*Joanna's POV* Nandito kami ngayon sa throne room, naghihintay sa makakasama namin sa pag-alis pabalik sa mundo namin. Ngayon na kasi kami aalis at ang sabi nila tita Josephine ay ngayon na lang daw namin makikilala kung sino man ang makakasama namin. "Joanna? Excited ka na?" Tanong ni Andrea. "Medyo? Hindi ko alam. May kakaiba kasi akong pakiramdam," sabi ko sa kanya habang matyagang naghahantay sa kung sino mang kasama namin sa pag-alis. "What do you mean?" Tanong niya. "I...I just have this feeling that we shouldn't go and just stay here," sagot ko sa kanya. "O baka naman kasi may mami-miss ka?" Sabi niya at siniko-siko pa ako. "Baliw," sabi ko ng natatawa-tawa rin. "Ladies...he's here," sabi ni tita Josephine kaya agad kaming napatingin sa pintong kakabukas lamang. "Lex!?" Nai

