Wylene’s POV
Nakauwi na ako sa bahay ng auntie ko. Hindi ko pa rin lubos maisip kung gaano ako ka-blessed at nakilala si Jayden. Dahil sa kanya nakauwi ako ng matiwasay at hindi gutom.
Pagkatapos ng isang linggo, nagsimula na ang training ko sa call center. During the first week, maayos pa naman, pero noong magsimula na ang nesting namin, kung saan makakatanggap na kami ng calls mula sa client, naging pahirapan na sa English. Hehe! Nakaka-nosebleed! I hate it! Damn! Haha! practice lang.
Medyo mahirap ang buhay call center pero kaya ko naman lalo na’t wala na akong ibang iisipin kundi ang sarili ko lang. Isa sa na-appreciate ko ang mga kasamahan ko. Mas bata kasi sila sa akin, ang iba sa kanila fresh grad. Nakakahawa ang pagiging youthful nila.
Ayos din palang kasama ang mga happy-go-lucky people who are enjoying their youth. Ako kasi hindi ko na-enjoy ang early twenties ko dahil sa responsibilidad sa pamilya.
After a month, inilipat kami sa Makati branch. Kaya ko pa namang mag-commute sa MRT kaya lang mas gusto ko nang bumukod kina auntie para total freedom na talaga. Hinayaan naman din nila ako.
Apat kaming magkakatrabaho na lumipat sa isang apartment na may two rooms. Dalawa kami ni Jana sa isang room. Sina Allie at ang bf nitong si Clyde sa isa namang room. Ayos lang naman sa amin ni Jana ang set-up ng mag-bf. We are both liberal minded. Well, atleast I’m trying to be. Haha!
Minsan naririnig namin silang naghaharutan dahil hindi naman soundproof ang rooms pero ayos lang. Minsan pa nga mga halinghing nila ang naririnig namin. Alam na kung anong ginagawa nila. Deadma nalang.
Mababait din naman kasi ang dalawang ‘yon. Pati si Jana, kaya nga pumayag akong lumipat kasama nila. Madalas sa labas na kami kumakain. Pero ako minsan nagluluto rin.
“Ate Wylene, sa RD ko, uwi ako sa amin ha.” Paalam ni Jana. Tumango ako. Taga-bulacan kasi siya. Buti pa siya malapit lang kaya nakakauwi siya kapag Rest Day niya. Ako minsan kina Auntie lang sa QC nagpupunta or minsan naman pasyal lang. Hindi kami magkakasabay ng RD nitong mga kasama ko pero madalas sabay ang sched namin ng pagpasok at pag-uwi.
“Minsan naman mag-file tayo ng parehong day ng leave.” Suggestion ni Allie.
“Sige, okay yan! Para magbonding tayo.” Sang-ayon naman ni Jana.
Sabagay okay din ‘yon.