"Ang aga mo yata..." paungol na tanong ni Mellie. Nagising siya dahil naramdaman niyang magisa na lang sa kama. Nakita niyang nakaligo na si Winston at nagbibihis. Kasalukuyan silang nasa sariling bahay. Napagkasunduan nilang doon umuwi magmula ng maging pormal na sa kanila ang lahat ilang araw nang nakararaan. Mellie was happy. Alam niyang masaya rin si Winston. Kita niya iyon sa mga ngiti nito at lambing. Tuluyan nang nawala ang lungkot sa mga mata nito. "I need to meet Arch. Arcie Salvoza. May problema raw sa site. Nandoon na siya ngayon. Matulog ka na muna. Napuyat ka kagabi. Kailangan mong bumawi nang pahinga. Nakapag-ready na ako ng breakfast mo sa mesa. Kumain ka na lang." anito at hinalikan siya sa noo. Mukhang nagmamadali talaga. "Okay." nakangiting sagot niya. Tuluyan nang um

