“Hi!” nakangiting bati ko kay Mia ng kaniyang pagbuksan ako ng pintuan. Ngayon lamang ako nagkalakas loob na humarap sa kaniya ng ganitong oras. “A-an-nong kailangan mo?” kandautal niyang tanong sa akin kasabay nang pandidilat ng kaniyang mga mata. Humakbang ako papalapit sa kaniya kung kaya naamoy ko ang pabangong gamit niya madalas. Nakadama ako ng lungkot nang iwasan niya ang kamay kong akmang hahawak sa kaniyang braso. Iwinaksi ko ang nararamdaman at saka muling inulit ang inaktong paghawak sa kaniyang braso. Hindi niya naiwasan na ang kamay ko dahil pinilit kong abutin ang kaniyang braso. Marahang hinila ko siya patungo sa may balkonahe kung saan tanaw ang pagsikat ng haring araw. Unang beses ko iyong tatanawin na kasama si Mia. The gentle warm breeze caught her hair and the he

