*Joanna's POV* Ang huling naaalala ko ay nasa gubat ako tapos may lumapit sakin at hindi ko na alam ang kasunod dun, nakatulog na kasi ako at ngayon, pagkagising ko ay nasa isang kwarto pala ako pero hindi ko 'to kwarto at hindi rin ito kwarto sa palasyo. Nasaan ako? "Gising ka na pala," rinig kong sabi ng isang lalaki kaya napatingin ako sa may pinto at nandun nga siya. "Sino ka?" Malamig kong tanong sa kanya. "Lex na lang ang itawag mo sakin, Prinsesa," sabi niya at naglakad papalapit sa akin. "Sige na, ayusin mo na ang iyong sarili at kailangan pa kitang ibalik doon sa palasyo baka hinahanap ka na nila doon," sabi niya kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Ayoko," matigas kong sagot sa kanya. "Bakit? Baka nag-aalala na ang mga royalties doon lalong-lalo na si Prinsipe J

