HUMINGA AKO nang malalim habang nakamasid kay Enfakid sa sala habang nakikinig ng balita sa TV. Napatingin ako sa hawak kong tasa na may lamang tinimpla kong kape para sa kaniya. Nakapag-isip-isip ako kanina habang nagtitimpla na sasabihin ko sa kaniya ang lahat ng lihim ko. Humigpit ang hawak ko sa tasa habang unti-unti akong lumalapit sa kaniya. Biglang nalusaw ang itinayo kong tapang kanina nang ngumisi siya. Kaya ko kayàng aminin sa kaniya ang lahat? Kaya ko kayàng hindi na makita ang ngisi niyang iyon? Kaya ko kayàng hindi na siya makita araw-araw pagkatapos ng lahat ng katotohanang sasabihin ko sa kaniya? Umupo ako sa kaniyang tabi saka dahan-dahan kong nilapag ang tasa sa ibabaw ng mesa. Inakbayan niya ako saka dinala sa kaniyang dibdib. Hindi na kami natuloy sa dinner na si

