"MAGIINGAT KAYO, ha? Balitaan mo ako agad sa mangyayari." bilin ni tita Margie. May bahid ng pananabik ang boses nito. Ang tito Mauro naman ni Mellie ay tumango lang pero nasa mga mata rin ang tuwa. Si Margaux lang ang mukhang naiinip. Obviously, hindi na naman nito trip ang mga nangyayari. Nagsagutan na naman sila ni Margaux kanina. Nagawa niya itong i-corner pero dahil sa dumating si Winston, nakalusot na naman ito. Agad kasi silang pinatawag din ni tita Margie para harapin ang lalaki. Iyon na ang araw ng checkup ni Mellie. Sinundo siya ni Winston. Hindi rin maganda ang pakiramdam ni Mellie kaya nagpapasalamat siya dahil makakasama niya ito at maaalalayan siya. Groggy ang pakiramdam ni Mellie. Hindi siya nakatulog ng nagdaang gabi kakaisip sa huling pagkikita nila ni Winston. Parang s

