Wylene’s POV Kakaligo ko pa lang nang may nag-doorbell. As usual, papasok ulit sa work. Agad akong nagbihis at tinungo ang pinto. Natanaw ko si Jayden sa may gate. Pakiramdam ko ay bahagyang bumilis ang t***k ng puso ko pero agad kong inignora. “You didn’t tell me na pupunta ka,” bungad ko pagkabukas ng gate. “Napadaan lang ako. I bought you some food to eat before you go to work.” “Hindi ka na sana nag-abala,” saad ako. Niluwagan ko ang bukas at pinapasok na siya sa loob. “Ayos lang. Kain kana muna. Hatid kita sa work mo,” wika niya pagkapasok namin. Napatigil ako at tumingin sa kanya. I felt like it’s too much effort for a friend. “Huwag ka nang tumanggi, dali na!” saad niya at iniabot ang itinake-out niyang pagkain. He smiled genuinely. Napatango na lang ako at dumiretso na sa ku

