Jayden’s POV
I don’t know but I felt at ease sharing my thoughts with this stranger. Para kasing pareho kami. I don’t know. I am already an Australian citizen. I have high paying job there. I have enough savings for my future. Pero dumating sa point na bigla ko nalang naisip na umuwi ng bansa. Everyone protested pero wala rin silang nagawa.
This woman here beside me feels the same way I felt two years ago.
Wylene’s POV
Natahimik kami pareho.
Narinig nalang namin na inaanunsiyo na ang paglapag ng eroplano sa NAIA. Ang bilis. May isang oras na pala.
Magkasunod lang kaming lumabas at nagtungo sa luggage area saka nagcheck-out.
“Saan ka dito sa Manila? Hatid na kita,” pagboboluntaryo niya. Papalabas na kami sa airport. Napatigil ako sa paglalakad.
He raised his brow as if convincing me.
“Huwag na.” Napailing ako. That’s too much. I’m sure dito lang siya sa Pasay or Manila Area.
“Sige na para makapagkwentuhan pa tayo. Ngayon lang kasi ako nakakita ng taong kapareho ko nang naging experience. Halos lahat kasi hindi pa maintindihan ang naging desisyon ko,” mahabang paliwanag niya.
“Hm, sige pero sa QC pa kasi ako tutuloy.”
“It’s fine with me.” He smiled.
“Ok, sa trinoma mo nalang ako ihatid. Malapit na rin lang naman kasi doon ang uuwian ko.”
“Hm, ok if that’s what you want.” He said.
Hinintay namin na dumating ang sasakyan niya. Sa backseat kaming dalawa sumakay.
“Kuya Rick, drop by ka nalang sa may buendia para makauwi ka na. Tapos ako na ang magda-drive,” bilin niya sa driver. Ngumiti naman ang isa saka tumango.
Wala kaming imikan hanggang sa makarating kami ng Buendia at bumaba ang driver. Lumipat naman kami sa harapan.
“So, saan kana magwo-work?” Siya ang nagbukas ng usapan.
“Sa call center muna. I’ll start next week,” tugon ko. Napatango siya habang nakatitig pa rin sa daan.
“Mahirap daw yata ang trabaho sa call center,” komento niya.
“Depende siguro yun sa tao,” tugon ko naman. Feeling ko nga rin mahihirapan ako dahil hindi ako sanay sa night shift.
“Sabagay, you look tough naman.” He smiled. Napangiti nalang din ako.
“Ganyan ka ba kabait sa lahat ng bagong nakikilala mo?” kapagkuwa’y tanong ko. Napasulyap naman siya saglit sa akin.
“No! Actually, I just feel at ease with you.”
“Kasi pareho tayo ng pinagdaanan?” dugtong ko sa pahayag niya.
“Yes, I hope we can be friends.” Sumulyap siya ulit nang may ngiti sa labi.
Napangiti nalang din ako at tumango.
Pagdating namin ng trinoma, niyaya niya pa akong magkape muna. Ako naman nagpatianod lang. First time ko yatang may kasamang mukhang artista. Hehe!
Jayden’s POV
I still wanted to talk to her kaya naisipan kong yayain siyang mag-starbucks. Buti pumayag naman siya.
She’s a good conversationalist. Kung anu-ano lang ang napag-usapan namin frome trade to religion to politics to world issues. Malawak pala ang kaalaman niya kahit sa probinsya siya dati nagtatrabaho.
“Bakit parang lahat yata ng issues sa mundo alam mo?” biro ko.
“I’m just a good reader.” She smiled. Napatango nalang din ako.
“Are you sure ayaw mo nang magpahatid sa bahay ng Tita mo?” tanong ko. Nakuwento niya kasi na doon siya titira habang wala pa siyang malilipatan.
“Wag na, malapit nalang naman dito eh,” saad niya. Hindi na ako nagpumilit baka nakukulitan na siya sa akin.