7: Pagalingan

1645 คำ
Thea expected the silence inside her car. Nababasa na niya ang galaw ni Vance. After talking a lot, he’d suddenly keep quiet. Hindi mahulaan kung seryoso ba ito o hindi. His silence kills her. Gustong-gusto niyang itanong kung seryoso ba ito sa sinabi kanina o hindi pero naisip niyang magmumukha lang siyang ewan. She’d rather want him speak up voluntarily than to appear like she’s insinuating something. “Gusto mong magkape muna?” tanong niya nang makababa sila ng sasakyan. They are already at the car park of the condo tower. Vance looked at her. Napalunok pa siya. Did she just give herself away with that invitation? “Diyan lang sa café. Pa-thank you sa paghatid mo sa ‘kin.” Nahihiya niyang dugtong. Ngumiti ito ng tipid bago nagsalita. “Hindi na. It’s already late. We still have work tomorrow.” Tugon nito. Pakiramdam niya ay napahiya siya. This is the second time that he turned down her invitation. ‘Yong una noong nanggaling sila ng isla. “Okay. Good night, then.” Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng pagkapahiya. Tumango lang ang binata. Hinintay na lamang niyang ibalik nito ang susi ng sasakyan niya. Inihatid pa kasi siya, magtataxi tuloy pabalik ng bar dahil naiwan doon ang sasakyan nito. “I’ll go ahead.” Sambit nito at bumalik na sa driver’s side. Napakunot-noo siya. Is he taking away her car? Hindi siya agad nakakilos mula sa kinatatayuan. Nakita niyang ibinaba nito ang windshield ng sasakyan at dumungaw. “I’ll fetch you tomorrow at around 9 A.M.” sambit nito bago tuluyang pinasibad ang sasakyan. She was left dumbfounded. Nakalimutan ban g binata na sasakyan niya ang gamit nito? __________ Alas otso pa lang ng umaga ay bihis na si Thea. Bumaba na siya ng lobby para hintayin si Vance. She’s torn between waiting for him or just hailing a cab. 9A.M. kasi ang official time niya sa opisina. Ayaw na ayaw niya ang nale-late sa kahit na anong bagay. Kung hihintayin pa niya ang binata, talagang mali-late na siya. Pero kung kasama naman niya ang boss, maituturing pa bang late iyon? She’s fidgeting while seating at the waiting area at the condo tower’s lobby. Ano ba kasing naisipan ng isang ‘yon at itinakbo ang sasakyan niya kagabi? Huminga siya ng malalim. Hindi siguro sanay ang binata na mag-taxi. Napagpasyahan niyang mag-commute na lang papuntang opisina at nag-text na lang kay Vance na nauna na siya. _______ Wala pa ang binata nang makarating siya sa opisina. Agad niyang tinungo ang table at nag-umpisa na agad sa ginagawang recommendations. _______ “You were not answering my calls.” Agad siyang napatayo nang marinig ang boses ni Vance. She felt a little nervous. “Naka-silent kasi ‘yong phone ko. Sorry.” She apologized. “Where’s your report? I need it. Send it to the e-mail pinned on your desktop.” Saad ng binata. Dumiretso ito sa puwesto at agad na naupo. “Tinatapos ko pa. Can I send it after an hour or two?” tugon niya rito. Vance stared at her. Parang naasiwa pa siya sa mga titig nito. His mood is a bit off. She can feel it but she’s not yet done with her report. She doesn’t want to submit a half-cooked report. Kaya nilakasan niya ang loob na magpa-extend ng kahit isa o dalawang oras lang. She thought he’d get mad but he later nodded and never spoke. Agad naman siyang bumalik sa ginagawa. Hindi niya mapigilang mapasulyap sa binata na kanina pa subsob sa dokumentong hawak. Napaka-seryoso ng aura nito. He keeps jotting down something. Ibinalik na lamang niya ang atensyon sa ginagawa. Mahigit isang oras ang ginugol niya sa ginagawa bago nai-send ang ginawang report. “We’re already doing these things in the laboratory.” Malakas na sambit ni Vance. Wala pa yatang limang minuto matapos niyang isinumite ang ginawa, may komento na agad ito. Lumapit siya sa table nito at umupo sa kaharap na silya. “These bio-friendly whatever, liquifying some medicines are already being done in the lab. I need something innovative.” Pagpapatuloy nito. Her heart beats raced at his bluntness. She inhaled deeply to pacify her heart. “I know but the suggestions are for cost effective measures. It would get the same result but you don’t have to spend much especially for the transformation of wasted chemicals to environmental friendly ones.” Paliwanag niya rito. Halos lahat kasi nang nasa laboratory ay ginawan niya ng proseso kung paano mababawasan ang gastos sa paggawa. “I don’t mind spending much if it’s for the environment.” Vance muttered. She wasn’t able to answer right away. “Besides the in-house chemical engineers can also do this kind of alterations.” Dagdag nito. Tuluyan na siyang tinakasan ng kulay sa tahasan nitong pag-reject sa ginawa niya. Dumugo ang utak niya kakaisip sa mga inilagay niya sa report, mare-reject lang pala ng gano’n lang. “Why do you still need another Chemical Engineer? Kaya naman pala nila.” Tanong niya sa binata. Napatitig naman ito sa kanya. “For innovations since you worked abroad. Do some research about latest upgrades in equipments and laboratories. If you can think of something that is not yet done in any of the labs, we can do it, invent our own.” Parang nalula pa siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay sobrang taas ng tingin nito sa kakayahan niya. She wants to feel flattered but she’s a bit afraid she’ll fall short of his expectations. Napilitan siyang ngumiti ng tipid at tumango nang maghintay ito ng reaction mula sa kanya. He nodded dismissing her. She silently stood up and walk back to her table. Magsisimula na sana siya sa pagtipa ng keyboard nang tumayo ang binata. “I’m going out for a snack. Gusto mong sumama?” tanong nito. Ngumiti sya ng tipid. “Okay lang ako. Ikaw na lang.” Nahihiya niyang tugon rito. “Mamaya mo na gawin ‘yan. Mag-snack ka muna.” Giit nito. “Sabay na lang ako kay Arnie.” Tugon niya rito. Arnie is Vance’s secretary. He pursed his lips before he stepped towards the door. Nakahinga siya ng maluwag ng lumabas ito. Dahil sa pagsama-sama niya sa binata nakalimutan niyang maaari pa rin siyang pagalitan nito dahil boss niya pa rin ito. Sumunod din siyang lumabas at nakisabay sa sekretarya papunta sa food court ng building matapos lang ang ilang minuto. ______ Kinabahan siya nang makitang nakaupo na ang binata sa puwesto nito pagpasok niya. Ngumiti siya nang mag-angat ito ng tingin. Lalagpasan na sana niya ang table nito nang mahagip ng mata niya ang sinusulat nito. She wasn’t able to control herself from asking. “What are you doing?” tanong niya rito at tumunghay sa hawak nitong bond paper. “I’m trying to recall them all. Kailangan ba talaga exact number? How would you counter check the figures?” sunod-sunod nitong tanong. Her forehead creased but when she realized what he means and how it is connected to the name of girls in the paper she wanted to burst in laughter. Pero nabitin sa ere ang akmang pagtawa niya nang makitang seryoso ang mukha ng kausap. “Kahit talaga matatalino, natatanga rin minsan ‘no?” Pinigil niya ang sariling matawa pero napatawa pa rin siya ng mahina. “You said if I could tell you how many women then you can--” He stopped and inhaled deeply. She pursed her lips to stop herself from laughing out louder. “I’m taking your word for it.” Sambit nito. “You’re crazy!” Tuluyan na siyang napatawa. Napatigil lang siya nang makitang seryoso na talaga ang mukha nito. Mukha na naman itong pikon. Huminga siya ng malalim. “Akin na pala ‘yong susi ng sasakyan ko.” Saad niya rito para ilihis ang usapan. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang naglaho ang seryoso nitong aura kanina. “Ihahatid pa kita mamaya pauwi,” nakangisi nitong tugon. “Tapos iuuwi mo na naman ang sasakyan ko? Akin na ‘yong susi. Kaya kong mag-drive pauwi.” Inilahad niya ang kamay. Vance stared at her open palm. “Ihahatid lang kita. You can get it after.” He smiled. “Alam mo ba ang salitang carnapping?” tanong niya nang hindi pa nito nilalabas ang susi. Her palm remained open. Vance inhaled deeply. He pulled the drawer and brought out her keys. Kinuha naman niya ito bago pa nito bawiin. “Thanks,” she muttered. He didn’t say a word. “Don’t bother remembering those girls you bedded. Masisira lang utak mo.” Natatawa niyang saad bago tumalikod para tunguhin ang sariling table. “What if I can count them all?” Naghahamon namang tanong ng binata. Napatigil siya at napatingin sa binata. “You can’t.” She answered smiling. “How sure are you?” He asked. “Because the last woman you kissed in this office isn’t Karina. Her name’s Karell. Kasama mo pa lang limot mo na, how much more those you were with the past years?” Saad niya sa binata. Vance stared at her with a creased forehead. “Are you saying that you probably can’t stand me?” Vance asked with a serious tone. Napalunok siya. She doesn’t know what to answer. Wala nang nakapagsalita pa sa kanilang dalawa dahil pumasok na ang sekretarya nito at ipinaalala ang outdoor meeting na dadaluhan ng binata.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม