*Jason's POV* “Siguraduhin niyong nakakabit ng maayos yang banner ha,” rinig kong utos ni Mom sa ilang mga taga silbi dito na tumutulong sa pag aayos nitong buong lugar. Sana magustuhan niya ‘to. “Son, ready ka na ba?” Tanong sakin ni Mom “Yes Mom,” sagot ko sa kanya “Well, where is she?” Tanong ni Tita Violet na kakatapos lang iabot ang cake sa isang kay Catliya na nag aayos ng mga pagkain sa lamesa. “Si Rence na po ang bahala dun Tita,” sagot ko sa kanya at tumango naman sila ni Mom. “Mahal na reyna saan ko po ito ilalagay?” Tanong ng isang maid na may bitbit na ilang stack ng telang pang maharlika. Maya maya lang ay dumating na si Rence. "Psst nasaan na siya?" Tanong ni Rence pero nakakapagtakha lang dahil wala siyang kasama, dapat kasi kasama na siya dito eh. "Huh? Akala ko

