Wylene’s POV Iwinaglit ko na sa isip ko ang nangyaring ‘yon. Ayokong isipin na may tinatago siya sa akin. Siguro nga mayroon lang siyang dapat ayusin. Whatever it is, I respect him. Pinayagan na rin naman niya akong gumamit ng pills as long as I stop the moment we get married. Bumalik na rin ang dating pakikitungo niya. He became the same sweet guy who drives me to work, fetch me home and takes me to dinner dates. Nakaupo lang kami sa couch at nanunuod ng TV nang mag-ring ang phone ko. Nang tingnan ko, ‘yong kapatid ko pala ang tumatawag. Sinabihan ko si Jayden na hinaan ang TV at huwag magsasalita. Tumango naman siya. “Ate!” bungad ng kapatid ko sa kabilang linya pag-angat ko ng tawag. “Oh Charlie?” tugon ko naman. “May interview ako sa inapplyan ko diyan sa Makati, luluwas ako buka

