8: Unexpected Call

424 คำ
Wylene’s POV 7 P.M. na ako nagising. RD ko kasi kaya ayos lang. Pumunta ako ng kusina at naghanap sa ref ng iluluto. Napangiti ako nang may makita akong note: Ate, Nagtake out kami ni Clyde kanina, ipainit mo nalang pag nagutom ka. Mwah!:) Allie Mabait talaga ang dalawang ‘yon kaya kahit medyo maingay sila pag may ginagawang kababalaghan sa kwarto nila ayos lang. Hehe! Kasalukuyan akong kumakain nang magring ang phone ko. 0927******* calling “Wylene?” saad ng lalaki sa kabilang linya. “Yes, sino to?” naguguluhan kong tanong hindi ko kasi ma-recognize kung sino. “Hi! Si Jayden ‘to!” masayang bati niya. Ilang segundo bago nag-sink in sa utak ko kung sino ito. “Oh, nakaalala ka?” saad ko nang makahuma. Two months na rin ang nakararaan simula nung ihatid niya ako sa Trinoma. Nagpalitan kami ng number pero ayoko namang maunang magtext kaya hinayaan ko na lang. “Haha, sorry ngayon lang kita natawagan busy kasi ako sa new branch ng restobar ko,” tugon naman niya. “Ba’t ka naman nagso-sorry?” Hindi naman ito obligado na tawagan ako. Lalo na’t hindi naman din talaga kami magkaibigan. Napatawa ito ng mahina. “How’s work?” pag-iiba niya ng usapan. “Eto, nakapag-adjust na sa buhay call center,” kaswal kong sagot. “Wala kang pasok tonight?” Huminga ako ng malalim at inisip kung sasagutin ang tanong nito. Sa huli ay naisip ko ring sagutin ng totoo. “Wala, restday ko.” “Punta ka dito sa restobar ko, chill lang,” anyaya nito. “Wag na, matutulog nalang ako.” Tanggi ko. Wala akong makitang dahilan para paunlakan ito. “Di ba sanay ka namang gising ng gabi?” tanong ulit nito. “Oh?” “Tamang-tama magrelax ka muna dito. Sunduin kita, asan ka ba?” Napabuntong-hininga ako. Hay ang kulit. “Saan ba yang bar mo?” tanong ko naman. “Dito sa Makati, ano magda-drive na akong papunta diyan sa QC?” “Ha? Hindi! Sabihin mo nalang kung saan pupuntahan ko. Dito nalang din naman ako sa Makati nakatira eh.” “Good, sunduin nalang kita. Saan ka?” “Hay ang kulit!” Tumawa lang ang loko sa kabilang linya. “Sige this is the address ******. Hintayin kita ha?” sagot ko nalang. “Okay!” saad ko. Malapit lang pala. Isang sakay lang ng jeep. Buti sanay na rin ako sa pasikot-sikot dito. Dora kasi ako minsan. Hehe!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม