased. “I’m still earning the courage to ask you to dance with me. Tapos uuwi ka na?” Natatawa nitong dagdag. Is this man for real? Vance chuckled at her reaction. “Malandi ka talaga ‘no?” naiiling niyang saad. Tumawa naman ito. “Ano? Sayaw tayo?” Kaswal nitong tanong nang makahuma. “Seryoso?” Kunot-noo niyang balik-tanong. “Yes. I’ve been contemplating about it the moment I sat here.” Seryoso nitong saad. Tumingin pa ito sa dancefloor. Saktong mellow music ang tugtog ng banda. “Are you hitting on me?” Pinaningkitan niya ito ng mata. Vance smiled seductively. “Why? Were you hit?” “f**k!” She can’t help but curse. “Sure! I’d love that.” Agad nitong sambit pagkarinig sa sinabi niya. “Ano?!” Kulang na lang ay mapatayo siya mula sa kinauupuan. Sobrang landi lang talaga ng lalaking kaharap. “Madali lang akong kausap.” Nakangisi nitong saad. “Are you seriously asking me that?” She asked mimicking his reaction the last time. “The word came from you.” He muttered grinning. “It’s an expression of disgust and more than that.” Wala sa loob niyang sambit. She averted her gaze but ended up looking back at his green eyes. “No. It is an action word.” Giit nito. He even winked. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin sa mga sinasabi nito. “So?” Tinanggal nito ang suot na eyeglasses at tumitig sa kanya ng diretso. He moved his face an inch closer. Pasimple siyang humigit ng paghinga. His nearness affects her entire being. Huwag lang siya nitong hahawakan baka bumigay siya kahit na hindi niya sigurado kung nanunudyo lang ito. “Walang grado ‘yang mga mata mo ‘no? Why do you have to wear eyeglasses?” pag-iiba niya ng usapan. “That’s no longer your concern, Thea. C’mon, let’s dance.” Inilahad nito ang mga kamay. Kung may isang bagay na pumipigil sa kanya para isiping maniac ang binata iyon ay dahil sa kabila ng mga sinasabi nitong kabastusan hindi nito ni minsan hinawakan ang kahit na anong parte ng katawan niya. Inilalapit lang nito ang mukha sa mukha niya pero ni minsan ay hindi dumapo ang balat nito sa kanya. Kaya kahit anong sabihin nito ay hindi siya tuluyang natatakot. Ngumiti ang binata nang iabot niya ang palad sa nakalahad nitong kamay. Agad siya nitong hinila papunta sa dancefloor. He guided her hands to hold his nape. Nakita niya ang paghinga nito ng malalim bago hinawakan ang baywang niya. Hindi pa ito tuluyang lumapit. Kung hindi lang niya nakita ang binata sa mga hindi kanais-nais na sitwasyon, iisipin niyang hindi ito sanay sa babae. He’s so gentle. Parang ingat na ingat ito sa paghawak sa baywang niya. She regretted inhaling deeply. Naamoy kasi niya ang pamilyar nitong pabango. That manly sweet scent. Hindi niya napigilang lumapit sa dibdib nito. That’s when she felt him tightening his hold on her waist. Hanggang sa halos yakap-yakap na nila ang isa’t-isa. Why is the music sweet? Hindi puwedeng palitan ng party song? She almost had goosebumps when she felt him sniffing her hair. “You smell so sweet.” He mumbled in her ear. Tuluyan na siyang napapikit para pigilan ang pagtaas ng balahibo niya sa katawan. Shit. His effect is so strong. “You have no idea, how long I’ve waited to hold you like this.” He mumbled. Napatingala siya sa binata nang marinig ang sinabi nito. Her heart started beating erratically. “How long?” tanong niya rito. Matagal na bang may gusto ang lalaki sa kanya? Vance smiled. Iniangat nito ang isang kamay at tumingin sa relo. “Like two hours ago,” he said chuckling. “Didn’t I tell you I’ve been contemplating to dance with you the moment I sat infront of the bar counter?” Natatawa nitong dugtong. Parang nabitin pa sa ere ang pagtibok ng puso niya. Inis siyang bumitaw sa pagkakahawak rito at umalis ng dancefloor. Paasa! If he thinks he could treat her like how he treats all his women, he’s wrong. Tuloy-tuloy siyang naglakad patungong sa exit. “Hey, Thea! What’s the matter?” rinig niyang habol nito pero nagtuloy-tuloy siya hanggang sa car park. She’s about to open her car when he snatched her keys. “Akin na ‘yan.” Kalmado niyang saad pero itinaas nito ang kamay na may hawak ng susi. “Care to explain why you suddenly walked out?” Pa-fall ka kasi. She wanted to lash out but that would be immature and unlikely of her. “I’m not like the woman, you’ve been dating Vance. Don’t treat me like one of them.” Diretso niyang saad rito. Mabuti na ‘yong malinaw. “You don’t have to remind me. I knew that eversince.” Diretso rin nitong tugon. Sinalubong nito ang mga titig niya. “Eversince I walked out that bar?” She asked raising an eyebrow. “You’re already tipsy. I’ll drive you home.” Saad nito. Umikot ito at binuksan ang passenger’s side ng kotse. She’s not tipsy. She’s completely aware of everything. Alam niyang mataas ang alcohol tolerance niya. “C’mon Vance, you knew it like three minutes ago?” Humalukipkip siya at hindi gumalaw mula sa kinatatayuan. Gusto niya ng diretsong kasagutan sa tanong niya. Ayaw niyang umasa gaya ng nangyari kani-kanina lang. Vance inhaled deeply. “You are not like the women I bedded, Thea Kimberly.” Tumitig ito sa kanya ng matiim. She tried to suppress the fast beating of her heart but she can’t. Napagkit ang mga mata niya sa mga berde nitong mga mata. “AND I knew it like more than half of my life.” He added. It felt like his green eyes are piercing through her soul. “Now, get in.” Turo nito sa sasakyan. Hindi na siya nagprotesta pa at pumasok na lang sa nakabukas na pinto. Kasalanan ng mga berde nitong mga mata.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม