Wylene’s POV
“Hey there!”
Napatingin ako sa nagsalita. Iyong lalaki kagabi. Si Jayden. Nakangiti siya habang inilalagay ang gamit niya sa taas. Gosh! Seatmate kami!
“Hi!” Napangiti ako. Ngumiti rin siya at umupo na.
“Thanks pala sa libre kagabi,” mahinang saad ko. Kung hindi dahil sa ‘yo wala akong pang-taxi pauwi. Ngumiti ulit ako sa halip na isatinig ang nasa isip.
“Kagabi ka pa nagte-thank you ah!” saad niya.
“Grateful lang!” ganti ko naman. Tumango lang siya. I feel at ease.
“Ang bait mo, swerte sa’yo ang asawa at mga anak mo,” saad ko. I just assumed, alam ko sa gwapo at edad niya, may pamilya na siya.
He chuckled softly.
“I’m not married!” tugon niya. Nag-blush yata ako. Epic fail! Lesson number 1: Don’t assume! Haha!
“Weh, maniwala?!” pambawi ko nalang, parang bata lang. Pero sa totoo lang nahiya ako bigla. Tumawa lang ang loko.
“Maswerte rin sayo ang sampu mong anak!” saad niya.
“Anong sampu?” naguguluhang tanong ko. Tumawa lang siya. Natawa nalang din ako at napailing nang ma-realize kong bumabawi lang siya sa sinabi ko kanina.
Maya-maya’y tumigil na siya.
“No, seriously, are you married?” mahinang tanong niya.
“Nope!” saad ko naman. He just smiled.
“What were you doing in Cebu?” tanong niya ulit.
“Namasyal lang.” tipid kong sagot.
“Alone?”
Napatango ako bilang tugon.
“Wala kang kasamang friends? Boyfriend?” tudyo niya.
Napailing naman ako. Alone nga ‘di ba? Di makaintindi? Tsk!
“Taga-saan ka?” tanong niya ulit.
“Hulaan ko kung anong trabaho mo,” sambit ko naman sa halip na sagutin ang tanong niya. He looked at me puzzled.
“Pulis ka ‘no? Or NBI agent?”
Tumawa naman ang loko. Haha! Kanina pa kasi siya tanong ng tanong. Natahimik lang siya nang marinig namin ang instructions na magtetake off na ang plane kaya kailangan nang magseatbelt.
“I’m actually a businessman.”
Napatingin naman ako sa kanya. Mukha nga.
“Anong business mo?” nahawa yata ako sa pagiging imbestigador niya.
“Restobars. I own three. Two in Pasay, one in Malate.”
“Uhmm…” napatango nalang ako.
“Ikaw, what’s your line of work?” tanong niya matapos ang katahimikan.
“I just resigned as a supervisor sa isang supermarket sa probinsiya namin.”
“Ilang years ka naman as supervisor?”
“Six.” Tipid kong sagot.
“Really, what made you resign?”
Napatingin ako sa kanya. Ayoko sanang sumagot pero mukha naman siyang interesado.
“I just felt like…Uhm, how will I say it?” I heaved a sigh. Naghintay naman siya sa sasabihin ko. Bakit nga ba ako nagresign?
“I needed that stable job para pag-aralin ang kapatid ko sa college. When he graduated last March, I felt a certain freedom. I want to explore the countless possibilities na maaaring mangyari sa buhay ko. So I resigned and went to Manila. Basta gano’n, hindi mo siguro maiintindihan,” paliwanag ko. Nakita ko syang ngumiti.
“Ang bait mo namang kapatid,” komento niya. Napatango nalang ako.
“Contrary to what you think, I understand you.” I saw him heaved a sigh pagkatapos niyang magsalita.
“Two years ago lang ako bumalik ng bansa at nagput-up ng business sa Pilipinas. I used to live in Australia. I worked as manager in a resort hotel there.”
Napatingin ako sa kanya. He looked sincere naman. Mukha namang hindi siya nag-iimbento. Saka halata sa accent nito.
“Nandoon ang parents ko at mga kapatid pero hindi ko mahanap doon ‘yong peaceful mindset,” paliwanag nito. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti naman ito ng tipid. Tumango nalang ako.
“Alam mo ‘yong sinasabi nilang you are at peace with yourself and your environment? Parang hindi ko maramdaman doon.”
Napatango ako. Wow! May lalaki palang ganito mag-isip.