*Joanna's POV* Hanggang ngayon pala-isipan pa rin sa akin ang misyong binigay samin ni tita Josephine about sa eclipse, which is next week na pala. "Joanna?" Tawag sakin ni Jason kaya agad ko siyang nilingon at nakita siyang nakasandal sa may pintuan ng aking kwarto. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. "I-I...uhh...c-can we talk?" Tanong niya kaya nagtaka naman ako sa tono ng boses niya. "Okay," sabi ko at tinap ang katabing parte ng kama na inuupuan ko para umupo siya dun at ginawa naman niya. "So...anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya. "Kapag bumalik na kayo sa mundo niyo next week, promise me na babalik ka dito," sabi niya habang nakayuko. "Pfft haha ano bang pinagsasabi mo? Siyempre babalik ako dito kasi dito na ako dapat tumira," sagot ko naman sa kanya. "Haha oo nga naman.

