Wylene’s POV “Paano mo malalaman kung may gusto sa ‘yo ang isang lalaki?” Napangiti ang tatlo sa tanong ko. Magkakaharap kasi kaming kumakain. It’s a saturday. Sabay-sabay kaming papasok sa trabaho. “Ask Allie!” baling ni Janna. “Well kapag lagi siyang nagpapapansin sayo,” sagot naman ng isa. “Paanong papansin?” tanong ko ulit. Seriously, sa mas bata talaga ako nagtatanong? “Like text, tawag, biglang sulpot sa place mo gano’n. Yayayain kang lumabas, hindi ba Clyde?” baling nito sa boyfriend. Tumango naman ang isa. Ganoon naman lahat ang ginagawa ni Jayden. Except that he never tells me anything about feelings and commitments. “But he never tells me he likes me or that he’s interested with me,” hayag ko. Nakita kong napangiti si Janna. May balak yata siyang kantiyawan ako pero noon

