"Ma'am, are you okay?" untag ni Kim kay Mellie. Napaigtad siya at napabuntong hininga na lang. Natulala na naman siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nauwi sa ganoon ang lahat. It's been three days. Hindi pa niya maharap ang mga matatanda. Umiwas muna siya. Pinagisipan niyang maigi ang lahat. Hindi pa rin din kasi niya alam kung paano sasabihan ang mga ito. First time, gusto niyang lumayo. Dumating ang mga malalaking dagok sa buhay nila pero nanatili siya sa poder ng mga Lopez. Pero iba ang nararamdaman niya ngayon. Napapagod na siya. Naisip din kasi niya na matapos niyang sabihin sa mga matatanda ang lahat, ano ulit ang mangyayari? Margaux would just do something again to ruin her. Alin? Hihintayin pa ba niyang ulitin nito ang lahat hangga't mabuntis siya? Or baka

