"Nasaan sina tita?" seryosong tanong ni Mellie sa katulong. Buo na ang loob niyang sabihin an desisyon. Mayroon naman siyang ipon. Sapat na iyon para makapagpatayo siya ng maliit na business at makabili ng sariling bahay. But she needed to explain everything. Iyon na rin ang sa tingin niyang magandang theraphy sa insomnia niya. She needed to stay away from negativity and toxic people like Margaux. Lihim siyang nagdarasal na sana ay iyon ang mga sagot sa lahat. "Nasa garden ho sila ni sir Mauro." anito. "Si Margaux?" "Maaga hong umalis." Tumango na lang si Mellie. Magmula ng kausapin niya ito nang nagdaang gabi ay hindi naman na siya nito inusisa sa mga naging sagot niya. Hindi niya sigurado kung natuwa ito o nagtaka. Sana lang ay makatulong dito ang magiging pagalis niya. Pumunta na

