"Kumusta ka na?" Napangiti si Mellie nang marinig agad ang boses ni Winston. Madalas siya nitong tawagan para kumustahin. Magmula ng lumabas siya sa ospital dalawang linggo nang nakararaan ay lagi na nitong ginagawa iyon. Kapag mayroon itong oras ay dumadaan ito sa mall kung saan naroroon ang puwesto niya. Nag-franchise siya ng isang waffle business. Sa ngayon ay maayos naman niya iyong naima-manage. Hindi na niya ipinaalam kina tita Margie ang nangyari. Kagaya ng dati ay itinago na lang niya ang lahat. Madalas naman siyang tumatawag para mangumusta. Sa ngayon ay naging tahimik naman ang buhay niya. "I'm doing good. Nagaayos na lang ako. Pagkatapos nito, pupunta na ako sa mall para tingnan iyon puwesto. Ikaw?" ani Mellie at inipit ang cellphone sa tainga at balikat. Sa ganoong paraan ay

