Iniisip ko kung ano ba ang nangyari ng araw na iyon at bigla na lang siyang nagalit. Pagkatapos ng breakfast, okay pa naman kami. Naligo lang naman ako after breakfast. Naliligo ako ng makarinig ako ng katok. Agad kong pinatay ang shower. “Wife!” bahagya niyang binuksan ang pinto at sumilip. “Bakit?” Binuksan ko ng bahagya ang sliding glass wall ng shower area. “May nailcutter ka?” tanong niya. Akala ko kung ano na, iyon lang pala. “Nasa bag ko!” sagot ko. “Okay, I’ll just get it,” saad naman niya at isinara na ulit ang pinto. Ipinagpatuloy ko naman ang pagligo. What could he possibly see at my bag? Nakabasa ba siya ng text? Wala naman siyang makikita doon dahil wala naman akong ibang katext. Inilabas ko ang lahat ng laman ng bag ko. My heartbeats raced when I saw the birth cont

