Wylene’s POV
Nakita ko siya sa may entrance ng bar. He looked at me and waved. Tumango naman ako at ngumiti.
“Glad you came,” bungad niya sabay halik sa pisngi ko. Hinawakan niya ako sa siko at iginiya papasok sa loob. I was stunned. Siguro common gesture lang niya ‘yon pero hindi kasi ako sanay. Sa huli ay ipinagsawalang bahala ko nalang.
The place is cozy and elegant. Medyo marami-rami rin ang customers sa loob. May banda sa mini-stage na tumutugtog ng ballad music.
“Which do you prefer? Sit on the bar counter or sa may table for two?” bulong niya.
Ang awkward naman kung sa table for two kami kaya tinuro ko nalang ang bar counter. Umupo kami. He ordered drinks.
“So, how do you find the place?” he asked while we are sipping our drinks.
“Cool and cozy.” Tipid kong sagot. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganitong lugar. Napatango lang siya.
“Akala ko bar na maingay.” dagdag ko. Napatawa ako ng mahina.
“I prefer a place like this sabi mo nga cozy.” He smiled.
“Dating place for couples?” biro ko.
He chuckled. Ang guwapo talaga ng isang to.
“Sort of,” tugon niya.
Tumingin nalang ako sa bandang tumutugtog. Ang guwapo niya kasi. Baka malaglag ang panty ko. Sa guwapo ng lalaking to, kahit isang gabi lang papayag ako. Hehehe! Joke! Pero kapag gusto niya, pwede rin. Haha!
Napailing ako. Saan ba nanggagaling ang mga kalandiang naiisip ko?
Jayden’s POV
She looks stunning tonight. Na-underestimate ko yata ang taglay niyang ganda noong huli. Her tanned-skin matches her well. Pantay kasi ang kulay niya and she’s a bit sexy. Nice pair of legs, above-the-knee kasi ang dress niya.
I look at her while she’s looking at the band. Mahahaba pala ang pilik-mata niya. Bagay sa bilugan niyang mata. Hindi matangos ang ilong niya pero hindi rin naman flat. Her lips are full.
“Bakit?” tanong niya nang mapatingin siya sa akin. Napansin niya yata na nakatitig ako sa kanya.
“Uhm, would you like to eat?” palusot ko nalang.
“Hindi, kumain na ako kanina,” tanggi niya.
“Doon nalang tayo umupo para makapagkwentuhan ng maayos.” Itinuro ko ang table for two saka tumayo at hinawakan siya sa kamay. Hindi na rin siya nakatanggi.
Wylene’s POV
Napapitlag ako ng hawakan niya ako sa kamay ngunit ipinagwalang bahala ko nalang.
“Magkuwento ka naman tungkol sa ‘yo,” saad niya pagkaupo namin.
Hindi ako makuwento tungkol sa buhay ko pero natagpuan ko nalang ang sarili kong nagku-kuwento sa kanya.
Nagkuwento din naman siya. Australian citizen pala siya kaya lang mas gusto niyang bumalik ng Pinas. Doon niya pala tinapos ang kurso niya sa college. Bigatin! Kaya pala may accent siya kahit nagtatagalog. He’s 30. I wonder kung bakit wala pa siyang asawa pero ayoko namang itanong. It’s too early to ask.
Okay naman siyang kausap. He is not boring. Ako pa yata ang boring. He sounds intelligent. Ewan pero ang dali niyang maka-grasp ng idea. Kahit feeling ko ang vague ng statements ko, naiintindihan niya pa rin. He is also down-to-earth, walang bahid ng arrogance.
Hindi ko namalayan ang oras. 3 A.M. na pala. Nagvolunteer siyang ihatid ako sa apartment. Pumayag na rin ako.
***
“Have a good sleep!” saad niya pagkatapos niyang humalik sa pisngi ko. Naasiwa ako sa gesture niya pero hindi ko na isinatinig. Pakiramdam ko ay namula yata ang pisngi ko o dahil lang sa nainom ko.
“Thanks for the treat,” saad ko bago tuluyang bumaba ng sasakyan niya. Tumayo lang ako sa harap ng gate. Hintayin ko nalang siyang makaalis.
He opened his window at dumungaw.
“Wyl, pasok kana muna bago ako umalis,” saad niya ng nakangiti. Napangiti nalang ako. Pagkapasok ko sa loob. Napasandal ako sa pinto at napahawak sa pisngi ko na hinalikan niya.
Ano bang nangyari? Nai-inlove na ata ako.