Ang lamig ng buong paligid ng silid dahil na rin sa malakas na buga ng aircon.
"Mia, look at me." Malamyos ang tinig ni Calvin nang sabihin iyon.
I faced him with beads of sweat on my forehead. Giniginaw ang pakiramdam ko at biglang sumama ang timpla ng puson ko. Mukhang magkakaroon pa yata ako ng monthly period.
“What happen to you?” nag-aalalang tanong niya sabay gagap sa mga kamay ko.
Umiling-iling ako bilang pagtugon. ‘Di ko na nais pang sabihin sa kaniya ang nangyayari sa akin dahil ayokong isipin niyang nagdadrama ako.
Calvin lifted my face, his eyes locked with mine, and a tremor ran through my body at his touch.
I did not feel these sensations when we first met or whenever he was near me before, but why do I feel this now?
"I'm sorry for what Darwin's did to you." Pinatakan ni Calvin ng halik ang kamay kong dinala niya sa tapat ng kaniyang bibig.
Napaawang ang mga labi ko dulot ng matinding pagkabigla. Nabibigla ako sa mga ikinikilos niyang iyon dahil sa ngayon lang siya naging malambing lalo pa't kaming dalawa lamang ang magkaharap.
Masuyong humaplos ang isa niyang palad sa pisngi ko habang titig na titig naman ang kaniyang mga mata sa'kin.
“Tell me Mia, what do you want?” malambing niyang usal. “Tell me what you desire, and I will fulfill it.”
Natigilan ako sa kaniyang ipinahayag.
Totoo ba ang mga narinig kong iyon mula sa kaniya? Parang hindi ako makapaniwalang si Calvin ang taong kaharap ko ngayon.
“I don't care for what other people thinks.” Pumisil ang kamay niya sa mga kamay ko. “All I care is your happiness.”
Nag-unahang pumatak ang mga luha mula sa ‘king mga mata. Hindi ko maisip ang ibig niyang ipaunawa, pero susubukan kong magpakatotoo sa kaniya.
"I- I- I want my freedom," pautal kong wika.
Iyon ang totoong kaligayahan para sa’kin kung kaniyang pahihintulutan. Labis-labis na pangungulila sa ‘king magulang ang siyang pighati ko sa tuwina.
Umiling-iling ang kaniyang ulo tanda na inaayawan niya ang kahilingan ko.
Nalungkot ako at katulad ng madalas mangyari, nadismaya ako.
Nagpakawala siya ng buntonghininga saka muling ginagap ang mga kamay ko.
"I know I'm a selfish person, but I will always do that because I wanted to protect you."
Laglag ang mga balikat na yumuko ako upang ikubli ang matinding sakit na nararamdaman ko.
Buong akala ko ay meron ng pag-asa ang kagustuhan kong makauwi sa amin. Iyon pala’y isa lamang iyong paraan para paasahin ako.
Nagtanong siya upang kahit ano ang isagot ko, ang kagustuhan pa rin niya ang masusunod.
Lumipat siya sa tabi ko na hindi binitiwan ang mga kamay kong hawak pa rin niya.
Nadarama ko ang mainit na singaw ng kaniyang katawan kaya medyo nawala ang lamig ng aircon na kanina lamang ay nagpapanginig sa ‘king pakiramdam.
Umakbay siya sa may balikat ko at kinabig ako palapit sa kaniyang maskuladong katawan.
My chest began to throb. I couldn't help but feel the bond between us tugging me closer to him, and it was difficult to refuse.
“M-Mia...” pabulong niyang usal.
I started to stumbled as I noticed his eyes staring at me. Dahan-dahang bumaba ang kaniyang mukha palapit sa aking mukha.
His lips kiss my lips, and I don't know what’s in that kiss that I feel some urge to respond.
Hinihimok ako ng aking isipan na tumalon na lamang sa kaniyang mga bisig at angkinin siya. Ngunit pinilit ko rin pigilan ang sarili dahil sa takot na tuluyang mahulog ang damdamin ko sa kaniya.
I sense a strong feelings between us, but I'm not brave enough to confront him about this.
Hindi ako maaaring basta na lamang magpadala sa bugso ng damdamin ko, sapagkat ikapapahamak ko rin iyon.
Calvin has the ability to hurt me with a single snap of his fingers. He has no mercy everytime I disobey him. He doesn't give me a chance to go back to my parents.
He's a man with a hideous monster inside his body.
I know he's attempting to connect us, but he can't do because I avoided it.
He kiss me passionately and I can't refuse hanggang sa namalayan ko na lamang ang sariling tumutugon sa ginagawa niyang paghalik sa akin.
“C-C-Calvin,” I managed to moan when he left my lips, and I notice a smile grace in his lips.
Nakaramdam ako nang pagkapahiya sa sarili. Ilan beses kong isinusumpa sa isipan si Calvin, pero nagawa ko pa rin tumugon sa kaniyang halik.
“One day, you will know the truth.” Masuyong humagod ang hinlalaki niyang daliri sa gilid ng aking labi.
“Truth?” Napakunot-noo ako kasabay nang pagtitig sa kaniyang mga mata.
“Marry me, Mia.” Muling dumampi ang kaniyang labi sa’king labi. “Doon mo malalaman ang lahat.”
Umiling ako bilang pagtanggi sa kaniyang nais. Hindi ko magagawang magpapakasal sa kaniya dahil hindi ko naman siya gusto.
“Lier!” sigaw ng maliit na tinig mula sa aking isipan.
“Excuse me Mr. Villaforte, Mr. Stewarts looking for you,” untag ng waiter na lumapit.
Saka ko pa lang din naalalang nasa hotel and restaurant nga pala kami, kung saan maraming mga matang nakamatyag.
“Please tell Mr. Stewarts, that I'm busy to talked to my girlfriend,” ani ni Calvin sa waiter.
Nailang ako sa pagtitig niya na akala mo ay ngayon lamang ako namasdan sa mukha nang malapitan.
“Calvin.” Mahina ko siyang tinulak sa dibdib upang mapalayo sa’kin, ngunit imbes lumayo lalo lamang humigpit ang kapit ng isa niyang braso sa balikat ko.
Para akong matutunaw sa mga bisig niya lalo pa at sinasabayan ng matiim na pagtitig sa mga mata ko.
Akmang magsasalita ako nang sarhan niya ng kaniyang labi ang aking labi. Nauwi sa pag-ungol sa loob ng bibig niya ang anumang reklamo ko.
I couldn't help myself but swallow hard, captivated by his formidable kiss.
Bigla akong nanginig dahil sa labis na antisipasyon lumukob sa katawan ko. Tila nawawalan ako ng lakas dahil sa sensasyong idinudulot ng halik niya.
Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay nang pagkapit ng isang braso sa leeg niya upang hindi ako malaglag sa may upuan. Naramdaman ko naman ang masuyong paghagod ng isa niyang palad sa aking likuran.
Lasing na lasing ang diwa ko sa tamis ng halik ng kaniyang labi. Para akong dinadala niyon sa ibang mundo kung kaya tuluyan na nga akong nakalimot sa kung nasaan kaming dalawa pati na sa kung ano ang nangyayari sa aming paligid.
“Hey, Bro! I think you should go home para makapagpahinga na rin si Mia.” Tinapik si Calvin ng kung sinuman kaya napilitan kaming maghiwalay na dalawa.
“Ate?” gulat na bulalas ni Calvin. “What are you doing here?”
Matamis na ngumiti si Simona saka sinulyapan ako. Bigla akong nailang sa kaniyang pagtitig kaya iniyuko ko ang ulo upang iwasan ang tingin niyang iyon.
“Of course I'm here because I am like you.” Lumapit sa’kin si Simona saka nakipagbeso-beso. “Pagpasensiyahan mo na sana iyang kapatid ko, Mia.”
Pakiramdam ko tuloy ay sabay na nag-init ang magkabilaang pisngi ko dahil sa winikang iyon ni Simona.
Pasimple kong inalis ang kamay kong nakakunyapit sa leeg ni Calvin, ngunit maagap na pinigilan iyon ng kaniyang kamay.
“Since nandito ka naman Ate, aalis na kami ni Mia. Tapos na rin ang trabaho ko rito.” Marahang tumayo si Calvin saka inalalayan ako.
Nakakailang hakbang na kami nang tawagin ni Simona si Calvin. Sabay pa naming hinarap ang nakatatandang kapatid niya na may nakakakabang ngiti sa labi.
“What, Ate?” untag ni Calvin sa kaniyang kapatid.
“I am happy for you, Bro!” puno ng sinseridad na pahayag ni Simona sa kaniyang kapatid.
Kung gaano kaseryoso sa buhay si Calvin, siyang kabaligtaran naman ng kaniyang ate na mukhang happy go lucky.
Ngunit sa kabila niyon ay ramdam ko ang pagiging magkapatid nila dahil sa kabila ng kasikatang tinatamasa sa kani-kaniyang larangan ay naroon pa rin ang respeto sa isa’t isa. Nagiging ate pa rin si Simona kay Calvin kahit pa nga sikat din siyang modelo.
Sa kaibuturan ng puso ko ay naroon ang inggit dahil sa hindi ko naranasan ang pagkakataong magkaroon ng kapatid na maaaring sandigan o lapitan sa oras nang kinakailangan ko ng karamay.