"Kayo na ang bahala rito. Kapag mayroong problema, tawagan niyo lang ako." bilin ni Mellie sa mga staff bago tuluyang magpunta sa grocery. Mamimili siya nang gagamitin para sa gagawing beef steak. Hindi niya rin nakalimutang bumili ng red wine. It's Valentine's Day! She's planning on surprising Winston. Inaaya ni Winston si Mellie na mag-date pero nagdahilan siyang magiging busy. Sinabi na lang niyang pupuntahan na lang ito sa tinitirhan. Noong una ay hindi ito pumayag. Gusto siyang sunduin. Nagpilitan sila hanggang sa napapayag ito. Waging-wagi ang pakiramdam ni Mellie. She drove home. Pagdating ay agad na siyang nagluto. Nag-shower na rin siya matapos at nagbihis. Sinigurado ni Mellie na mabangong-mabango at humahalimuyak ang amoy niya. Pagdating ng alas siyete ng gabi ay umalis na si

