Chapter 6

1143 คำ
Mula rito sa balkonahe ng aking silid ay ‘di ko maiwasang lumuha habang nakatunghay sa kabilugan ng buwan. Labis-labis na akong nangungulila sa magulang ko at gusto ko na silang makita’t makasama. Gusto ko na rin bumalik sa kinalakhan kong tahanan ngunit wala akong kakayahang gawin iyon. Ayoko ng ganitong klase ng buhay na parati lamang nakakulong at walang ibang ginagawa kundi ang kaawaan ang sarili sa pagiging bilanggo. Pakiramdam ko tuloy sa bawat araw na nagdaan sa buhay ko ay kapareho ko na ang kwento ni Rapunzel sa isang fairytale story kung saan tulad niya ay pareho kaming nakakulong. Ang kaibahan lang naming dalawa ay ang kaniyang ina-inahan ang kasama niya habang ako naman ay si Calvin na isang halimaw ang kasama. Hindi literal na halimaw ang anyo ng binata ngunit malahalimaw naman sa kaniyang pag-uugali. Napapitlag ako nang pabalagbag na bumukas ang pintuan kung kaya napaharap ako sa direksyon niyon. Si Calvin ang iniluwa niyon at katulad ng madalas mangyari ay malamig pa rin ang kaniyang mga matang tumitig sa ‘kin. Maingay ang kaniyang mga hakbang na lumapit sa aking kinatatayuan at tila may kung ano siyang nais gawin. Tinangka kong umalis, pero agad niya akong nasukol. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ang isa niyang bisig na pumulupot sa ‘king baywang. Nanlaki ang mga mata ko dulot nang pagkagulat ng masuyong tinuyot ng kaniyang hintuturong daliri ang mga luhang nagkalat sa ‘king pisngi. Kusa tuloy huminto sa pagpatak ang mga luhang ‘di maampat-ampat mula pa nang magsimulang pumatak ang mga ‘yon sa aking mga mata. “Why are you crying, Mia?” umuusal niyang tanong. “Ganito na ba kita nasasaktan?” Gusto ko sanang sumagot dahil gusto kong mariing isumbat sa kaniya ang kasagutan. Gusto kong ipamukha sa kaniya kung ba’t ako umiiyak gayong siya rin ang may kagagawan niyon. Pinili ko na lamang na manahimik dahil wala akong lakas ng loob na sumagot. “Did I hurt you?” muli niyang tanong na sinabayan ng masuyong paghaplos ng kaniyang daliri sa ‘king labi. Isang matinding katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Hindi ko inaakalang maririnig mula sa kaniya ang ganitong klase ng katanungan. Para siyang hindi si Calvin na taong kilala at kaharap ko ngayon. That wasn’t his usual tone! May kung ano sa kaniyang tono na nagpapabigat sa aking damdamin. Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga saka bumitiw mula sa pagyakap sa aking katawan. Bumalik sa dating emosyon ang bakas ng kaniyang mukha at muli ko na namang nasilayan muli ang malamig niyang mga mata. Marahang hinila niya ako sa kamay at nagpaubaya naman ako sa kaniyang paghila. Pumasok kami sa may loob ng silid hanggang sa matapat kami sa single na upuan. “Sit, Mia.” Ngumuso ako at lihim na nagrebelde dahil sa paraan nang pag-utos niya sa ‘kin. Ginawa niya akong batang paslit sa paraan ng kaniyang pag-utos. Ang mas nakakainis ay sinunod ko rin! Yumukod siya at saka hinila ang inuupuan kong upuan. Itinukod niya ang magkabilaang kamay sa armrest at saka inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Kuntodo sandal ko naman sa backrest ng upuan upang makaiwas sa kaniya. Ngunit lalo lamang siyang lumapit sa akin dahilan para masamyo ko ang mainit at mabango niyang hininga. “You know why I work different roles in our society eventhough I already manage our big companies, Mia?” Nanginginig ang labi ko habang hindi maalis-alis ang titig ng mga mata ko sa kaniyang mukha. Habang pinapakinggan ko ang boses niyang malamyos na nakikipag-usap sa ‘kin ay ibayong pagkamangha ang lumulukob sa buo kong pagkatao. “Mia?” untag sa’kin ng kaniyang tinig. Umiling ako dahil hindi ko rin naman talaga alam ang kasagutan. Hindi ko nga alam na siya ang CEO ng isang kumpanyang pag-aari ng kanilang pamilya na kanina ko lang din naman nalaman. “Guess it, Mia.” Pag-uudyok niya sa akin upang sagutin ang kaniyang katanungan. Nagdalawang isip pa muna ako kung sasagutin ang kaniyang itinatanong o mananatili na lamang akong tahimik na nakatitig sa kaniya. Pinili ko ang una dahil sa paraan nang pananatili niyang pagtitig sa mga mata ko na ‘di ko kayang salubungin dahil sa lamig nang pagtitig niyon. “Come on Mia, tell me. I wanted to hear it from you.” “B-because you wanted to become like that, didn’t you?” kandautal at walang kasiguraduhang sagot ko. Puno nang pagsuyong hinaplos ni Calvin ang pisngi ko kasabay nang pagbalik niya sa ilan pirasong buhok kong tumakas mula sa likuran ng aking tainga. “You want to be seated on that place?” tanong niya sa ‘kin na hindi ko naman maintindihan ang ibig sabihin. Tumayo si Calvin mula sa pagyukod sa ‘kin sa kinauupuan ko saka matamang pinagmasdan ako sa mukha. “Stop doubting to yourself, Mia.” Hindi ko na tuluyan pang maiwasan ang mapakunot sa noo dahil sa mga ipinapahayag niyang ‘di ko malaman kung ano ang itinutumbok. “Sa oras na makasal tayong dalawa, you will be a Mrs. Mia Villaforte, my wife. You will be starting to entertain our different visitors while I am doing to entertain myself too in work. What do you think?” Lalo lamang akong naguluhan sa mga salitang ipinahayag niya dahil sa hindi ko lubos na maunawaan kung bakit ganoon ang kaniyang mga salita. I gritted my teeth when I remember his wedding plan. Alam kong ikakasal ako sa kaniya kagaya ng nais niyang mangyari. Ngunit hindi iyon naisasakatuparan sapagkat palagi rin akong mayroong dahilan na tanggihang maganap iyon. Gosh, hindi ko kayang magpakasal sa kaniya kahit pa nga mayroong lihim na pagtatanging sumisibol sa aking dibdib. Tumalikod si Calvin nang mapansing wala akong sinasabing anumang salita. Nagsimula siyang humakbang pabalik sa may pintuang pinasukan kanina. “Kaunti na lamang at gusto ko nang isiping nagbabalak ka na namang takasan ako.” Tumigil si Calvin sa paglalakad pero hindi ako nilingon. Kinabahan ako bigla dahil pakiwari ko ay napikon siya sa ‘king pananahimik. Nakakatuliro at nakaka-speechless naman talaga sa tuwing makakaharap ko siya. He turn his head halfway kung kaya ang kalahati ng kaniyang mukha ang napaharap sa akin. “Huwag mo nang subukang tumakas Mia dahil hindi mo rin magugustuhan ang parusang igagawad ko sa iyo.” Sumulak bigla ang inis sa buo kong pagkatao kung kaya lakas loob akong sumagot sa kaniyang sinabi. “And what if I keep trying to escape? What will you do?!” Hindi ko na napigilan pa ang pagtakas ng mga luha mula sa ‘king mga mata. “Kung kinakailangan kang lumpuhin para lamang manatili ka sa ‘king tabi, gagawin ko.” Napasinghap ako sa kaniyang winika kasabay nang panghihilakbot ng buo kong pagkatao. He’s so cruel to me and to the other people! He's a heartless man! A real monster!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม