*Joanna's POV* Habang nandito ako sa loob ng kwarto ko dito sa may hideout ay napapaisip pa rin ako sa kung ano ng nangyayari sa kanila ni Jason sa mundo nila. Should I go back? *tok tok* "Come in!" Sigaw ko at agad namang bumukas ang pinto. "Princess, pinapatawag ka ni Master Yashida," sabi sakin ni Ken na siyang pumasok dito sa kwarto ko. "Okay,” sagot ko sa kanya. "Ken?" Pag tawag ko sa kanya ay napahinto naman siya sa paglalakad. "Hmm?" Tanong niya. "Hindi ka ba masaya na nakabalik na ako?" Tanong ko sa kanya na may halong biro ang tono. "Masaya at huwag mo ng tanungin kung nag-aalala ba ako dahil ang sagot ko ay hindi dahil alam kong ligtas kayo sa kung saan man kayo napadpad," sabi niya at tuluyan ng lumabas. What the hell? Ba't ang seryoso ng boses niya? Hindi ko na lan

