Chapter 9

1074 คำ
"Let's go, Mia." Inilahad ni Calvin ang kaniyang palad sa aking harapan. Narito na kaming dalawa sa may parking lot ng isang kilalang hotel and restaurant kung saan gaganapin ang isang okasyong hindi ko naman hilig ngunit kinakailangan kong daluhan. “Mia.” Inabot ko ang nakalahad niyang palad at saka ikinunyapit ang isang kamay ko sa kaniyang braso. He started walking while I followed him. I had no choice because of his tight grip on me. "Behave like what I’ve always say," bulong niya habang naglalakad kaming dalawa. Inilinga ko ang paningin sa bawat maraanan namin. Kayliwanag ng mga ilaw na nakapalibot sa bakuran ng hotel and restaurant. Pagpasok pa lamang sa may pintuan ay agad na kaming sinalubong ng mga nagkikislapang camera. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ng kamay ni Calvin sa kamay ko pati na ang pasimpleng pagtakip ng kaniyang katawan sa akin. “Kumapit kang mabuti sa kamay ko, Mia.” Sinunod ko ang kaniyang sinabi para maiwasan ang mga camerang patuloy na nagkikislapan sa aming harapan. Kapag kasi in-entertain namin iyon ni Calvin ay tiyak na puputaktihin kami ng husto ng mga reporter. Halos paulit-ulit na lang din naman ang kanilang mga tanong, pero gusto pa rin itanong. Sanay na ako sa ganoong lifestyle ni Calvin, pero kung minsan ay hindi ko pa rin maiwasang manibago. Nang ganap na kaming makalayo sa mga press sa tulong ng mga lalaking mukhang bouncer dahil sa laki ng kanilang mga katawan, dinala ako ni Calvin sa may sulok na bahagi ng silid katulad ng madalas niyang gawin. “Huwag kang umalis dito,” habilin niya sa ‘kin. “S-saan ka pupunta?” utal kong tanong sa kaniya. Hindi ko maiwasang makadama ng takot. Hindi ko alam kung bakit, pero ito ang unang beses na pumunta kami sa isang okasyong bigla na lang akong kinabahan na ‘di mawari ang dahilan. “Will get something to drink,” turan niya saka mataman akong pinagmasdan. Kinagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi. Masuyo namang humaplos ang daliri niya sa bahaging iyon ng labi ko kung kaya lalo lamang akong kinabahan. Hindi ko alam kung namamalikmata lamang ako sa nakikitang pag-aalala mula sa kaniyang mga mata o sadyang iyon na talaga ang nakikita ko. “Relax, Mia. No one will hurt you here,” malambing niyang wika. Tumango ako bilang pagtugon saka pilit inayos ang sarili. Marahan kong hinila ang mga kamay kong hawak pa rin ni Calvin. “Babalik agad ako!” paalam niya na tinugon ko nang pagtango. Tinanaw ko na lamang ang bulto ng katawan ni Calvin na naglalakad patungo sa may bar. Mula rito sa kinauupuan ko ay tanaw na tanaw ko rin ang iba’t ibang klase ng alak na naka-display. Halatang ang lahat ng iyon ay pawang mga galing ng abroad dahil sa mamahaling label na nakaimprinta sa bote. Tunay ngang nakabibighani ang mga iyon inumin at talagang mag-iiwan sa kahit sinumang manginginom nang pagnanasang hahanap-hanapin. Ngunit ipupusta ko rin na ang halaga niyon ay katumbas ng sandaang libong piso! Ganoon karaming pera ang kayang sayangin ng mga mayayaman para lamang sa party na ‘to. Mula sa tagilirang bahagi ko ay may tumikhim na tao. Lumingon ako para kilalanin ang taong ‘yon. Isang matangkad na lalaki na may kulay itim na buhok ang papalapit sa akin. Ang kaniyang kulay abuhing mga mata na may mahahabang pilikmata ay mapupungay na nakatunghay sa’kin na para bang kilalang-kilala ako. “Hi! You're Mia Silva, right?” Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Hindi ko siya nakikilala kung kaya ‘di ko tinugon ang kaniyang tanong. Muli kong ibinaling ang tingin sa direksyon ng bar kung saan naroon si Calvin, ngunit ‘di ko na siya nakita. Humarang sa harapan ko ang lalaking hindi ko binigyan pansin. Tinaasan ko siya ng kilay upang ipakitang hindi ako natutuwa sa kaniyang ginawa. “Maybe you’ll forget me, but I’ll never forget you as my high school crush.” Kumindat siya sa ‘kin matapos iyong sabihin. Pakiwari ko’y biglang lumakas ang ihip ng hangin sa paligid dahil na rin sa lakas ng kayabangang taglay sa katawan ng lalaking hindi ko naman nakikilala. Naiinis na tumayo ako saka dinampot ang pouch sa ibabaw ng lamesa. Aalis na sana ako ng muling magsalita ang lalaki. “Hindi ko alam na suplada ka pala sa personal. Ang alam ko kasi noon ay malambing at palakaibigan ang isang Mia Silva, kaya nga paborito siya ng la-” Hindi ko na hinintay pang matapos ang kaniyang sasabihin. Nilapitan ko ang siya at walang pagdadalawang isip na pinalagapak ang palad ko sa kaniyang pisngi. “F*ck! What the he-” “Darwin, stay away to her!” Calvin quickly shoved me behind him. “Calvin.” Alanganing ngiti sa labi ang sumilay mula sa mukha ng lalaking tinawag na Darwin. "No fun, Darwin. She's mine!" mariing pahayag ni Calvin at ramdam ko ang matinding galit sa kaniyang tinig. Darwin pouted his lips. "I just want to say hello to Mia. She's one of the role model student from our bat-” “Enough, Darwin!” Dumagundong ang tinig ni Calvin at nagsimula na rin ang mga taong magtinginan sa amin. Nagpalitan sina Calvin at Darwin ng matalim na tinginan. Kapwa nanliliit ang kanilang mga mata sa isa’t isa at kung nakamamatay lang marahil ang kanilang mga tingin ay tiyak ng may bubulagta sa sahig. “One slap from her wouldn't hurt you. But I'll assure you, one punch from me will make you fall.” “Calvin...” Hinila ko siya sa braso para pigilan sa napipintong pagsabog ng kaniyang galit. “Be thankful that her slap wouldn’t hurt me,” nakangising sabi ni Darwin. “Tama na, Mr. Darwin!” bulalas ko. “I’m sorry, but I don't remember you.” “You heard her, Darwin. If you don't want to get cursed, best to leave us alone.” Mahigpit na kinapitan ni Calvin ang isa kong palad Darwin flashed us a smile. A smile with the threat of danger. Pinagmasdan niya kaming dalawa ni Calvin, partikular na ang mga kamay naming magkasalikop. Maya-maya’y walang anumang salitang umalis sa harapan namin si Darwin. “Make sure you stay close to my side, okay?” mariing sabi sa’kin ni Calvin. I nodded as my answer to him. Hindi ko rin naman gustong malayo pa sa kaniya dahil hindi ko rin gusto ang nararamdamang takot sa dibdib ko.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม