Thea was surprised to see flowers on her table the next morning. Walang nakalagay kung kanino galing. But she knows it probably came from Vance. Hindi nga lang niya sigurado ang intensiyon nito.
There are times when she feels like he’s trying to test her. Parang tinatantiya nito kung bibigay siya sa mga sinasabi nito. Gano’n naman karamihan ang mga lalaki. At least most of the men she knew and she is sure Vance isn’t an exemption.
Kakaupo pa lang niya nang pumasok si Vance na may dalang dalawang mug ng kape mula sa isang sikat na café.
“I thought of bringing you one.” Inilapag nito ang mug sa table niya. She stared at it for a moment to gather the words in her mind.
“Thanks! Kay Arnie mo na lang ibigay, nagkape na kasi ako kanina.” Sambit niya sa binata.
“She already has one.” Tugon naman nito.
“Mahina kasi ako sa caffeine.” Aniya. She appreciates the gesture but she can only take a cup in the morning and she already had one for breakfast.
“Okay.” Vance muttered. Binuhat nito ang mug at dinala sa mini-kitchen. He poured the content to the sink bago itinapon ang mug sa basurahan.
Kailangan talaga itapon?
Napakagat pa siya sa labi. Hindi naman niya alam na maa-upset ito sa pagtanggi niya.
She looked away nang dumaan ito sa table niya.
“By any chance do you like the flowers?” tanong nito ng makatapat.
So, sa binata talaga nanggaling ang bulaklak?
Why?
Has it something to do with their convo yesterday?
Does he see her as a challenge?
Hindi pa siya nakasasagot nang magsalita ulit ang binata.
“Kasi kung ayaw mo, itatapon ko na lang din.”
“The flowers are beautiful.” Tugon niya. Sayang kung sa basurahan lang ito mapupunta. Gusto sana niyang itanong kung bakit siya nito binigyan ng bulaklak pero naunahan siya ng hiya.
“For you what’s the most beautiful flower?” tanong nito. His expression is blank. Hindi niya tuloy sigurado kung ano ang nararamdaman nito. The man is quite unpredictable.
“Gerberas.” Tugon niya rito.
Natigilan siya nang damputin nito ang bulaklak sa lamesa niya at idineretso sa basurahan.
“Bakit mo itinapon?” Kunot-noo niyang tanong.
“Those are red roses not gerberas.” Tugon nito bago lumabas ng opisina.
For the nth time, she was left dumbfounded.
Is the man for real?
Ano bang gusto nitong mangyari?
_______
Tapos na ang lunch break nang bumalik ang binata sa loob ng opisina. Blangko ang ekspresyon nito at hindi man lang nagsalita nang makapasok.
She inhaled deeply and closed her eyes.
How could she work if she’d stay inside the office of her unpredictable and quite weird boss?
Mas gugustuhin na lang yata niyang sa isla na lang magtrabaho.
“Hey Thea! Are you sure about this?”
Napapitlag siya nang magsalita si Vance. Napatuwid pa siya ng upo. Tumayo ito at tinungo ang table niya.
“Pa-open ‘yong report na pinasa mo sa akin.” Saad nito. He moved towards her back at nakitunghay sa monitor. Nakita pala agad nito ang ipinasa niyang report kanina bago mag-lunch.
She let him see the plan for lab upgrade.
“Pa-open nga ‘yong blueprint ng structural design sa lab.” Utos nito. She clicked the app connected to the laboratory.
“So we can put the machine here that would separate the chemicals for capsule, tablets and liquids all in one.” Turo nito sa monitor. Ipinatong ng binata ang isang kamay sa table niya. Kulang na lang ay dumikit ang dibdib nito sa likod niya. She could even smell his scent.
“Yup, bale isahan para iisa lang ang concentration whether it’s tablet, capsule or liquid med.” Tugon niya rito.
She inhaled deeply and momentarily closed her eyes. She needs to concentrate.
“I’ve also been thinking about the possibility of this. I just didn’t have the time to pull it together. Marami kasi akong inaasikaso.” Saad nito.
Napatango siya. At least, he didn’t reject her proposal.
“Do all the necessary planning. You may talk to the in-house chemical engineers and chemists.” Saad nito.
Gusto niyang tingnan ang mukha nito para makita ang ekspresyon nito pero nahihiya siyang tumingala. Nakadukwang pa rin kasi ito mula sa likuran niya.
He’s so near she could feel his breathing. Tapos ang bango-bango pa. She feels like she needs more oxygen.
“If you need funds, just prepare the requests. I will sign.” Dagdag nito.
Nakihinga siya ng maluwag nang sa wakas ay tumayo ito ng tuwid.
“I’ll lay out the entire plan. Pag-aaralan ko muna ang posibleng loopholes.” Tugon niya sa binata. Pasimple siyang humigit ng malalim na paghinga.
Does he really trust her that much?
“Alright. Take your time.” Saad nito bago bumalik sa table nito. Napatango na lang siya.
She spent the entire afternoon lay-outing the entire plan. Nakatutok lang siya sa laptop para mag-research ng posibleng maging problema kapag isinagawa na ang upgrade. She also made some phone calls to the in-house chemists.
Si Vance ay busy din sa table nito. Paminsan-minsan ding pumapasok ang sekretarya para sa mga bilin nito.
“I ordered pizza.”
Napatingala siya nang magsalita ang binata. Nakasunod na ito sa sekretarya papunta sa mini-kitchen dala ang pizza at tatlong shake.
Sumunod na lang din siya.
Arnie was already eating a slice when she joined them. Kung single lang ang babae at hindi mas matanda sa kanila iisipin niyang third wheel lang siya. Masaya kasi ang dalawang nag-uusap na parang nagde-date lang.
“Alam mo ba Engineer, si sir Vance ang pinakamabait sa triplets?” saad ng sekretarya paglapit niya.
“Oh? Sinasabi mo lang yan kasi siya ang boss mo.” Natatawa niyang tugon rito. Napatawa din ang isa.
Napailing lang ang binata sa tinuran niya. Naglagay ito ng pizza sa plate at inilagay sa harap niya.
“Thanks.” She mumbled.
“See. Sabi sa ‘yo siya ang pinakamabait eh.” Nanunudyong saad ni Arnie.
“Isusumbong kita kina Leandrei at Vander.” Natatawa niyang tugon rito. Nalaman din kasi niya sa sekretarya na sa VLF building lahat ang opisina ng magkakapatid. Magkakaibang floor nga lang.
“You know them?” Vance immediately butted in.
“No one doesn’t know the three of you during high school.” Ngumiti siya ng tipid.
“Talaga?” naiiling nitong komento. He took a bite of his pizza.
“I’m curious. Bakit pala hindi kayo pare-pareho ng section dati?” tanong niya sa binata.
Tumingin naman ito sa kanya. For a moment, she thought he wouldn’t answer her question but he opened his mouth a moment later.
“Mom didn’t want us together in a classroom baka daw puro kalokohan ang gagawin namin.” Natatawa nitong tugon.
“Good thinking.” Natatawa niyang sambit.
“May gagawin pa pala ako. Iwan ko na kayo.” Natatawa namang sambit ni Arnie. Kumuha ito ng isang slice at binuhat ang isang shake.
“Sir, yong bonus ko, huwag mong kalimutan.” Saad nito bago tuluyang umalis.
Tatlong buwan pa bago magpasko, nanghihingi na ng bonus?
Vance only answered with a chuckle.
Why does he have to look so handsome when he chuckles?
“Why did you take up Chemical Engineering? Fashion Designer ang ate mo ‘di ba?” tanong nito nang maiwan silang dalawa.
“You know my sister?” nagtataka niyang tanong rito.
“I saw her in mom’s magazines at home long time ago.” Sagot nito.
Her sister is famous in the fashion industry. Hindi malayong doon nga nito nakita ang pangalan ng kapatid niya. Alam niyang madalas ma-feature ang mga gawa ng kapatid niya sa magazines. In fact, she asked her once if she could model one of her gowns, she just refused. Hindi niya hilig ang mag-model.
Napalunok siya nang tumitig si Vance sa kanya ng diretso at ngumiti.
“How did you know that she’s my sister?” tanong niya ulit sa binata.
“Because you have the same surname and middle name?” Vance gave her a shrug.
“You know my middle name?” Mas lalo siyang na-curious. Hindi lang pala mga kaibigan niya ang kabisado nito pati pala middle name niya.
“You’ve been the consistent salutatorian of our batch. How would I not know your full name?”
Vance smiled widely.
Kinukutya yata siya nito dahil lagi siyang second best?
“Sabagay. I was always next to you.” Napapatango na lamang niyang segunda.
“Why did that sound so nice?” Maagap na tugon ng binata. Mas lalong lumapad ang ngiti nito.
Napalunok siya.
“Sa ranking list. ‘Di ba lagi akong kasunod mo sa rank?”
Vance nodded and smiled at her remark.
“Always next to me.” Nakangiti nitong sambit.
She suddenly felt awkward. Her heart started beating fast.
Kasi naman…Pa-fall talaga ang mga ngiti ng hayop.
Kung saan-saan niya ibinaling ang tingin para hindi masulyapan ang ngiting-ngiti nitong mukha. Mas lalo kasing naghuhurumentado ang t***k ng puso niya.
Napadako ang mga mata niya sa wall clock.
“Uwian na pala.” Sambit niya.
“Yes, actually.” He replied. Napalis pa ang mga ngiti nito.
“Puwede na ba akong maunang umuwi?” lakas-loob niyang tanong. Kanina pa kasi siya parang nauupos sa mga titig nito.
“Sure.” He said nodding. She took that as a cue to stand and leave him there.
Agad niyang inayos ang gamit at tuluyan nang lumabas.
-------
Palabas na ang sasakyan niya sa basement nang makitang nakatayo sa may b****a si Vance.
Kumatok ito sa bintana ng sasakyan niya nang tumigil siya.
“Vance?” she muttered as she opened the windshield.
Ngumiti ito ng alanganin.
Itatanong niya sana kung ano ang kailangan ng binata nang tumambad sa mga mata niya ang hawak nitong palumpon ng bulaklak.
“Your gerberas were delivered late.” Nakangiti nitong saad. Iniabot nito ang palumpon. She didn’t know why she immediately took it without a second thought.
Maybe it has something to do with the flowers…or his smile or maybe because his gesture was so sincere.
“Drive safely. Ayaw mo naman kasing ipag-drive kita.” Nakangiti nitong saad bago tumalikod.
She inhaled deeply to stabilize the beating of her heart. Ngunit habang tinitingnan niya ang bulto ng binatang papalayo parang mas lalong dumadagundong ang t***k ng puso niya.
Nakuha na yata siya nang dahil sa gerberas.
Wtf!